@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, May 1, 2012

Juday is at her prettiest-- Ryan



Enjoy na enjoy si Ryan Agoncillo sa pagho-host ng Talentadong Pinoy dahil each season ay iba-iba raw talentong Pinoy ang nakikita niya.

Nagsimula noong 2008 ang nasabing talent show at hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa ere.

“Pangatlong championship na namin ito and magi-start na ’yung pang-apat na taon namin,” say ni Ryan nang makausap namin sa press presentation kahapon ng Talentadong Pinoy Hall of Famers.

“Masarap, kasi iba na naman ito, eh,” he added, “iba na naman itong batch na ito and from what I heard with the staff, eh, this is our biggest show in terms of prizes, and then, even the venue is different,” he said.

Sa Quezon City Memorial Circle gaganapin ang Talentadong Pinoy Battle of the Champions live sa May 5 at maglalagay sila ng super laking tent to cover the area.

Ngayon pa nga lang daw, sine-set-up na ito.

Taun-taon ay nagkakaroon pala ng pustahan si Ryan at ang staff ng Talentadong Pinoy tuwing sasapit ang grand finals.

Pinagpupustahan nila kung sino ang mananalo and the first year, ang aktor-TV host ang nanalo.

Natalo raw siya last year and this year, dating gawi, magpupustahan ulit sila pero ayaw niya siyempreng sabihin kung sino ang bet niya.

Hindi masiguro ni Ryan kung magiging judge ang asawa niyang si Judy Ann Santos sa grand finals dahil hindi pa raw niya alam ang list.

Sa first and second grand finals ay kasama ang aktres pero this year, hindi pa niya alam at hindi naman daw nila napag-uusapang mag-asawa.

Last April 28, nagdaos ng third wedding anniversary sina Juday at Ryan at kararating lang nila nang time na ’yun mula sa bakasyon.

“Nagkuwento-kuwento lang with Mommy Carol (Juday’s mom) and ’yung mga kaibigan namin, dumating noong hatinggabi. Konting tsika-tsika lang, Nothing extra ordinary. Payapa ang wedding anniversary namin this year,” say niya.

Malapit na rin ang kaarawan ni Juday kaya natanong siya kung ano ang gift niya at kung saan ang selebrasyon.

“Intrega na lang,” natatawa niyang sabi.

How about having another baby?

“Well, hindi naman sa pinipigilan namin. Kung meron, eh, ’di thank you, kung wala, okay lang din dahil Lucho is about a year and a half pa lang now and siguro, I guess the most proper time na sundan si Lucho is about two and a half or three.”

May nagsabing i-enjoy na lang muna niya ang kaseksihan ni Juday at napa-oo si Ryan sabay suntok sa mesa.

“Oo, grabe. Pardon my expression pero ummmp,” say niya sabay suntok sa mesa.

Ayon kay Ryan, contrary sa ibang mister na ayaw na nagpapaganda ang misis, siya raw, type na type niya.

“Okay ’yun, masarap. You know, ang sarap ng feeling na everyday, nagtatrabaho ako sa Eat Bulaga na ang daming magagandang babae, pag-uwi mo, maganda rin. Tapos ang sarap pa magluto.

“I really can’t be thankful enough. Lalo na ngayon, she’s at her prettiest and I think you’ll agree. So, wala akong angal do’n,” say ni Ryan.

Samantala, ilan sa Hall of Famers ay na-meet ng press kahapon at nag-perform, tulad nina Melbelline Caluag, Dancing is Fun, Craig and Samantha Abaya-Campos, Daniel Darwin, Monica Ragalario, Rhyzza Nikol Kafilas, Sustantivo at Ivy Grace Paredes.

Sa May 5 gaganapin ang performance night at ang announcement ng winner naman will be on May 6.



source here

No comments:

Post a Comment