@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 18, 2012

Judy Ann Santos on working with Piolo Pascual again: ‘Lahat ng bagay napag-uusapan’


3/18/2012 9:42 PM

by: Patty Ramirez


0311912-JudyAnnSantos.jpgSa kanyang interview with Boy Abunda about her endorsement Lactum, tinanong din si Judy Ann Santos ng host ng The Buzz tungkol sa mga balitang pakikipagtrabaho niya soon with John Lloyd Cruz at Coco Martin.

“Si John Lloyd nakatrabaho ko siya nagsisimula pa lang siya. Baby Boy nga ang tawag ko sa batang ‘yan. Proud na proud ako sa bata kasi nakikita ko kung paano siya magtrabaho,” natutuwang pag-alala ni Judai sa days ng Sa Puso Ko Iingatan Ka kung saan gumanap si John Lloyd bilang kanyang nakababatang kapatid.

Kay Coco naman, matagal nang sinabi ni Judai na bilib talaga siya sa talento ng aktor sa pag-arte. “Excited akong makatrabaho si Coco kasi nakikita ko siya kung gaano siya ka-intense umarte. Nakikita ko kung gaano siya mag-motivate.”

Naitanong naman ni Boy kung may pag-asa pa bang magkatrabaho si Judy Ann at ang kanyang matagal na naging on-screen partner na si Piolo Pascual. “Lahat ng bagay napapagusapan. Lahat ng bagay nagagawan ng paraan. Maging maayos lang ang pag-uusap na magaganap mula sa istorya … naghahanap lang siguro tayo ng maayos na panahon.”

Sa usaping pamilya naman ay sinabi ni Judai  na hindi madali ang maging isang ina. At natutuwa siya na katuwang niya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak ang kanyang ina na si Mommy Carol. “You can see kung paano talaga naging subtle si Mommy. Kung paano niya din lambingin ang mga apo niya. Makikita mo siya, ‘’Di ka ganyan nung kami lang.’ After the wedding and after I gave birth sobra kaming parang naging magbarkada, naging mag-best friend.”

Sa kanya namang kabiyak, masyado daw silang nagiging protective ni Ryan Agoncillo sa kanilang mga anak na minsan daw ay naiisip siguro ni Mommy Carol na ‘Masyado namang maarte ang mag-asawang ‘to.’



SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment