@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, May 19, 2012

Hollywood auditions ni Sam, wala pang linaw



MAGTATAGAL ng bansa si Sam Milby after niyang bumalik mula sa New York City.

Ilang buwan din sa Amerika si Sam dahil sa auditions niya roon para sa Hollywood TV shows.

Sa kanyang pagba­balik-Pilipinas ay gagawa ang binata ng pelikula at teleserye with Judy Ann Santos and Jessy Mendiola sa ABS-CBN.

Ayon sa manager ni Sam na si Erickson Raymundo, malamang na hanggang sa Nobyembre pa sa Pilipinas ang kanyang alaga.

Tungkol sa auditions ni Sam sa Amerika, nilinaw ni Erickson na hindi pa lumalabas ang resulta ng mga ‘yon.

May ilang tagaroon daw ang gusto pa sana na magtagal doon si Sam para mag-audition sa iba pang TV shows, pero noon pa nilinaw ng manager ni Sam na hanggang three months lang ito puwedeng mag-stay sa Amerika dahil sa commitment nila sa Dos.

Sa Martes nakatakdang mag-story conference ang bagong teleserye ni Sam with Juday and Jessy.

Sa isang interbyu ay ina­min ni Sam na may nakaka-date siya sa Amerika, pero ayon kay Erickson, hindi pa girlfriend ng kanyang alaga ang babaeng ‘yon.

Naibalita rin sa akin ng manager ni Sam na natuwa ang kanyang alaga dahil noong nasa Amerika ito ay matagal-tagal din nitong naka-bonding doon ang amang si Lloyd Milby.

***


http://www.abante-tonite.com/issue/may1812/showbiz_jl.htm

No comments:

Post a Comment