@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, May 8, 2012

Astroboy, champion ng ‘Talentadong Pinoy’

original source


ANG Filipino-American na hula-hoop at fire dancer na si Astroboy ang tinanghal na champion sa third season ng Talentadong Pinoy at tumanggap ng isang milyong piso, Chevrolet Cruze car, at lalaban sa WCOPA ngayong 2012. Sina Nora Aunor at Judy Ann Santos ang nagbigay ng award sa kanya.

Sina Arnell Ignacio at Leah Patricia naman ang celebrity champions at nakapag-uwi ng P100,000.
Lahat ng walong Talentadong Pinoy finalists ay tumanggap ng scholarship sa AMA Computer College kaya walang umuwing luhaan. Tatlo rin sa kanila ang tumanggap ng tig-P10,000 galing sa Champion detergent soap.
Death-defying ang opening number ng Talentadong Pinoy battle of the champions noong Linggo ng gabi sa pangunguna ng unang celebrity champion na si Ciara Sotto-Oconer sa kanyang pole dancing kasama ang Douglas Nieras Powerdancers.
Halos lahat ng tao sa Quezon City Memorial Circle ay nakanganga habang pinapanood ang napakagandang performance ni Ciara.
Lalong ginanahan ang lahat nang banggitin ng host na si Ryan Agoncillo na number one ang Talentadong Pinoy sa primetime noong Sabado ng gabi, base sa report ng AGB.
Sa celebrity edition, unang nagpakita ng singing talent si Wendy Valdez kasama ang Beatbox Gor. Tumugtog naman ng violin/dance interpretation si Inday Garutay kasama ang The Zion Show. Pangatlo si Arnell na tumugtog sa piano kasama ang 92AD at si Leah Patricia.
Panghuling nag-perform si Keanna Reeves at ang Tribal Dancers sa kanilang Bollywood dancing.
Samantala, bago inihayag ang winners ay in-announce ni Ryan na magbubukas na ang Talentadong Pinoy Kids Edition simula sa susunod na linggo.

No comments:

Post a Comment