@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, October 13, 2010

Baby Lucho, sobrang cute!

 
(ALLAN DIONES)
NAKITA na namin ang picture ni Juan Luis Santos Agoncillo o mas sikat bilang Baby Lucho nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Hindi namin sasabihin kung saan namin nakita at sinong nagpakita sa amin ng nasabing picture dahil kabilin-bilinan ni Papa Ryan na walang kukuha ng picture ni Baby Lucho at lalong hindi ito puwedeng ipakita sa iba kundi sa kani-kanila lang muna.
May mahigpit na utos si Ryan sa mga dumadalaw sa ospital na huwag magdadala ng camera para huwag makunan ng picture ang bagong silang na sanggol.
Maging mga celfone na may camera ay pinakukumpiska ni Ryan para makasigurong walang makakakuha ng snapshot ng baby.
Sa higpit ni Ryan, pati ang mismong daddy niya ay sinabihan niyang ibigay sa kanya ang camera phone nito dahil hindi puwedeng piktyuran ang bagets.
Ganu’n kaistrikto ang brand new daddy dahil ninanamnam muna niya nang husto ang kanyang baby bago nila ito ipakita sa publiko.
Sobrang cute ni Baby Lucho sa nakita naming picture kaya may dahilang maging sobrang excited ni Ryan sa kanyang anak. Hindi namin ma-pinpoint kung sinong mas kamukha ni Lucho sa nanay at tatay niya dahil kasisilang lang nito nu’ng Oktubre 7, pero napaka-cute ng bagets at parang ang sarap-sarap pisilin at i-kiss ng mga pisngi.
Sobrang natuwa pala si Ryan sa ‘daddy watch’ na regalo sa kanya ni Juday dahil ito ‘yung relo na gustung-gusto niyang magkaroon.
Touched din si Juday sa gift sa kanyang singsing ni Ryan na binigay sa kanya habang nandu’n siya sa loob ng labor room. Tadtad ng brilyante ang nasabing singsing na halatang mamahalin.
May nagbiro tuloy kay Juday na dapat ay ma nganak siya palagi para me ron siyang bonggang singsing mula kay Papa Rye.
Hindi nahirapan si Juday sa kanyang pagbubuntis at panganganak kaya mukhang after a year ay plano agad nilang sundan si Baby Lucho.
Maraming nagsasabing tama lang na ‘rumatsada’ na si Juday kung gusto niyang magkaanak pa at pagkatapos no’n ay tama na dahil hindi na rin siya bata.
Mukhang mas na-ins pire ang aktres na magkaanak ulit lalo na nang makita nilang napaka ganda pala ng kombinasyon nila ni Ryan!

http://www.abante-tonite.com/issue/oct1410/entertainment_story2.htm

No comments:

Post a Comment