@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, October 10, 2010

Nun, happy on Baby Lucho's date of birth



by Vinia Vivar   
Sunday, 10 October 2010 18:41
A day after Judy Ann Santos gave birth ay nakita namin ang manager niyang si Alfie Lorenzo sa presscon ni Gabby Concepcion for White House ng Regal Films. Kaya naman nakaw-eksena si Tito A. dahil bukod kay Gabo ay isa rin siya sa ini-interview ng press para sa update sa kanyang alaga.

Bale ba, ang suot na T-shirt ni Tito Alfie ay picture ng mag-asawa habang kabuntisan ni Juday at may nakalagay na 10-10-10. They were all hoping na October 10 manganganak ang aktres dahil nga napa-kagandang date nito sa Chinese calendar at itinuturing na historical date dahil bihirang mangyari.

Pero napaaga nga ito ng 3 days at naging October 7. Pero ganunpaman, ayon kay Tito Alfie, according daw sa mga sisters ng Carmelites sa Pampanga na laging pinupuntahan nina Juday at Ryan ay masu-werte rin ang Oct. 7 dahil ito raw ang feast of Our Lady of Holy Rosary.

“Kaya nga natutuwa rin ’yung mga madre, kasi nga Our Lady of Holy Rosary ang October 7. Our Lady of Rosary rin ’yung nasa Manaoag Church sa Pangasinan. So, masuwerte nga raw,” say ni Tito A.

Hindi pa nga raw niya nadadalaw si Juday that time kaya hindi pa niya nakikita si Baby Lucho at balak niyang sa bahay na lang daw ito dalawin.


No comments:

Post a Comment