@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, July 3, 2011

Judy Ann clarifies hotdog issue



May bago na namang endorsement sina Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos at ang panganay nilang anak na si Yohan. Tinanggap nila ang Purefoods Tender Juicy Hotdog na lumikha pa ng intriga dahil sa isang TVC nilang mag-ina na lumabas kamakailan, may eksena na parang ayaw niyang pakainin ng hotdog ang anak.

“To clarify lang po, hindi rin naman namin sinabi sa isang ad na hindi namin siya (Yohan) pinapakain (ng hotdog). Ang sinasabi namin, paborito niya ang hotdog, so parang ’yun lang ang kinakain niya.

“Siguro, it was also one of the reasons why they (Purefoods) decided to get our services, kasi ’yun talaga ang kinakain, eh. Hindi naman sa pinipigilan namin siyang kumain, it’s just that magdadagdag lang ng nutrition for the kids. ’Yun lang naman po,” pagkaklaro ni Juday.

Ayon pa sa mag-asawa, ingat na ingat daw silang tumanggap ng endorsement lalo na for Yohan dahil ayaw naman nilang kumuha ng produkto na hindi alam ng bagets. They make sure na ang tinatangap nila ay ’yung ginagamit o kinakain ng bata para hindi raw ito alien sa product.

Bago nila isara ang isang kontrata ay ilang beses daw muna nilang tinatanong si Yohan kung talaga bang gusto nitong gawin ang commercial dahil ’pag sinabi nitong ayaw ay hindi raw talaga nila pipilitin.

Pero during shootings ay mahigpit daw nilang ipinatutupad ang DOLE rules na 4-hour-work lang talaga.

“Four hours lang po talaga ang working hours ng mga bata. There’s also pediatrician in the set, para bantayan din ‘yung mga bata. And kung kami, wala kaming problema sa oras, siyempre, ibang usapan na kapag may kasamang bata.

“Sinasabi na namin na ‘pasensiya na po, talagang hindi na namin mae-extend ang oras kasi baka naman magkasakit ’yung mga bata.’ So, bilang magulang, ’yun talaga ang magiging role namin. Na kami na lang ang masama sa paningin n’yo, huwag n’yo lang pagurin ’yung mga bata,” sey ng aktres.

Juday also started working at a very young age at say nga niya, wala pa raw DOLE noon kaya walang rules na 4 working hours lang.

“Sabi ko nga, bakit walang DOLE noong araw?” natatawa niyang sabi. “Siguro, kaya ganyan din kami ka-ano ni Rye (Ryan) sa mga ganyan, kasi alam ko rin kung ano ‘yung hirap kapag bata ka tapos kapag puyat na puyat ka, tapos, kinabukasan, kailangan mo pang may gawin ulit, ’yung nawawalan ka na talaga ng childhood basically dahil ’yun lang nang ’yun ang ginagawa mo.

“Kaya siguro ganito rin ‘yung ano namin ni Rye na basta gusto niya, puwede niyang gawin. Pero kung ayaw niya, hindi namin siya pipilitin.”

Pero kahit maaga raw siyang nagtrabaho ay nag-e-enjoy naman daw siya sa ginagawa niya at feeling niya ay naglalaro lang siya.

Natanong nga ang mag-asawa kung papayagan din ba nilang mag-artista si Yohan at this young age pero sey nila, mahirap daw sa ngayon dahil nag-aaral pa ito kaya baka hanggang commercial na lang daw muna ang bagets.

* * *

Samantala, natanong namin si Juday kung gaano katotoo na lilipat na talaga siya sa TV5 dahil hindi mamatay-matay ang nasabing tsismis.

“Ako, may tsismis? Ow? Talaga? Wow!” gulat na sabi ng aktres.

“Ang in-demand ko naman,” natatawa pa niyang sey. “Wala, wala pa namang nagtatanong, ewan ko lang kay Tito Alfie (Lorenzo, her manager), pero sa akin po ngayon, mayroon pa akong existing contract with ABS-CBN, and I’m doing a show with them, hindi ko pa po alam kung hanggang kailan matatapos ang contract ko sa kanila.”

Hangang September na lang daw?

“Ah talaga? Buti ka pa, alam mo,” sey pa niya. “Hindi ko talaga alam kung kelan pero sa ngayon, maganda naman ang relation ko with ABS-CBN, though, siyempre, hindi naman maiwasan na minsan, may nagaganap na pagtatampo, may nagaganap na misunderstanding, wala namang hindi nadadala sa magandang usapan, pero, kung anu’t anuman ang mangyari, lahat ito ay trabaho.”

Sey naman ni Ryan sa misis, “siguro, may kumakausap sa ’yong taga-TV5, ano?”

Sagot naman ng ibang reporters kay Ryan, “ikaw!” at nagkatawanan na lang.

Seriously, hindi ba siya kinukumbinsi ni Ryan?

“Alam mo, hindi, in fairness sa aming mag-asawa, kahit mag-asawa kami, hindi namin pinag-uusapan ’yung trabaho pagdating sa bahay not unless kailangan namin ang opinyon ng bawat isa pagdating sa pipirmahang kontrata o pagdating sa paggawa ng desisyon.

“Pero hangga’t maaari, hindi ako nakikisali sa ginagawa niyang trabaho kasi trabaho niya ’yun, ganun din siya sa akin. Parang feeling ko, isang rason din ’yun kung bakit hindi kami nagkakaroon ng mga issue-issue pagdating sa bahay kasi nagkakilala naman kami may mga sari-sarili na kaming trabaho to begin with, eh.

“So, wala na kaming pakialaman sa trabaho as long as hindi nagkakaroon ng ano sa trabaho namin,” paliwanag ni Juday.


source:http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/8622-judy-ann-clarifies-hotdog-issue

No comments:

Post a Comment