@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, July 4, 2011

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo strictly follow labor code for daughter Yohan

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo strictly follow labor code for daughter Yohan



"Studies muna, tama na muna ang commercial," says Judy Ann Santos about letting daughter Yohan join show business. Right now, the mother and daughter are seen on three different TV commercials—a milk ad, a baby bath liquid soap commercial, and a hotdog ad.

Noel Orsal


Nerisa Almo

Monday, July 4, 2011
05:11 PM


Hindi ikinaila ng mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo na mahigpit sila sa tuwing magte-taping ng commercial ang anak nilang babae na si Yohan.



May bali-balita kasi na masyado umanong istrikto ang mag-asawa pagdating sa oras ng pagtatrabaho.



Pero para naman sa mag-asawa, sinusunod lamang nila ang nakasaad sa labor code ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga bata.



"Kahit itanong nila sa DOLE, four hours lang po talaga ang working hours ng mga bata. So, 'yon ang sinusunod namin," paglilinaw ni Judy Ann nang matanong sila ni Ryan tungkol dito sa press conference ng bago nilang endorsement na Purefood Tender Juicy Hotdogs noong Sabado, Hulyo 2.



Kasama nila sa commercial nito si Yohan.



Dagdag pa ng multi-awarded actress, "Kami, oo, bilang parents ni Yohan, very strict kami when it comes to time because bata 'yan, e, madaling napapagod.



"Kung kami, walang problema sa oras. Although mayroon din kaming limit sa oras, puwede namang pag-usapan.



"Pero kapag may kasamang mga bata, 'yon talaga 'yong, 'Pasensiya na po, magalit na po kayo sa amin, hindi na namin puwedeng i-extend.'



"Kasi, baka naman magkasakit ang bata. Wala naman sila sa bahay para alagaan ang bata. Hindi rin nila nakikita kung paano mahirapan ang bata kapag pagod na pagod.



"Bilang magulang, 'yon talaga ang role namin. Kami na lang ang magiging masama sa paningin ninyo, huwag lang pagurin ang mga bata."



LEARNING FROM CHILDHOOD EXPERIENCE. Sa usaping ito, naalala ni Judy Ann ang kanyang karanasan noong kabataan niya.



Matatandaang nagsimula si Judy Ann bilang aktress noong siya'y walong taong gulang. Ang kanyang mga naunang proyekto ay mga teleserye tulad ng Kaming Mga Ulila at Ula, Ang Batang Gubat.



"Wala pang DOLE noon. Sabi ko nga, 'Bakit wala pa niyan noong bata ako?'" natatawang sinabi ni Judy Ann.



Ito raw marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit maigi nilang sinusunod ni Ryan ang regulasyon para sa bata pagdating sa pagtatrabaho.



"Kaya siguro ganito rin kami [ka-strict] ni Ryan sa ganyan dahil alam ko rin kung ano ang hirap kapag bata ka, 'tapos puyat na puyat ka, kinabukasan mayroon ka pang kailangang gawin.



"Nawawala ka na talaga ng childhood basically, dahil 'yon at 'yon din ang ginagawa mo.



"Kaya siguro ganito rin ang ano namin ni Ryan, na kapag gusto niya, pwede niyang gawin. Kapag ayaw niya, hindi namin siya pipilitin.



"So, before we close a contract, ilang beses namin siya tinatanong.



"Kasi, ayaw naman naming pumirma ng contract na hindi siya sigurado.



"Ngayon, kapag siguradong-sigurado na siya, saka pa lang kami pipirma."
PERSONALITY DEVELOPMENT. Samantala, nilinaw rin ni Ryan sa press conference kung bakit tila mas madalas na ngayong nakikita si Yohan sa mga TV commercial. Hindi katulad noon na halos ayaw nilang makita ng publiko ang kanilang anak.

Isa raw ito sa mga maraming bagay na sinubukan ni Yohan nitong nakaraang summer.

Paliwanag pa ng award-winning TV host, "Maraming nagtataka kung bakit all of a sudden pumayag kami na ilabas siya. But it's a part of how do we think it will be healthier for her.

"Kagaya nitong summer, tinatanong namin siya, 'Gusto mong gumawa ng commercial o hindi?'

"It's also part of her role as an ate.

"Parang this is a form to let her know that the attention is shared again to her. Kasi, iba 'yong dynamics namin sa bahay at iba 'yong nape-perceive sa TV."

Bukod dito, nakatulong din umano ang paglabas-labas ni Yohan sa TV commercials upang mag-mature.

Kuwento ni Ryan, "Kung paano nakaapekto sa kanya, personally, napansin ko, mas naging maingat siya.

"Kasi, ang nangyayari naa-associate niya 'yong trabahong ginagawa niya sa trabahong ginagawa nina mommy at daddy.

"She sees na kung gaano kami kaingat sa sarili, inaalagan niya rin ang sarili niya.

"Parang ang nangyari, 'yong isang buong summer niya, pang-personality development."

Sa paglabas ni Yohan sa TV commercials, ibig sabihin ba nito ay papayag na rin silang maging aktres ang kanilang anak?

Umiling si Judy Ann at sumagot ng, "Parang hindi na muna yata."

Paliwanag niya, "Bukod sa [makakaapekto sa] pag-aaral, ang hirap kasi ngayon sa bata na mag-focus sa isang bagay.

"Lalo ngayon na Grade 1 na siya, nahihirapan na siya sa whole day na classes.

"Parang baka kapag nag-artista pa siya, baka mawalan na talaga siya ng focus sa pag-aaral.

"Studies muna, tama na muna ang commercial."


SOURCE:   http://www.pep.ph/news/30054/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-strictly-follow-labor-code-for-daughter-yohan

No comments:

Post a Comment