@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, October 20, 2010

Ryan Agoncillo inialay sa pamilya ang Aliw Hall of Fame award




Sa kanyang mag-iina inialay ng proud father na si Ryan Agoncillo ang kanyang “Aliw Hall of Fame” award.

“Para ito sa aking bunsong anak na si Lucho, aking panganay na si Yohan at sa asawa kong si Juday,” ayon kay Ryan.

Matapos tanggapin ang award, agad nagpaalam ang actor-host para makapiling muli si Juday at ang kanilang bagong baby na si Juan Luis o Baby Lucho.

“Definitely, right after the event I have to scoot on home. It’s barely been two weeks kaya medyo hanggang titig pa lang ako, pahalik-halik pa lang, konting buhat pa lang,” sabi ni Ryan.

Ibinunyag ni Ryan, sinimulan na nilang mag-asawa ang paghahanda para sa binyag ni Baby Lucho. Hindi gaya nang nakasayan ng iba na sangkaterbang pares ng ninong at ninang, lalo't celebrities ang mga magulang ni Baby Lucho, napagpasyahan nina Ryan na dalawang pares lang ang kukunin nila.

“Sa'kin 'yung ninong nakatoka, 'yung ninang si Juday ang mamimili. Sa ngayon ang napipili ko palang 'yung kuya ko, si Juday, si Beth,” dagdag pa ni Ryan.

Hindi nga karaniwan sa kulturang Pinoy ang maliit na binyagan, mas pinili ng mag-asawa na maging pribado ang okasyon tulad ng kanilang secret wedding.

“Hindi naman sa gusto naming mas konti kasi masarap kung marami dahil mas maraming regalo. Sila ang pangalawang magulang kaya hindi p'wedeng masyadong marami. Kailangan ang values tugma at nakakasundo namin,” sabi pa ni Ryan.

Nobyembre bibinyagan ang bunso nina Juday at Ryan na hindi raw muna nila ipapakita sa publiko bago ang binyag. 


Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino




VIDEO HERE

No comments:

Post a Comment