@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, July 4, 2011

Juday sumusunod sa patakaran ng DOLE

PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated July
04, 2011 12:00 AM

BOOM: Hindi itinatanggi ni Judy Ann Santos na talagang limitado ang
oras ng anak nilang si Yohan pagdating sa pag-shoot ng commercial.

Ang latest na ginawa nilang pamilya ay ang Purefoods Tender Juicy
Hotdog na sabi nga ni Ryan Agoncillo, si Yohan ang bida sa
commercial na ’yun at support lamang sila.

Ayon kay Juday, talagang sinusunod nila ang patakaran ng DOLE
(Department of Labor and Employment) na apat na oras lang ang
shooting hours ni Yohan. Kaya finished or not finished kailangang
pack-up na ang bagets.

“Pagdating kay Yohan, very strict kami when it comes to time. Bata
iyan eh, madaling mapapagod.

“Kung kami, wala kaming problema sa oras kahit may limit na rin kami
pero may time naman kami to adjust na puwedeng pag-usapan ’pag
kaming dalawa lang. Pero ’pag may kasamang mga bata, ’yun talaga
eh.

“Pasensya na po, magalit na kayo sa akin, ’di ko na talaga
mai-extend kasi baka magkasakit naman ang bata. Wala naman sila
sa bahay para alagaan ang mga bata at hindi naman nila nakikita
kung gaano kahirap sa bata ’pag pagod na pagod na ito.

“So bilang magulang, ’yun na lang ang role namin, kami na lang ang
masama sa paningin n’yo, huwag n’yo lang pagurin ang mga bata,”
mahabang paliwanag ng aktres.

No comments:

Post a Comment