@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, May 8, 2012

Judy Ann hinihintay mabakante si John Lloyd

No photo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated May 09, 2012 12:00  View comments

Kahit maraming TV commercials na umeere ngayon si Judy Ann Santos ay hindi nangangahulugang iiwan na niya ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
“Ang drama kasi pusod ko na ’yun, karugtong na ng buhay ko. Kumbaga, hindi naman siguro ako magiging part ng isang show kung hindi rin ako nagsimula sa pagda-drama. Ang pagda-drama ang nagbayad sa aking culinary studies,” natatawang pahayag ni Judy Ann.
Pansamantalang tumigil ang aktres sa paggawa ng mga teleserye dahil nag-host muna siya ng Junior Master Chef Pinoy Edition kamakailan. “Hindi ko nga naisip na pupuwede akong tumawid sa pagiging host. Nagdalawang isip ako kung tama ba na umoo ako kahit hindi ko pa alam ’yung papasukin ko. Pero that’s the risk that I was willing to take at that time kasi nung time na ’yun talagang gusto ko ma-experience ang ibang linya naman ng trabaho maliban sa pag-arte.
“Habang tumatanda ka na ’di ba medyo ini-explore mo na ang iba’t ibang aspeto sa industriyang ito maliban sa pag-arte kasi marami ng mga artistang lumalabas? Maraming mas magagaling na bata ngayon so kailangan ko as an actress, kaila ngan ko i-explore ’yung iba pang parts ng industriya,” paliwanag ni Juday.
Nakatakdang gumawa ng isang teleserye ang aktres bago magtapos ang taon at posibleng makasama ni Judy Ann si John Lloyd Cruz para rito. “’Pag nagkikita kami, sobra rin ’yang makabati sa akin. Ito namang batang ito ay nakikita ko naman. Hindi siya nagbago. Maaaring nagbago lang ang porma niya, hindi na siya nagmemedyas ngayon pero nakikita ko siya,” biro pa ni Juday.
Umaasa rin ang aktres na masimulan na ang pelikulang pagsasamahan naman nila ni Coco Martin.
“Hindi lang din kami magkasundo sa schedule kasi si bagets mas busy pa sa salitang busy. Hinihintay ko lang din,” pagtatapos ni Juday.


source here

No comments:

Post a Comment