@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, May 23, 2012

Juday's decision surprises Andeng


LAKING gulat ni Rizal First Lady Andeng Bautista-Ynares nang malamang interesado si Judy Ann Santos sa alok nilang bilang magiging kapalit ni Ai-Ai delas Alas na makasama ng kuya niyang si Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto sa Metro Manila Film Fest entry ng Imus Productions sa darating na Disyembre.

Lalo siyang natuwa nang sabihin ni Juday na walang problema, kahit second choice lang siya sa comedy queen.

“Akala ko, nasa negotiation period pa lang kami, kaya ayokong magsalita,” natatawa niyang reaction. “Ako yata ang huli sa balita. Ang alam ko, makikipag-meeting pa lang kami kay Vic del Rosario. Sa kanila (Viva Films) kasi naka-kontrata si Juday as far as movies are concerned.”

Nagtanong nga si Andeng kung paano ko nalaman. Ika ko’y it’s all over the papers dahil nabanggit nga ito ni Juday sa presscon niya para sa isang panatag na produkto.

Lalong natuwa ang aming kausap: “Bilib na ako sa suwerte ni Kuya Bong. Wala talaga siyang problemang hindi nalulutas. Totoong nalungkot kami nang malamang hindi puwede si Ai-Ai dahil may contract siya sa Star Cinema. Kailangan naming respetuhin iyon. Kung sino man ang genius sa grupo na nakaisip kay Juday ay saludo ako. Sino naman ang mag-aakalang magiging interesado siya?

“Hindi na ako mag-e-elaborate muna. Ang importante, hindi gaanong magkakaroon ng major revisions ang story at script nina direk Tony Reyes, Vic at Kuya Bong. Magco-comedy po ang drama queen for a change.

Natural namang kalog si Juday, kaya siguro siya na-excite. Sana nga, maayos namin ang kanyang sked."


http://journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/30403-judays-decision-surprises-andeng

No comments:

Post a Comment