@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Saturday, October 2, 2010

Jillian parang si Juday kung umiyak

Jillian parang si Juday kung umiyak 
THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated October 03, 2010 12:00 AM Comments (0) View comments


Kung magpapatuloy ang suwerte ni Jillian Ward, maaring maabot niya ang kasikatan ng orihinal na Trudis Liit na si Vilma Santos. Sasandali pa lamang siyang nag-aartista pero nakikilala na siya. May komersiyal na rin siya at pelikula. At pang MMFF pa, ang topbilled by Sen. Bong Revilla and Vic Sotto. Sigurado nang mas marami pa ang makakapanood sa kanya.
Isa si Jillian sa mga child stars na talaga namang nakakaantig umarte. Ang galing-galing niyang umiyak. She reminds me of Judy Ann Santos na walang kahirap-hirap magpatulo ng luha.
Kaya naman marami at magaganda ang plano sa kanya ng GMA 7. Mukhang naka-jackpot sa kanya ang manager niyang si Joe Barrameda kaya ayaw na ba nitong magsulat at gustong maging manager na lamang ng artista?

No comments:

Post a Comment