@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, July 10, 2011

Judy Ann nagpasalamat na etsapuwera sa MMFF ang pelikula kay Coco


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated July 11, 2011 12:00 AM Comments (3) View comments



Sinabi ni Judy Ann Santos na nagpapasalamat siya na hindi napili para sa Metro Manila Film Festival 2011 ang pelikula na una nilang pagsasamahan sana ni Coco Martin.

“Mas mabibigyan namin ito ng pansin ngayong wala na itong makakasabay na pelikulang gagawin namin. ’Di ko pa nakakausap si Coco tungkol dito pero alam kong gugustuhin din niya na nangyari ito, dahil marami rin siyang ginagawa.

“Alam n’yo bilib ako kay Coco, alam ko kung gaano siya kahusay at ka-intense na artista. Isang light romance ang gagawin namin na baka next year na rin mapanood,” dagdag na kuwento ng aktres.

Samantala, handa na si Juday sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“May permiso na ako ni Ryan (Agoncillo, her husband). Hiling lamang niya na hindi ko mapabayaan ang mga bata. Nasa stage ang mga bata na nangangailangan na ng guidance kaya kailangang palagi akong nasa tabi nila. Suportado naman ako ng mga producers na kumukuha sa akin, hindi nila ako masyadong hinihigpitan sa oras,” sabi niya.


SOURCE:  http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=704860&publicationSubCategoryId=96

No comments:

Post a Comment