@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, July 4, 2011

Yohan, ‘di na nagseselos kay Lucho

GINULAT kami ni Judy Ann Santos ng kapayatan niya nang dumating
siya sa presscon ng Purefoods Tender Juicy Hotdog na ine-endorse
nila ni
Ryan Agoncillo kasama ang anak nilang si Yohan.

“Ayan, pumapayat na naman, di ba?” natatawang sagot sa amin ni
Ryan nang tinanong namin kung pinaplano na bang sundan nila si
Baby Lucho.

“Si Lucho naman, di naman pinlano, eh!” pakli ni Ryan.

Sabi nu Juday “Naniniwala naman kami na kung ibibigay talaga ng
Diyos na bibiyayaan niya ng isa pang baby, ibibi*gay niya ‘yun in the
right time.

“Halimbawa kapag nabuntis uli, it’s a sign na puwede pa kami
maglabas ng isa pang bata na puwede pa naming buhayin.”


Kung si Juday ang masusunod, sakaling masundan si Baby Lucho,
tingin niya ay okay na iyung tatlong anak para masubaybayan nila
nang mabuti.

Sa ngayon ay proud si Juday na pumayat siya dahil sa Cohen Diet.
Kailangan daw talaga dahil nagsisimula na siya ng cooking show
niya sa ABS-CBN 2 at sisimulan na rin ang pang-MMFF nila ni Ryan
na My Househusband.

Itong bagong endorsement nila na Purefoods Tender Juicy Hotdog
ay project para kay Yohan.

“Kami lang nga ang support dito. Bida diyan si Yohan,” natatawang
pahayag ni Ryan.

Kaya raw nila tinanggap ito dahil isa ito sa activities ni Yohan nu’ng
nakaraang summer at ma*ramdaman daw niyang siya ang nasa
center of attraction pagkatapos lumabas ni Yohan.

“Na-foresee na namin even before ipina*nganak si Lucho na a lot of
attention will definitely go to Lucho.

“Iyung mga commercial na ginagawa ni Yohan ngayon, parang buong
summer, part ito ng program namin for Yohan na marami siyang
ibang-ibang ginagawa, na one of that is to appear in commercials
and mga pictorial.

“Kasi, character buil*ding for the kid. Andiyan kami to guide and
that’s what we think that’s good for her.”

Mabuti’t nalagpasan na ang stage na nagsese*los si Yohan dahil
malaki na si Baby Lucho na kaya na niyang hawakan hindi kagaya
dati na napaka-fragile ng bata.

Ngayon ay parang nandiyan na raw ang responsibilidad kay Yohan
na kaya na niyang alagaan ang kanyang kapatid.

Pagdating sa trabaho ni Yohan, inamin ni Juday na talagang mahigpit
sila sa wor*king hours nito.

“Strictly observed” ang patakaran ng DOLE na dapat apat na oras
lang magtrabaho ang bata.

Kaya pagdating ng four hours, pack-up na ang bagets, kahit hindi
pa ito tapos.

“Pagdating kay Yohan, very strict kami when it comes to time. Bata
iyan eh, madaling mapagod.

“Kung kami, wala kaming problema sa oras kahit may limit na rin
kami, pero may time naman kami to adjust na puwedeng
pag-usapan pag kaming dalawa lang.

“Pag may kasamang mga bata, ‘yun talaga, eh.

Pasensya na po, magalit na kayo sa akin, di ko na talaga ma-extend.

“Kasi, baka magkasakit naman ang bata.

Wala naman sila bahay para ala*gaan ang mga bata at hindi na*man
nila nakikita kung gaano kahirap sa bata pag pagod na pagod na ito.


“Bilang magulang, iyun na lang ang role namin, kami na lang ang
masama sa paningin n’yo, huwag n’yo lang pagurin ang mga bata,”
paliwanag ni Juday.
Reply With Quote

No comments:

Post a Comment