@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 25, 2012

Judy Ann Santos talks about her "kontrabida" role in Mga Mumunting Lihim

Allan Sancon



Judy Ann Santos clarifies that the Cinemalaya entry Mga Mumunting Lihim is not her first indie film. She considers the drama Ploning (2008) to be her first independently produced movie.

Isang blooming na Judy Ann Santos ang nakita ng lahat nang dumating siya sa presscon ng kanyang bagong endorsement na Eden Cheese na ginanap saEvents Placenoong nakaraang Miyerkules, Marso 22.


Maraming anggulo ang napag usapan sa nasabing presscon, hindi lamang ang tungkol sa produktong kanyang ini endorse kundi maging sa kanyang buhay pamilya. Napag usapan din kung ano ang sikreto niya sa patuloy niyang pagiging seksi at kung ano ang kanyang mga susunod na proyekto.


Matapos ang kanyang presscon ay nagkaroon ang PEP.ph at ilang press na makausap si Judy Ann tungkol sa kanyang unang pelikulang gagawin para sa 8th Cinemalaya na tatakbo mula July 20-29, 2012.


Pinamagatang Mga Mumunting Lihim, ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Joey Reyes. Isa ito sa 5 entries na magko compete sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.


Nabalitaan naming bahagi ka ng isang pelikula sa Cinemalaya ngayong taon?


“Yes, first time kong gumawa ng movie sa Cinemalaya. Kailangan kong i-correct ang sarili ko kasi nabanggit ko sa ibang interview ko na first time kong mga indie film. Hindi pala kasi gumawa na pala ako ng Ploning noon [which was released in 2008]. Not first time na indie film pero first time sa Cinemalaya, kaya very excited ako to do this project. As far as I know na sa Cinemalaya ay talagang ini-screen ang mga istorya na isasalang nila dito sa entry, pati mga artista ini screen nila. Nakakatuwa dahil mainstream director naman ang bibigyan nila ng pagkakataon na gumawa ng mula sa puso na mga pelikula, talagang lalabas ang kanilang pagiging artist sa Cinemalaya. Hindi siya yung parang pelikula na kailangan mong alagaan yung istorya, kasi may mga batang manonood ka na dapat isipin. Hindi ko naman sinasabi na walang value yung gagawin naming pelikula dito sa Cinemalaya. Pero minsan may mga pagkakataon gusto mong gumawa ng isang istorya na out of the box, isang istorya na parangHollywood lang yung story na iisipin mo na…ay ganun pala ang nangyari hindi mo expected yung mangyayari.”


Tungkol saan po ba ang Mga Mumunting Lihim?


“Kuwento siya ng apat na magkakaibigan. Noong namatay ako, dun sa pagkamatay ko, may mga nilabas akong sikreto ng mga kaibigan ko. Kumbaga, sinulat ko sa diary yung mga naiisip ko tungkol sa kanila nung nabubuhay pa ako. Parang, kung susumahin mo, akala mo mabait ako dun, yun pala hindi. Meron siyang mga pananaw sa mga kaibigan niya na di niya masabi kaya isinusulat nya nalang. Dun nagsimula ang anggulo ng gulo sa bawat isa.”


Nanibago ka ba bilang kontrabida sa pelikulang ito?


“Hindi naman, hindi naman ako yung kontrabida dito na pumapatay ng tao or nananakit. Hindi naman ako rito yung kontrabida na nagpapasabog ng kotse. Masyado kasing totoo yung istoryang ginawa ni Direk Joey Reyes sa pelikulang ito. Yung pagiging kontrabida ko rito ay totoong nangyayari sa tunay buhay ng mga magkakaibigan, may ganung ugali talaga. Parang sinasabi mo at the back of your mind, may iniisip ka dun sa kaibigan na hindi maganda. Dahil hindi mo masabi in person dahil mahal mo siya, isinusulat mo na lang sa diary.”


Sino po ang mga makakasama mo rito?


