@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Monday, July 4, 2011

May katwiran sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez sa sinabi nila sa
Paparazzi kahapon na hindi dapat sundan kaagad si Lucho.

Dapat daw movies & commercials muna ang harapin ni Juday at
pagpapalaki muna kay Lucho.

Kinulit kasi si Juday ng mga reporter na dumalo sa presscon ng
Purefood hotdogs commercial na dapat na raw sundan si Lucho.

For me, hindi pa dapat kahit gusto na nina Juday at Ryan. Dapat
muna nilang ma-enjoy si Lucho na wala pang one year old.

Sa October 6 pa magwa-one year si Lucho.

Dapat pag three or four years old na si Lucho masundan dahil alam
nina Juday at Ryan ang pinagdadaanan ni Yohan ngayon -- kung
hindi ba ito nagseseloss sa younger brother niya?

Biro mo, kung masusundan agad si Lucho, hindi pa nagsasawa man
lang si Ryan na magpalit ng pampers ni Lucho, may bago na
namang lalampinan?

At anong magiging role ni Lucho paglaki niya, insecure sa bagong
kapatid?

Magbubuntis lang pala si Juday, eh bakit nagpapayat pa siya kung
tataba na naman pala uli siya?

Tatlong movies ang gagawin ni Juday this year.

Ready na raw si Juday to shoot in August for their MMFF entry for
OctoArts, then sa October type na rin ng GMA Films na gawin ang
Juday-Ri*chard Gu*tierrez Ouija na pam-Valentine presentation,
wait din ang Regal Films at Viva Films.

Panay na ang taping ni Juday for her cooking show sa ABS-CBN
kung saan sabi eh nag-renew na raw ng kontrata niya si Juday till
2013.

Ows? Hindi nga?

Dapat din sexy si Juday pag shoot niya ng iba pang commercials
niya.

Hindi nakapasa si Juday sa Biggest Loser ni Sharon, kasi, kulang na
siya sa timbang.

Ha! Ha! Ha!!!

No comments:

Post a Comment