Mar 16
UNDER THE SAYA, KERING-KERI BASTA HAPI ANG FAMILY by Kobee Louwyn Tiongson | Posted in Articles | on Fri, Mar 16, 2012
Sa pelikulang My House Husband…Ikaw Na!, gamit na gamit sa istorya ng pelikula ang pagiging domistikadong papel ng lalaki sa bahay sa kabuuan ng kwento nito. May mga eksenang ang intensyon ay mag-patawa.
Pinangungunahan ito ng mga bidang sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo at Eugene Domingo.
Marami na rin sa lipunan natin ngayon sa mga pamilyang Filipino ang may set-up na ang asawang babae ang nagta-trabaho, habang ang asawang lalaki naman ang nagme-maintain ng kaayusan ng bahay at nag-aalaga sa mga anak.
Sa isang pananaliksik sa US nung 1970s, sa kasagsagan ng Women’s Liberation Movement at Feminism, naging popular na biro ang katagang “househusband” bilang isa pang katawagan sa mga “stay-at-home dads” o SAHD.
Sa kulturang Pilipino, dumarami na ang mga kababaihang pumapantay—kung hindi man lumalagpas—sa estado ng mga lalaki pagdating sa trabaho at pagkita ng pera para sa pamilya.
Kinikilala rin ang kakayahan ng mga babae na magdesisyon at magpa-takbo ng isang kumpanya o malaking grupo. Unti-unting tinatanggap na ng ating lipunan na pwede rin namang maging “homemaker” ang mga asawang lalaki, kung mas kumikita ang asawang babae.
Sa Metro Manila Film Festival 2011 entry na My Househusband, Ikaw na!, ipinakitang may ilang Pinoy na hindi pa rin tanggap ang kaisipan na kaya na rin ni Misis na magtrabaho para sa pamilya, at pambahay na muna si Mister.
Ganitong klaseng Pinoy ang nire-represent ng character ni Ryan Agoncillo sa pelikula na si Rod.
Sa umpisa nga ng pelikula, kinukwento pa ni Rod sa misis niyang si Mia, ginampanan ng real life misis ni Ryan, si Judy Ann Santos, ang tungkol sa kaibigan niyang househusband.
Sabi ni Rod, hinding-hndi raw siya makakapayag na maging househusband habang ang misis niya naman ang kumikita para sa pamilya.
Kinain ni Rod ang sinabi niya nang mabili nang mas malaking kumpanya ang pinagtratrabahuhan niyang bangko at mag-resign matapos hindi tanggapin ang mas mababang posisyon sa opisina na in-offer sa kanya.
Dito na nagsimulang maging househusband si Rod, nang maiwan na ito sa bahay at naging tagapag-alaga ng mga bata. Nagkataon din kasing humingi ng bakasyon ang kasambahay nila na mawawala raw ng tatlong buwan para alagaan ang malubhang ama sa probinsiya.
Habang househusband, nakilala naman ni Rod ang kapitbahay nilang si Aida, ginampanan ni Eugene Domingo. Single mother na other woman o kabit ng isand DOM (dirty old man) ang papel ni Eugene dito at… nagampanan nang mahusay ni Eugene ang role na ito. (Ang sama ng loob ni Rod sa pagiging househusband niya at ang pag-asa ni Aida na pakasalan na siya ng DOM niya mga istoryang susundan sa pelikula).
Matapos ang maraming pagtatalo tungkol sa isyu ni Rod sa pagiging househusband niya, ang pagkakaroon ng magandang trabaho ni Mia at pakikialam ng pamilya ni Mia (Dante Rivero, Boots Anson-Roa, Johnny Revilla, Agot Isidro and Rocco Nacino), nagkaroon din ng happy ending ang lahat—nagkatrabaho uli si Rod, bumalik ang katulong nila, at tinapos na ni Aida ang pagiging kabit o other woman niya.
GO TO THE ORIGINAL SOURCE HERE
No comments:
Post a Comment