@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, May 23, 2012

Juday-Coco movie malabo nang matuloy

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=809706&publicationSubCategoryId=96


MANILA, Philippines - Mukhang hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan dapat nina Judy Ann Santos at Coco Martin. Hindi kasi talaga magtugma ang schedule ng dalawa.
“Hindi ko nga rin alam eh. Kung dati sobrang sure ako sa pagsabi na, yes tuloy, ngayon ’di na ako sure kasi ang daming ginagawa ni bagets. Meron siyang teleserye, pelikula kay Angeline Quinto at may pelikula rin kay Marian Rivera.
“Ako rin ang dami ko ring gagawin at sabi ko sa ABS-CBN, hindi ako makakapagsabay-sabay ng projects. May dalawang naka-line up, isang tele­serye at ’yung Master Chef,” pahayag ni Judy Ann.
Gusto na nga makita at makausap ng personal ng aktres si Coco dahil hindi pa ito nangyayari kahit kailan.
“Gusto ko siya pero nire-reserve ko ’yung moment na magkakilala kami ni Coco kasi may eksena kami sa pelikula na kakikilala lang namin. Ewan ko, siguro nag-eeksperimento ako. Gusto ko lang tingnan ’yung magiging rapport namin, ’yung umpisang kita namin on camera. Ano’ng level ng pagkailang niya sa akin. Ewan ko kung matupad pero ’yun lang naman ang gusto ko,” paliwanag ni Juday.
Nakikita rin ng aktres kay Coco ang pagiging magaling na aktor at talagang malayo ang marara­ting nito. “Matindi naman ang passion na ipinapakita niya sa pag-arte. Nakikita ko ’yun kapag napapanood ko siya. Kung gaano siya ka-intense at kung paano niya pinag-aaralan ang bawat character na ibinibigay sa kanya sa teleserye. Tatagal siya basta wala siyang gagawing kabalbalan,” deretsahang sabi ni Juday.

No comments:

Post a Comment