@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, July 3, 2011

Judy Ann Santos on never-ending network-transfer rumor: "Ako? Lilipat? Wow! Ang in demand ko naman!"

Judy Ann Santos on never-ending network-transfer rumor: "Ako? Lilipat? Wow! Ang in demand ko naman!"

 
"Mas okay na rin sa akin na My House Husband ang pumasok kasi mas magaan. Mas gusto ko rin po ngayong taong ito na ang mga gagawin kong project ay mga ganito," says Judy Ann Santos about her movie for the Metro Manila Film Festival 2011 that will be directed by movie director Joey Reyes. She will be joined by her husband Ryan Agoncillo.
 
Judy Ann was supposed to star with Coco Martin in another movie Love Will Lead You Back. But it was not chosen as an official entry.

Nerisa Almo


Ilang beses na ring pinag-usapan ang umano'y balak na paglipat ng multi-awarded actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Subalit lagi naman itong pinabubulaanan ng aktres.

Muli na naman siyang natanong tungkol dito kahapon, July 2, sa press conference ng bagong endorsement nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo at anak na si Yohan, ang Purefood Tender Juicy Hotdog.

Matagal-tagal na rin kasing hindi nakalabas sa telebisyon si Judy Ann dahil sa kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ni Ryan na si Lucho.

May pagkakataon din na lumabas si Judy Ann bilang guest sa TV5, isa sa mga kakumpetisyon ng mother network niya na ABS-CBN.

Pero natawa na lamang si Judy Ann sa usap-usapang ito. Pabiro pa niyang sinabi, "Ako? Lilipat? Wow! Ang in demand ko naman!"

Pero paglilinaw niya, "Wala. Wala pa namang nagtatanong. Ewan ko lang kay Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager].

"Sa akin po ngayon, mayroon pa akong existing contract with ABS-CBN and I'm doing a show with them.

"Hindi ko po alam kung kalian matatapos ang contract ko sa kanila.

"But, sa ngayon naman, maganda ang relationship ko with ABS-CBN.

"Although, minsan may nagaganap na pagtatampo, may nagaganap na misunderstanding.

"Pero wala naman nadadala sa magandang usapan. Kung anu't ano man ang mangyari, lahat ito ay trabaho lang."

Pagkatapos nito ay biniro siya ng kanyang asawa na nasa tabi niya lamang habang nag-iinterbyu.

"Siguro may kumakausap sa 'yo na taga-TV5, ano?" pabirong tanong ni Ryan, ang host ng talent search program ng TV5 na Talentadong Pinoy.

Sabi ni Judy Ann, na huling nakita sa dating telerye ng ABS-CBN na Habang May Buhay, hindi naman nila pinakikialaman ni Ryan ang showbiz career ng bawat isa.

"Alam mo, in fairness sa aming mag-asawa, kahit mag-asawa kami, hindi namin pina-uusapan ang trabaho kahit pagdating sa bahay.

"Not unless talagang kailangan namin 'yong opinyon ng bawat isa pagdating sa mga pipirmahang mga kontrata o pagdating sa pagdedesisyon.

"Pero hangga't maaari, hindi ako nakikialam sa trabaho niya kasi trabaho niya 'yon. Gano'n din siya sa akin.

"Feeling ko, isang rason din 'yon kaya hindi kami nagkakaroon ng mga isyu-isyu pagdating sa bahay.

"Kasi, nagkakilala kami na may kanya-kanya na kaming mga trabaho.
"So, wala na kaming pakialamanan pagdating sa trabaho, as long as hindi lang nagkakaroon ng [problema] sa family namin."

JUNIOR MASTERCHEF. Samantala, isang patunay naman na mananatili pa rin si Judy Ann sa Kapamilya Network ay ang upcoming reality cooking show na Junior Masterchef.

Dalawang linggo na raw ang nate-tape ng grupo para sa programa. At ang target date ng pagpapalabas nito ay maaring sa Agosto o Setyembre.

"Hopefully, kapag na-view na ng management at kapag nagbigay na sila ng go signal.

"Ako, honestly, gusto ko pong matapos muna ang buong show bago ipalabas para mas maganda 'yong impact."

MY HOUSE HUSBAND. Sa kabila, pagdating naman sa pag-arte, muling makikita si Judy Ann sa isa sa mga pelikulang napili para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, ang My HouseHusband.

Makakasama rito ng aktres ang kanyang asawa at ang kanilang dating direktor na si Joey Reyes.

Hindi kaya magiging katulad ito ng dati nilang mga pelikula na Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo?

Sabi ng 33-year-old actress, "Siguro po sisiguraduhin ni Direk Joey na magkaibang-magkaiba since siya rin ang maker ng Kasal, Kasali, Kasalo at Sakal, Sakali, Saklolo.

"I'm sure he'll make sure na hindi magiging pareho ang istorya. Siyempre, it's the same team, e."

Pagdating naman sa kung ano ang inaasahan nila para sa pelikula, tama lang daw ang kanilang expectation pagdating sa takilya.

Sabi ni Judy Ann, "Kung pressure ang pag-uusapan, oo, buong-buo 'yong sa amin, e.

"Pero siguro, gugustuhin din ng mga tao na mas magaan lang na tema, wala masyadong special effects o magic.

"Simpleng istoya lang ito, pampamilya, real life. So, hopefully, parang maging [katulad] siya ng KKK at SSS."

Inamin din ni Ryan na hindi biro ang kanilang makakalaban ngayong taon.

Ani ng TV host, "Kami, 'yong expectation is very well managed. 'Yong KKK at SSS, sinuwerte talaga na naging top grossers.

"Pero both movies, noong ginawa namin, e, napakababa ng expectations. Kasi, nag-top lang naman 'yon after two weeks, I think.

"Pero [this year] nandiyan sina Bossing [Vic Sotto], Senator Bong [Revilla], Ai-Ai [delas Alas], they're always the headliners of the festival."

LOVE WILL LEAD YOU BACK. Sa kabilang banda, natutuwa naman si Judy Ann na nasama ang My HouseHusband sa mga pelikula na napili para sa MMFF.

Isa pa sanang pelikula ang gagawin niya para sa MMFF, ang Love Will Lead You Back, subalit hindi ito napasama sa napili.

Sabi ni Judy Ann, "Ako po kasi, naniniwala din po ako na pareho naman pong maganda 'yong project.

"Although hindi ko pa po nababasa 'yong story ng My House Husband, kampante po kami ni Ryan na basta si Direk Joey ang magsusulat, and since talagang maganda na rin 'yong team-up namin, alam naman namin na talagang magandang proyekto ang ibibigay niya sa amin.

"Ako po, either/or ang maipasok sa MMFF, masaya ako. Kasi, nabasa ko ang istorya no'ng [movie with] Coco [Martin], 'yong Love Will Lead You Back, talagang maganda rin naman po.

"Siguro, pinaubaya na lang din po namin sa MMFF kung ano din talaga ang sa palagay nila, e, mas papasok sa MMFF.

"Kung ano naman ang pumasok sa pelikula ko, pareho naman akong nandoon, e.

"Pero mas okay na rin sa akin na My House Husband ang pumasok kasi mas magaan. Mas gusto ko rin po ngayong taong ito na ang mga gagawin kong project ay mga ganito."

No comments:

Post a Comment