@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, October 10, 2010

Bibig ni Juday at mata ni Ryan, kuha ni Baby Lucho

Bibig ni Juday at mata ni Ryan, kuha ni Baby Lucho
Rey Pumaloy

Kung hindi raw na-pack up ang shooting nila, malamang na magbayad siya ng P300K bilang damage sa production. Eh, wala naman daw siyang pambayad, kaya sobrang tuwa niya nang magkansela ang shooting nila.Nangako si Direk Dante ‘Ga’ Garcia kay Judy Ann Santos na kapag nag-labor na ito, pupuntahan niya ito sa ospital, at iiwan ang trabaho. Kaya naman, laking pasasa lamat ni direk Dante nang ma-pack up ang shooting ng indie film na dinidirek niya, ang Mrs. Recto, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.
Sa March 2011 inaasahang maipala labas sa mga sinehan ang Mrs. Recto.
Anyway, ayon kay direk Dante, nakuha ni Baby Lucho ang mga mata at ilong ng tatay nitong si Ryan Agoncillo. At ang bibig at hugis ng mukha naman ni Juday ang nakuha ng baby.
Samantala, nagpapasalamat si Mommy Carol Santos (nanay ni Juday), kay Ryan dahil sa pagbibigay nito sa kanya ng guwapong apo. Cute na cute si Mommy Carol kay Baby Lucho dahil pinag halong Ryan at Juday nga ang mukha nito.
Sabi nga ni Mommy Carol, susunod na matinee idol daw ang kanyang apo pag pumasok ito sa showbiz.
Puring-puri rin ni Mommy Carol ang malaking pagmamahal, pag-aalaga at pagiging generous ni Ryan kay Juday. Napatunayan daw niya na sobra-sob rang mahal daw ni Ryan si Juday.





http://www.abante.com.ph/issue/oct1110/ent_rp.htm

No comments:

Post a Comment