@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, October 10, 2010

Mommy Carol ipinagmamalaki ang bagong silang na apo



Buong pagmamalaking binigkas ng proud lola na si Mommy Carol ang pangalan ng bagong silang na apo.
Kahapon ng 5:51 p.m nang manganak ang bunsong si Judy Ann Santos sa Asian Hospital. Noong umagang iyon rin nang dalahin sa ospital si Juday. Madali raw ang unang panganganak ni Juday.
“Saglit lang daw. 4 cm pa lang lumabas na yung bagets,” ani Mommy Carol.
Siyempre, pumili na ng kamukha ang lola.
“Nakita ko siya sobrang gwapo, sobrang tangos ng ilong. Ang mouth ay si Juday,” masayang pagkukwento ni Mommy Carol.
Ang kuya ni Juday na si Jeffrey Santos, nagkuwento ng reaskyon ng panganay nina Juday at Ryan Agoncillo na si Yohan.
“Kung si Ryan nagso-somersault si Yohan 3 somersaults. Mas excited siya. May kanta na siya, I’m an ate, I’m an ate,” kuwento ni Jeffrey.
Ayaw naman pangunahan nina Mommy Carol at Jeffrey sina Ryan at Juday sa pagpapakita ng litrato ni Lucho.
“Moment nila ‘yon. Kung ano man ang kuwento nila doon bahala na sila doon,” ani Jeffrey.
Bigating show biz stars man sina Juday at Ryan, nanatili silang pribado sa mga importanteng yugto sa buhay nila. Patunay dito ang "silent wedding” nila kung saan pinili nila ang tamang panahon para ibunyag ito sa publiko.
Para naman namnamin ang pagiging ina, magpapahinga muna si Juday sa pag-aartista.

No comments:

Post a Comment