@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label MARILOU DIAZ-ABAYA. Show all posts
Showing posts with label MARILOU DIAZ-ABAYA. Show all posts

Thursday, June 23, 2011

Mama Daisy called me in the midst of my meeting with OctoArts boss Orly Ilacad at Annabel’s restaurant while Boss Orly was beside himself with joy dahil among the MMFF entries ang kanyang “My Househusband” na tampok sina Juday at Ryan ay number one sa ganda ng istorya sa lahat ng mga na-submit na stories kaya napili kaagad ito.


Natawa lang si Orly sa balitang na-Ilacad niya sa komite ang entry ng film outfit niya dahil “malakas” daw siya kay Papa Jesse Ejercito.


“Lakaran lang ba ang usapan diyan? Eh ‘di mas malakas pa pala ako kay Jesse Ejercito kesa pamangkin niyang si ER Ejercito na ‘di naaprub ang entry nitong “Asiong Salonga”?


Syempre galing na ‘yang maling balitang ‘yan sa mga sourgrapes na ‘di nakapasok sa MMFF,” humble na wika ni Boss Orly, who was never known na nambraso kailanman ng gusto niya.


Happy si Boss Orly kasi it has been three years na kaming nag-uusap for a Juday movie sa outfit niya.


“Sa wakas matutuloy na rin yata tayo,” ani Boss Orly.


Iniabot niya sa akin ang kontrata for the movie for me to read and sign if agreed on the terms.


Buti na lang nandoon na rin ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer kaya naplantsa na ang lahat ng kundisyones na ina*yunan namang lahat ng mabait na Boss Orly.


So far, sina Juday at Ryan at magdidirek nitong si Joey Reyes ang sigurado na.


Wala pang mga supporting cast except Eugene Domingo. And definitely, walang starlets from Star Magic na makakasali sa movie!


Boss Orly further related na nagustuhan ng komite ang istorya ng “My Househusband” dahil sa makaka-relate ang lahat sa everyday happenings sa buhay ng bawa’t Pinoy, direk Joey saw to it na maiiba ito sa past topgrossers nina Juday at Ryan na “Kasal, Kasali, Kasalo” at “Sakal, Sakali, Saklolo” sa magkasunod na MMFF.


Tinawanan lang ni Boss Orly ang sabi ng mga sourgrapes na part 3 lang ito ng dalawang naunang KKK at SSS na likha rin ni direk Joey. Patutu*nayan daw ni direk Joey na itong iskrip na sinulat niya at ididirek ay magugustuhan ng mga bata at matatanda dahil ayon na rin daw kay Juday, “masaya ito at magaan”, which is the main purpose of the MMFF tuwing Pasko at Bagong Taon, ang magpasaya ng bawa’t isang Pilipino!


So mga Judainians, saan pa kayo?

Thursday, May 27, 2010

Juday-Ryan, nag-back out sa movie ni Direk Marilou!

Juday-Ryan, nag-back out sa movie ni Direk Marilou!




NAG-BACK OUT na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa pelikulang Peñafracia, ayon sa manager ng aktres na si Tito Alfie Lorenzo. Kahit nakailang araw na ng shooting ang mag-asawa, sanhi ng mga problema sa paggawa ng movie, minabuti ng manager-co lumnist na tanggalin na ang kanyang alaga.


“Hindi lang sina Juday at Ryan ang lumayas sa movie. Pati ang mga pari ng Peñafrancia at ang producer na si Tony Gloria, goodbye na rin! Tanging si Mari lou Diaz Abaya (director ng movie) ang naiwan! Siya naman ang may kasalanan ng lahat ng problemang nangyari!” paliwanag ni Tito Alfie nang makausap namin.


Pinapupunta nga sa production meeting last Tuesday si Tito Alfie na ginanap sa Taste of LA pero hindi niya ito sinipot.


“Ang gulu-gulo kasi dahil sa pagmamahadera ni Marilou. Nakihati na nga sila sa schedule ng shooting ng Hating Kapatid bilang pagbibigay ko at pakiusap nila. Pati nga kalagayan ni Juday, isinasakripisyo na nu’ng tao, pero ang gulu-gulo pa rin ng lahat, puwes, tangga ling ko nga ang alaga ko!” himutok pa ng manager.


Dagdag pa ni Tito Alfie, “Tinanggap ni Juday ang project bilang tulong at dahil nahihiya raw siya kay Marilou na may sakit. Eh, sila-sila na nga itong nagsimula niyan at isiningit ko dahil sa pakiusap ng mga pari at ni Marilou, ewan ko kung anong pumasok sa kukote ng director at nagkagulu-gulo! Bahala sila sa buhay nila!”


Of course, concerned din si Tito Alfie sa pagbubuntis ni Juday. Ima gine, may mga eksena pa siyang gagawin sa Peñafrancia na parte ng movie, eh, kung madisgrasya si Juday at ang dinadala niya, lalong problemang malaki ‘yan, huh!


Tsk! Tsk! Tsk! Mas gusto naman siguro nina Juday at Ryan na hindi mameligro ang parating nilang anak kesa ‘yung pagtulong sa ibang tao na wala naman daw malasakit sa kanila?

Glitter Text Generator

Sunday, May 23, 2010

Juday at Ryan, na-offend kay Direk Marilou!

Juday at Ryan, na-offend kay Direk Marilou!

Judy Ann Santos

Author: Nitz Miralles

Nakabalik na sa bansa sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa kanilang U. S. vacation, balik-taping na si Ryan sa Talentadong Pinoy ng TV5 at Eat Bulaga ng GMA-7, pero wala na siya sa PO5, ang Sunday show ng TV5.

Kaso ang balita namin, kakausapin si Ryan ng management para bumalik sa programa.

Kapalit ng PO5, gagawa pa rin si Ryan ng sitcom sa TV5 na ididirek ni Joey Reyes at may kinu-conceptualize na tak show sa kanila ni Mo Twister.

Ang unang plano ay sama-sama sa talk show sina Ryan, Mo at Paolo Bediones, abangan natin kung ano ang matutuloy.

Baka magawa na rin nina Ryan at Judy Ann ang movie nila sa Regal Films dahil nag-pull-out na ang dalawa sa Peñafrancia dahil na-offend ang mag-asawa sa nalamang in-offer sa ibang aktres ang role ni Judy Ann dahil akala raw ni Direk Marilou Diaz-Abaya, hindi nito matatapos ang movie dahil buntis.

Nakapag-shooting na sina Judy Ann at Ryan for the said movie at kung magpu-pull-out sila, magsisimula na naman si Direk Marilou.



-------------------------------


Nag-pull out sa Peñafrancia, Juday at Ryan na-offend kay Direk Marilou

Nag-pull out sa Peñafrancia, Juday at Ryan na-offend kay Direk Marilou

Author: Nitz Miralles
Column: About Showbiz

Kasusulat pa lang namin kahapon sa desisyon ni Ryan Agoncillo na iwan ang P. O. 5 ng TV5 para libre ang Sunday niya at para matutukan ang pagbu bun tis ni Judy Ann Santos at ang pagpa sok sa school ng anak nilang si Yohan, heto at may bagong ba lita kaming nasagap tungkol kina Ryan at Judy Ann.

Nag-pull out ang mag-asawa sa Peñafrancia movie project ni direk Marilou Diaz-Abaya kahit nakapag-shooting na sila ng ilang araw.

Na-offend sina Judy Ann at Ryan sa narinig na habang nagbabakasyon sila sa Amerika, in-offer ang Peñafrancia sa isang aktres na kaibigan pa naman ni Judy Ann. Ang rason ay dahil buntis daw si Judy Ann at baka hindi na nito magawa at matapos ang movie.

Hindi alam ni direk Marilou na inaayos na ng kam po ni Judy Ann ang kanyang schedule para tapu sin ang pelikula kahit buntis siya and in fact, 30 days ang ibibigay ng aktres sa schedule niya at willing mag-leave sa Eat...Bulaga si Ryan para sa tuluy-tuloy na shooting ng pelikula.

Mabuti na lang at bago tanggapin ng aktres ang project ay nagtanung-tanong muna at nalamang hindi pa kinakausap sina Judy Ann at Ryan tungkol dito. Sumama ang loob ng mag-asawa sa ginawa sa kanila and to think, nagtampo pa si Mother Lily dahil mas inuna nilang gawin ang project ni Direk Marilou gayung may one movie contract pa sila sa Regal Films.

Kaya naman tinanggap nina Judy Ann at Ryan ang movie dahil produce ito ng Unitel, chance nilang maidirek ni Marilou, maganda ang project at dahil sa Archdiocese of Naga, pero dahil sa nang yari, no choice ang mag-asawa kundi bita wan ang project

Pati raw ang Unitel na co-producer ng movie, gusto nang mag-pull out sa project at may meeting sila this Friday para pag-usapan ito. Kung itutuloy ni direk Marilou ang movie, either solo niya itong ipo-prodyus o kukuha siya ng ibang co-producer. * * *


