@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, October 2, 2010

Dalawang ‘Mara’ nag-iyakan nang magkita

Mala-panaginip para sa 14 taong gulang na si Kathryn Bernardo ang bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanya bilang Mara sa remake teleserye na 'Mara Clara'.
 
Para sa batang aktres na nag-umpisa sa 'Going Bulilit' at nagpakita ng husay bilang batang Gretchen Barretto sa 'Magkaribal', ito ang pinakamalaking biyaya sa kanyang karir.
“Sinabi ko na po sa family ko tapos proud na proud po sila sa akin. Ito na po yung biggest break para sa akin,” ani Bernardo.
1992 noong umarangkada sa small screen ang orihinal na 'Mara Clara' kung saan naging household names sina Judy Ann Santos at ang kontrabidang si Gladys Reyes.
Tumakbo ng 5 taon sa ere ang tinatawag na Queen of All Teleseryes dahil bukod sa paghataw nito sa ratings, tumatak din ang kuwento sa mga isip at puso ng mga manonood.
 
Napakalaking karangalan tuloy para kay Kathryn ang mapiling bida sa remake. Hindi napigilan ni Kathryn ang kanyang emosyon at luha noong nagsama sila ng orihinal na Mara. Pero ang hindi inaasahan, ang mapaiyak din si Juday.
Isa sa pinakaaabangang proyekto ng Kapamilya network ang pagbabalik telebisyon ng 'Mara Clara' halos 2 dekada ang nakaraan. Inaasahang bagong henerasyon naman ang makakahugot ng aral mula sa kuwentong pagpalit ng tadhana ng magkapatid. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino
10/01/2010 10:56 PM

No comments:

Post a Comment