@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, May 23, 2012

Judy Ann, kapalit ni AiAi Judy Ann, kapalit ni AiAi


SI Judy Ann Santos ang kapalit ni AiAi de las Alas sa movie project kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto para sa MMFF 2012.
“Ako lang naman, wala namang problema. Susmaryosep! Hello naman! Ako pa ba naman ang… (tatanggi sa project)? Nakakaloka naman ako kung sabihin ko na pag-iisipan ko muna.

“Ang sa akin lang, gusto ko lang makausap ‘yung company (M-Zet Films at Imus Production) para malaman ko kung ano ‘yung timeline ng shooting.
“Para hindi mag-overlap sa taping. Siyempre kasi ngayon nakasalalay na (ang oras) sa pamilya, sa mga anak, sa akin mismo. Hindi ko na kaya ‘yung araw-araw, oras-oras,” katwiran ng aktres.
Inamin ni Juday na nagkausap na sila ni AiAi tungkol dito.
“Actually, natanong ko na si AiAi about it. Siyempre, hindi ko naman puwedeng i-divulge ang napag-usapan namin. Pero nabanggit nga sa akin (ni AiAi) na, ‘Kinokonsider ka, bakla!’ ’Tapos sabi ko, ‘Ay ‘yon? Bongga!’” tumawang kuwento pa ni Juday.
Tinanong namin si Juday kung may basbas ang ABS-CBN na mag-guest siya sa ibang TV network, tulad sa TV5 na isa siya sa judges noong nakaraang finals ng Talentadong Pinoy.
“With ABS naman meron naman kaming (usapan), ano na lang ‘yun, parang respeto lang din nila sa amin ni Ryan, na hindi na kailangan pang barilin kung halimbawang mag-guest ako kay Ryan or kay Ate Sharon (Cuneta, sa TV5 din).
“Even with GMA, ganu’n din naman, hindi naman ako as in super-exclusive ng ABS. For teleseryes, I am exclusive with them,” pahayag ng aktres. – Reggee Bonoan


http://www.balita.net.ph/2012/05/judy-ann-kapalit-ni-aiai/

No comments:

Post a Comment