----------------------------------

Glitter Text Generator

Wednesday, May 19, 2010

Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa


Juday, na-bad trip pagbalik sa bansa



Alfie Lorenzo


NAKABALIK na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo mula sa ilang araw na bakasyon sa Amerika.
Ayaw iwanan ni Ryan ang buntis na misis na gusto pa sanang mag-extend ng bakasyon nila ni Yohan.
Nakapag-taping na si Ryan para sa Talentadong Pinoy nu’ng Martes.
At si Juday, na-bad trip nang ibinalita sa kanya ng sekretarya niyang si Jane ang tungkol kay Direk Marilou Abaya. Ang gandang pasalubong niyon, huh!
May isa palang Enrico Santos na palihim na kinakausap ang Enpress best actress na si Iza Calzado para sa movie na ginagawa ni Juday for Direk Marilou para sa mga pari ng Peñafrancia sa Bicol.
Sabi raw ng Enrico na ito kay Iza na papalitan na niya si Juday sa lead role nito.
Uhum, ito rin kaya ang Enrico Santos na baliw at haling kay Rafael Rossel? Ka-Santos pa ni Juday pero traydor, huh!
Pero komo anak ko rin naman si Iza kay Lito Calzado, sinabi at nagtanong si Iza tungkol dito kay Noel Ferrer na manager ni Ryan Agoncillo na pinilit ni Direk Marilou na makasama ni Juday sa project na ito na may halong EMOTIONAL BLACKMAIL.
Pero si Tony Gloria na hindi pa nabobomba ang Plaza Miranda ay kasama ko na sa Zodiac Sounds Recording ay ayaw sumali sa ‘krimen’ kaya nag-backout na ang Unitel Productions ni Tony na kasosyo sana sa project na ito ni Direk Marilou.
Juday felt insulted sa ginawa nina Direk Marilou at ng Enrico na ‘yun. Only Iza can identify who this Enrico Santos is.
***
Ang Marilou Diaz-Abaya project na ito ang pinag-awayan pa namin ni Juday regarding scheduling.
Gustong unahin ni Juday ang project na ito above all the rest na takda niyang gawin.
Ang line-up last year ni Juday na mga pelikulang gagawin niya ay sa Viva Films, sunod ang GMA Films, then Regal Films na pang-Metro Manila filmfest nila ni Ryan at saka ‘yung kay Direk Marilou.
Ewan ko! Ewan ko! Kung anong convincing powers ang ginamit ni Marilou kay Juday at ito pa ang gustong unahin ni Juday over the Juday-Sa*rah Geronimo project.
I insisted to Juday though na mas kailangan niya ‘yung project nila ni Sarah dahil pang-masa ‘yun at pam-fans nila ni Sarah.
‘Yung mga kasama ni Juday nu’ng kausapin siya ni Marilou said na kesyo baka last directorial job na ni Marilou ito, kasi, may cancer siya etcetera na bumagbag sa kalooban ni Juday na sobrang malambot at madaling makumbinse when it involves AWA.
Awa to the proper persons who deserves it, sabi ko kay Juday. And beggars can’t be choosers, they say.
Kaya hindi puwedeng i-insist ni Marilou ang gusto niya para lang mapagbigyan siya. Hindi rin tama to use the name of God to call a project to push through.
Okay, nag-agree kami ni Juday na mauuna ang project nila ni Sarah at saka isusunod na ang kay Marilou.
At nu’ng mag-contract signing kami, Juday said na baka magbuntis na siya at lumaki na ang tiyan habang nagsu-shooting sila ng Peñafrancia film.
Okay lang daw, sabi ng direktora, dahil buntis naman daw ang role ni Juday sa movie.
And Marilou vehemently demanded Ryan’s partici*pation sa movie bilang partner ni Juday na akin ding tinutulan dahil it might prejudice the next team-up of Juday and Ryan sa Metro Manila filmfest project nila for Mother Lily.
At ewan ko uli kung paano kinumbinse na naman ni Marilou si Juday to beg her husband na tanggapin na nito ang maikling role sa mo*vie ni Marilou.
Despite her pregnancy, nakapag-shooting pa rin si Juday sa movie ni Marilou.
Nagpahinga muna si Juday sa Amerika para mawala ang stress niya sa tapings and shootings.
Nagkasundo namang sa pagbalik ni Juday mula Amerika ay tatapusin na ang project nila ni Sarah na may two days na lang ang natira and then concentrate na sa movie ni Marilou, only to find out upon her return trip ay may BACKSTABBING na palang nagaganap!
***
Nainsulto raw si Juday sa kawalang-galang na ginagawa na hindi man lang siya nakunsulta nor na-inform.
Eh ganyan din naman ang ginawa sa akin noon nang ialok kay Juday ang project. Si Juday muna ang kinausap and nobody bothered to contact me.
Si Juday na lang ang nag-inform sa akin na tinanggap na niya ang alok ni Marilou.
And to think na sa amin ni Douglas Quijano nag-seminar ‘yang Mari*lou Diaz-Abaya na ‘yan nu’ng papasok pa lang sa showbiz na palagi siyang nanduon sa apartment ni Douglas sa Sta. Mesa na kapitbahay ko si DCQ.
Na ang manager muna ang unang kinakausap tungkol sa project ng alaga. At tanging ang mana*ger ang may karapatang tumanggi o tumanggap ng alok para sa ala*ga bilang proteksyon sa career ng inaalagaan!
Sadyang bilog ang mundo!
-----------------------------------------------------

