@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, October 7, 2010

JUDAY, DALAWANG BESES NANGANAK!



Nasa gitna kami ng Universal Studios Singapore nu’ng pumasok sa roaming phone ko ang balita tungkol sa panganganak diumano ni Juday ng 3 AM ng Sabado.


Siniguro ng mga nagpadala sa akin ng text na nanganak na nga si Juday at bumabati sila!


Bago nga tumaas ang presyon ko sa pag-iisip na nabalewala na naman ako sa Santos & Agoncillo fa*mily, ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer (na nasa Japan pala) at sekretarya ni Juday na si Jane Buencamino ang tinext ko kung totoo ngang nanganak na.


Siniguro ng dalawa na ‘pag nanganak na nga si Juday, ako ang unang makakaalam!


Heto na, pasok ang phone call ng “Showbiz Central” na nagtatanong tungkol sa panganganak ni Juday. Puwede raw ba akong mainterbyu?


Sabi ko, sige, puntahan n’yo ako ngayon dito sa Singapore! Nagulat ‘yung tumawag sa akin!


Puwede raw ba phone patch na lang? Eh ‘di ba pareho din ‘yun? Ang mahal yata ng overseas call, noh!


Para lang pag-usapan ang maling balita? Sabi ko nga, wish ko na manganak si Juday sa Sunday, na La Naval Fiesta of the Virgin of the Holy Rosary which is 10.10.10, debah?


Pagbalik ko ng Pilipinas, midnight na sunud-sunod pa rin ang mga text at calls tungkol naman sa second panganganak ni Juday! Hayun, naimbudo tuloy si Mommy Carol ni Juday!


Pati tuloy sina Vic de Leon Lima at Karen Davila ay natangay ng maling balita sa dzMM Teleradyo nila! Ha! Ha! Ha! Ha!


Dalawang beses na nanganak si Juday? Ay, sana kambal na nga, noh!

No comments:

Post a Comment