@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Tuesday, October 12, 2010

Pedia ayaw pang palabasin ang mag-ina, anak nina Ryan at Juday under observation pa

Pedia ayaw pang palabasin ang mag-ina, anak nina Ryan at Juday under observation pa
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) Updated October 12, 2010 12:00 AM Comments (5) View comments


Photo is loading...

Noong Linggo ay aming nakapanayam sa The Buzz via phonepatch ang young superstar na si Judy Ann Santos. Ngayon lang namin siya nakausap matapos ipanganak si Baby Lucho noong Huwebes. “Nakakaloka! Mabuti po ako, doing good. Under observation kami ngayon, dito pa rin po kami sa ospital. Si Lucho kasi ay kailangan pang i-observe. We’ll be staying for few more days here. ‘Di pa kami pinapalabas ng pedia eh,” masayang bungad ni Juday.
Ano ang una niyang naramdaman nang makita niya ang kanilang baby ni Ryan? “Amazing ‘yung pakiramdam, kasi the whole time ay para lang kaming lasing ni Ryan. Tawa lang kami nang tawa sa delivery room eh. Dapat we’ll be going for the ‘lamas’ method. Noong nasa 3 cm. na ako ay hindi ko na kinaya, nagmakaawa na ako, ang sakit-sakit na kasi. Gusto ko lang maramdaman ‘yung labor pains, sayang naman ‘yung moment kung hindi ko nanamnamin ‘yung proseso, ‘yung pakiramdam. Relaxed naman kami ni Ryan, siya yung medyo ninerbiyos pero dinaan din niya sa pagpapatawa. Nakatulong nang malaki sa akin kasi kung hindi niya ako pinatawa, malamang ay namura ko na siya sa sakit. In fairness sa asawa ko, sobra ‘yung suporta niya sa akin,” kuwento pa ni Juday.
Nagpapa-breastfeed ba si Juday kay Baby Lucho? “Opo! Buhat nang lumabas si Lucho, medyo hinanap lang niya nang konti kung saan ba siya magbi-breastfeed, nahanap naman niya,” dagdag pa ni Judy Ann.
Kailan naman kaya natin masisilayan si Lucho o kailan siya makikita ng publiko sa unang pagkakataon? “Maybe in a month’s time or Christmas? Nanamnamin lang muna namin ‘yung itsura niya, masaya lang muna. Pasensiya na po, ipagdadamot ko lang muna ang anak ko for the mean time,” pagtatapos ni Juday


http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=620119&publicationSubCategoryId=96


No comments:

Post a Comment