Nakita namin si mommy Carol Santos sa wake niArchie de Calma noong Wednesday night at isa sa mga tanong sa kanya ng press ay kung to toong iiwan na ni Ryan Agoncillo ang P.O.5, isa sa mga show nito sa TV5? Sabi ni mommy Carol, ang alam niya’y babalik sa Talentadong Pinoy si Ryan at last Tuesday, balik-taping na nga ito sa talent show.

Kinumpirma sa amin ng isang source na aalis na si Ryan sa P.O.5 dahil gustong maging libre ang Sunday niya at maalagaan ang buntis na asa wang si Judy Ann Santos at magabayan ang anak nilang si Yohanna mag-aaral na sa pasukan.

Naintindihan si Ryan ng management ng TV5 nang magpaalam, saka kapalit ng P.O.5 ang sitcom na ididirek ni Joey Reyes at may kinu-con*ceptualize pang talk show na pagsasamahan nila ni Mo Twister. Huwag ding kalimutang may Eat…Bulaga pa si Ryan.
* * *
Glitter Text Generator

Tuesday, March 9, 2010

Workshop with Direk Marilou Diaz-Abaya












































































































Taken during the workshop of her upcoming dramatic film under the helm of no less than Marilou diaz-Abaya.










































































Glitter Text Generator

Tuesday, March 2, 2010

Judai hurt by Jamby's comments


JUDY ANN SANTOS , IDIDIREK NI MARILOU DIAZ-ABAYA




NAKATAKDANG IDIREK SI Judy Ann Santos ng premyado at multi-awarded director na si Marilou Diaz-Abaya ngayong 2010. Presscon pa lang ng OMG! Nina Judai at Ogie Alcasid last year sa Regal ay naikuwento na niya ito sa amin, and Judy Ann was excited dahil first time niya ito to work with Direk Marilou.

Nu’ng birthday ng manager ni Judai na si Tito Alfie Lorenzo last January (weeks before siya naospital), kinumpirma ito ng beteranong manager. May working title na Ina, ang Judai-Direk Marilou film ay tipong tribute sa Our Lady of Peñafrancia, na may April target shooting at showing ng buwan ng September.

And just last Friday sa Imperial Palace, habang nagkukuwento si Tito Alfie na his health is okey at hindi siya nagkaroon ng major na karamdaman mula pa noong araw, may update chika ang manager – baka raw hindi na si Ryan Agoncillo ang makasama ni Judai sa Peñafrancia movie, dahil hindi kalakihan ang role ng leading man.

“Puwede na siguro ang ibang actors, hindi pa sure si Ryan, dahil sayang naman kung hindi full length ang role. May plano rin si Mother Lily (Monteverde) na pagsamahin sina Judai at Ryan sa Regal. Mag-uusap pa kami,” say ni Tito Alfie.

Good news ito sa solid Judai fans dahil multi-awarded director ang isang Marilou Diaz-Abaya. Isang celebration ito, kung tutuusin, dahil sa prestigious body of work ni Direk Marilou, napakasuwerte ni Judai na siya ang aktres na makakatrabaho nito, na very choosy pagdating sa pelikula.

Sinasabing si Direk Marilou ay isa sa Asia’s most important filmmakers. Ginawa niya ang award-winning films tulad ng Brutal (Amy Austria), Karnal (Charito Solis), Alyas Baby Tsina (Vilma Santos), Muro-Ami, Jose Rizal, at Bagong Buwan (all starring Cesar Montano). Mabigyan din kaya ni Direk Marilou ng best actress award si Judai?

Samantala, patuloy na rumaratsada ang Habang May Buhay teleserye ni Judai sa ABS-CBN. Nakakaloka ang confrontation scenes nina Judai at Gladys Reyes, dahil kung noong Mara Clara days eh, api-apihan si Judai, ngayon ay palaban na siya, huh!

Mahigit dalawang taon din namang hinintay ni Judai ang makabalik sa primetime block ng Kapamilya network, and worth the long wait naman for her ang Habang May Buhay dahil good ratings ang nakukuha nito, in fairness, ‘no!