@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, October 10, 2010

Ryan, sobra ang pag-ibig kay Juday Yohan, nagselos kay Baby Lucho

Ryan, sobra ang pag-ibig kay Juday
Yohan, nagselos kay Baby Lucho
(ABU TILAMZIK)
KAHIT nandiyan na si Baby Lucho nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, tinitiyak nilang hindi mababawasan ang pagtingin nila at pag-asikaso sa adopted daughter nilang si Yohan.
Kuwento ni Mommy Carol, nakikita nilang parang nagkaroon ng konting jealousy dahil ang dating atensyon na ibinubuhos sa kanya ay nabaling kay Baby Lucho.
Parang unti-unting nagsi-sink in daw sa bagets na nawawalan na siya ng papel kaya nu’ng nakita ito ni Ryan, kaagad na niyakap ito ng huli at magmula nu’n, hindi na raw ito humiwalay at laging nakakapit ito kay Ryan.
“Siyempre, eto na, magsi-sink in na ‘yung jelousy nito eh nu’ng before, hindi, di ba? Happy rin siya (Yohan). She’s waiting, she’s anticipating ‘yung arrival.
“But siyempre, after a while, hindi maiiwasan,” kuwento ni Mommy Ca rol.
“Nu’ng nagpapasuso si Juday, nakatingin siya, parang umiiyak-iyak na siya parang, ‘Gusto ko rin d’yan!’ Hahahaha!
“Tinatanong n’ya nga ang mommy, ‘When can I drink your milk?’ sabi niya sa mommy n’ya
“Sabi ng mommy, ‘Yeah, I will just put it in a glass.’ Gusto rin niyang magdodo rin sa milk ni Juday,” patuloy na kuwento ni Mommy Carol.
Basta, gusto lang daw nila ipadama kay Yohan na dapat maging responsible ate ito kay Baby Lucho.
Nakausap nina Tito Joey de Leon at Manay Lolit Solis sina Ryan at Juday sa Startalk kamakalawa at naikuwento nilang nag-exchange gift silang dalawa pagkatapos lumabas ni Baby Lucho.
Isang singsing ang regalo ni Ryan kay Juday at isang Daddy watch ang bigay ni Juday kay Ryan.
Panay ang pasasala mat ni Mommy Carol kay Ryan dahil dito niya nakikita kung gaano nito kamahal si Juday.
“Nagpapasalamat ako sa love na pinapakita ni Ryan kay Judy Ann, kasi at least, we were proving wrong na ‘yung si Ryan eh ganito, ganyan.
“Parang nakita ko talaga, first hand na talaga ang pag-aalaga kay Judy Ann. Sobra ang pagmamahal sa anak ko, the more pa ngayon siguro, kasi, may baby na sila.
“I’m thanking Ryan for that.
“Si Judy Ann din, thank you din so much, anak, kasi, nagkaroon kami ng bonding eh during the pregnancy, sumobra ‘yung bonding namin,” madamdaming pahayag ni Mommy Carol.



 http://www.abante-tonite.com/issue/oct1110/entertainment_story1.htm




TRUE : Pagkatapos manganak ni Judy Ann San tos nung nakaraang Huwebes, meron pa palang exchange gifts sila ni Ryan Agoncillo na matagal na nilang pinagplanuhan iyan.
Nalaman sa phone-patch interview sa kanila sa Startalk kamakalawa na ang regalong ibinigay ni Ryan kay Judy Ann ay isang singsing at ang gift na man ng huli sa actor-TV host ay isang Daddy watch.
Malaki ang pasasalamat ni Juday na hindi naman siya gaanong nahirapan sa panganganak, kaya kung siya ang masusunod, gusto sana nitong masundan agad para isang pahingahan na lang.
Wala pang balak ang aktres na bumalik sa trabaho dahil gusto nitong personal na alagaan si Baby Lucho kasama ang panga nay nilang si Yohan at wala silang balak na ku muha ng yaya.


http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=619838&publicationSubCategoryId=96


No comments:

Post a Comment