“Makakasama ko rito si Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen. Kaming apat yung magkakaibigan dito.”


Totoo po bang originally si Eugene Domingo ang lalabas sa papel n’yo dapat dito?


“Oo, si Uge dapat yun, pero dahil sa sobrang kabisihan ng babaeng ito, parang sa salitang busy mas busy pa siya sa salitang busy.”

Humingi ka ba ng advise kay Uge sa pag gawa ng indie film na ito?


“Kanya-kanya kasi kami ng atake pagdating sa paggawa ng indie film, kasi hindi naman kasi kami pare pareho ng emosyon, e. Iba iba kami ng pag e-express or pagkakaintindi sa mga karakter na ginagampanan namin. Si Uge, ang nakikita ko naman sa kanya, lahat ng karakter na ginagawa niya, isinasapuso niya, lahat ng ginagawa nya mapa indie film man ‘yan or mainstream, isinasapuso niya ‘yan, kaya napaka effective niyang artista. Kasi lahat ng ginagawa niya ay gusto niya at kinakarir niya talaga, at makikita mo yun sa trabaho niya bilang artista.”


Hindi ba naging isyu sa inyo ang talent fee sa katulad ninyong may malaki ng pangalan sa industriya? Alam naman po nating hindi ganun kalaki ang budget ng Cinemalaya?

“Alam mo, may mga pagkakataon na, pag kayo kayong magkakaibigan ang nag usap para gumawa ng isang magandang project, hindi naman lahat nang ito ay usapang pera, di ba? Pero, oo, aminin na nating kailangan mo talagang mag trabaho, kailangan mong kumita ng pera, pero may mga pagkakataon na kailangan mo ring isipin yung puso pagdating sa pag arte. Yung passion mo sa pag arte, hindi naman ito nabibili sa department store, hindi siya nagiging buy one take one sa mga groceries, kumbaga, malaking bagay kadalasan yung makaarte ka nang galing talaga sa puso mo. Gusto mo yung istorya, gusto mo yung proyekto, hindi naman lahat, pera pera lang.”


Nabalitaan n’yo po ba yung nangyayari sa Cinemalaya kunsaan may mga nagku question tungkol sa pagpapalakad ng naturang film festival?


“Talaga? Hindi ko alam yan! Alam mo hindi ako makapag komento talaga diyan kasi hindi ko alam yung talagang nangyari. Pagkakaalam ko lang, sa simula pa lang, mga batikang director at producers ang talagang nag screen ng mga pelikulang ilalabas. Pero personally, sa ibang isyu naman ng Cinemalaya, happy ako na may Cinemalaya, kaya nga tinawag na Cinemalaya kasi “malaya” ang mga director at mga artista na i-express kung ano ang gusto nilang maiparating sa mga manonood. Sa panahong ito, kailangan ‘yan ng mga nasa industriya, yung gumawa ng isang pelikula na hindi masyadong pinupuna, hindi masyadong sine censor, kasi pag sinabi mong ito lang yung edad na pwedeng manuod, ito lang edad talaga yung pwedeng manuod, para magawa ng director yung gusto nyang ihatid sa pelikulang ginagawa niya. Pero about the issue, hindi ako makapag comment talaga, kasi di ko talaga alam ang tunay na nangyari, mamaya sabihin nila sumasabat ako ko di naman alam yung talagang isyu. Pero kung anu’t ano man yung isyusanama address talaga ng mga batikang organizer ng Cinemalaya, kasi ito ay para sa mga director, artista at writers na bago, para mailabas nila ang kanilang mga talento.”


After hosting Junior MasterChef, ano ang mga susunod na projects ninyo?


“May teleserye in the works pero hinihintay ko pa ang ABS-CBN na i-present yung istorya sa akin. Movie, meron with Coco Martin, pero hinihintay ko pa rin ang schedule nung bata, hindi pa rin naman sure kung matutuloy yun kasi mag depende pa rin kung anong araw at anong buwan pwedeng mag roll na pwede pareho schedule namin.”


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment