@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, July 11, 2011

Ryan, gusto nang sundan si Lucho




Monday, 11 July 2011 03:04
MASAYA ng press launch ng Purefoods Tender Juicy Hotdog nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. May nagtanong kay Juday kung may balak agad nilang sundan ang one year old baby nilang si Lucho. Unang sumagot si Ryan,

sumeseksi raw ang kanyang misis na biglang sulyap kay Juday. Hindi na ito nag-elaborate pa pero may posibility na puwedeng agad masundan si baby Lucio.

Dugtong naman ni Juday, hindi raw nila napag-uusapan ni Ryan ang tungkol sa bagay na ‘yun. Basta raw bigla na lang kung maramdaman nila.

Okey lang kay JudyAnn kung sakaling mabuntis ulit siya. Kung mangyayari-mangyayari raw ‘yun. Hindi raw niya hawak ang puwedeng mangyari. Kung gusto ni Lord na magkaroon uli sila ng baby, ibibigay niya ‘yun in the right time. Kung mabuntis uli ang actress, it’s a good sign dahil kaya pa nilang buhayin at mabigyan ng magandang buhay ang susunod nilang baby.

Sa ngayon daw, okey na sila with two kids (Yohan at Lucho) pero kung masusundan uli si Lucho, okey sila dahil swak sa quota nila ang tatlong bata.

May nagtanong kay Ryan kung ano ang pagkakaiba ng hotdog niya sa ibang hotdog? Biglang natawa ang mister ni Juday pati ang media. Kasi naman, may double meaning ang hotdog  kung bibigyan mo ito ng malisya, ‘di ba ? Iba ang mai-imagine mo… Siyempre, mas meaty tender at juicy ang hotdog na ini-endorse ng TV host at pamilya nito compared sa ibang hotdog. Tulad na lang ng  hotdog ni Aljur Abrenica na fishy pero delicious. Ganoon?

No comments:

Post a Comment