@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Wednesday, July 27, 2011

Judai at Lucho magsasama sa isang endorsement

Sa kabilang banda, bagong ka-tandem naman sa trabaho ng soap opera queen na si Judy Ann Santos ang anak na si Baby Lucio.

Tampok ang mag-ina sa bagong endorsement.

Base sa isang magasin, isa si Juday sa top endorsers ng bansa ngayon, kasama ang Queen of All Media Kris Aquino, at Megastar Sharon Cuneta.

Pagdating naman sa pagbabalik-pelikula, ka-partner niya ang mister na si Ryan Agoncillo sa Metro Manila Film Fest entry na "My Househusband."

Sa kanyang pagbabalik-eksena ang unti-unti ring pagbalik ng kanyang pigura bago nagbuntis.

Kuwento ni Juday, 27 pounds na ang nawala sa kanya sa nakaraang apat na buwan dahil sa Cohen's Diet.

Pagbabahagi ni Juday, “Nakasanayan ko na ‘yong tamang amount lang ang kinakain ko. ‘Pag galing sa taping, pagdating sa bahay mag-a-apple na lang ako at saka yogurt.”

Inaabangan na rin ang unang hosting stint ni Juday sa “Junior Master Chef.”

No comments:

Post a Comment