@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, October 12, 2010

Juday, ipagdadamot muna si Baby Lucho!


 


Nakausap ni Boy Abunda  ang bagong mother na si Judy Ann Santos sa The Buzz last Sunday habang waiting si Sharon Cuneta sa harap niya to promote her new show Star Power na umere last Sunday.

Recovering at naglalakad na si Juday na nanganak last October 7 sa 6.9 lbs. na si Baby Lucho.

“Kailangan pang i-observe si Baby Lucho for some tests. Oo, kamukha ni Shawie ang baby! Ha! Ha! Ha!
“Siguro, we’ll be staying here for more days kasi hindi pa kami pinalalabas,” say ni Juday.

Nag-share rin ang Teleserye Queen ng naramdaman niya nang una niyang makita ang panganay nila ni Ryan Agoncillo.

“Hindi ko ma-explain dahil that time, para lang ka ming lasing ni Ryan na tawa lang nang tawa! Dapat, I’ll be going through Lamaze method. Eh, hindi ko na kaya, kaya nagmakaawa na ako! Ang sakit-sakit! Ha! Ha! Ha!

“Gusto ko kasing maramdaman ‘yung labor pains eh, sayang naman ‘yung moment na maramdaman ko ang proseso ng kabuuan. Eh, kumota na ako sa sakit dahil hindi ko na kaya talaga!” kuwento ni Judy Ann.

Sabad naman ni Sharon, hindi niya kinaya na habang nasa ospital ang younger “sister”, nagti-text pa raw na manganganak na siya.

“Si Ryan, ninenerbyos ng konti kaya dinadaan na lang niya sa tawa. Pinapatawa rin niya ako at inaasar dahil kung hindi, namura ko na siya sa sakit! Ha! Ha! Ha!

“In fairness naman sa asawa ko, sobra naman ang support niya sa akin!” dagdag ng bagong ina.

Handa raw si Juday na magpadede.

“Yes! Wala kaming hirap kay Lucho dahil hinanap lang niya kung saan banda siya magbi-breastfeed!
Nahanap naman niya,” tugon ni Juday.

Kelan naman makikita ng publiko si Baby Lucho?

“Maybe in a month’s time! Maybe before Christmas. Namnamin muna namin ang hitsura niya para masaya lang muna kami. Pasensiya muna kung ipagdadamot ko muna ang anak namin for the mean time!” deklara ni Mother Juday.




No comments:

Post a Comment