@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label alfie lorenzo. Show all posts
Showing posts with label alfie lorenzo. Show all posts

Monday, December 2, 2013

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, magugulo ang buhay mag-asawa dahil sa magkatapat na shows?!

Ryan-Agoncillo-Judy-Ann-Santos
NAG-EMOTE SA amin si Tito Alfie Lorenzo ng magkita kami sa Zikoh Morato last Tuesday evening.
Napag-usapan namin ang show ni Ryan Agoncillo na katapat ng show ng alaga niyang si Judy Ann Santos na misis mismo ng kalaban sa oras at rating sa istasyon sa kanto na katabi ng MRT Kamuning Station.
“Noong una, ang sabi hindi 100% magkatapat, kaya okey lang daw. Kaya nga noong presscon ng show ni Ryan, sumugod ako. Ang mga “putah” ang say sa akin ng mga plastikada, ‘Tito Alfie, akala namin nagtatampo kayo sa amin’,” taas kilay kuwento ni Alfonga sa amin.
Sa dressing room, kinausap niya si Ryan. “Wala kasi silang pakialaman pagdating sa trabado. Kanya-kanya silang diskarte. Ang sa akin, mag-asawa sila. Maayos ang buhay mag-asawa nila. Ngayon dahil lang sa show, magpapagamit ka sa kanila na p’wedeng maging dahilan ng magiging gusot n’yo?” Analysis ni Tito Alfie.
Hindi maipagkakaila sa manager/ tatay-tatayan ni Juday na nagmamalasakit siya. « Ano ito, pati network war ng dalawang istasyon dala-dala nilang mag-asawa? Sabi ni Ryan, hindi raw sila maaapektuhan. Bahala na siya. Don’t tell me na hindi ko siya kinausap. Concern lang ako sa kanila mag-asawa,” kuwento ni Tito Alfie sa amin.
Sa halos tatlong TV Commercial ni Juday for the past six months, hindi pa raw nakakarating ang commission niya mula sa alaga.
Inisa-isa ni Tito Alfie ang mga TVC na ini-expect niya na may pera na ibibigay sa kanya si Juday, the fact na siya pa rin ang official business manager ng aktres-TV host kahit may isang “Jane” na siya raw ang nakikipag-deal nang direkta on behalf of Tito Alfie.
Paging Jane Something. ‘Yong komisyon ni Tito Alfie, pakihanda mo na.

Wednesday, September 25, 2013

Judy Ann Santos-Agoncillo To Host Newest Kapamilya Game Show, “Bet On Your Baby”

http://orangemagazinetv.com/2013/judy-ann-santos-to-host-bet-on-your-baby-game-show/



Judy Ann Santos renews a contract with ABS-CBN
Actress Judy Ann Santos-Agoncillo puts an end to speculations that she is transferring to another network as she renewed her contract with ABS-CBN  last September 11.
“Regarding talks about possible offers from the other networks, we were willing to listen. But since I am a Kapamilya, I can’t deny the fact that ABS-CBN will always be my first option,” Juday said after signing a two-year contract.
She also confirmed that she will be hosting the newest Kapamilya game show, “Bet On Your Baby.”
“It’s a reality game show for toddlers with ages two to three and a half years old. I am very excited that from drama, ABS-CBN gave me the chance to host a game show,” she said.
(L-R) TV production head Laurenti Dyogi, broadcast head Cory Vidanes, Judy Ann Santos-Agoncillo, president and CEO Charo Santos-Concio, and talent manager Alfie Lorenzo
Present during the signing were (L-R) ABS-CBN TV production head Laurenti Dyogi, broadcast head Cory Vidanes, president and CEO Charo Santos-Concio, and talent manager Alfie Lorenzo.
“Bet On Your Baby” will air soon in ABS-CBN.

Saturday, September 14, 2013

Judy Ann, excited makapag-host ng game show

http://www.hatawtabloid.com/2013/09/13/judy-ann-excited-makapag-host-ng-game-show/

TINAPOS na ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang mga haka-hakang iiwanan na niya angABS-CBN matapos muling pumirma noong Miyerkoles (Setyembre 11) ng isang two-year contract sa Kapamilya Network.
Ani Juday, pinakinggan naman niya ang alok ng ibang estasyon. ”’Yung mga pakikipag-usap namin sa ibangeistasyon at mga alok nilang proyekto, andiyan naman kami para makinig. Pero sa bandang huli, hindi natin maitatanggi na isa akong Kapamilya at ang ABS-CBN ang una sa prioridad ko.”
Bahagi ng pinirmahang kontrata ni Juday ang pagiging host nito sa pinakabagong game show na Bet on Your Baby ng Dreamscape ni Deo Endrinal.
“Isa po tong reality game show na mga batang may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahati ang mga kasali. Excited ako kasi mula sa drama, binigyan naman ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na mag-host ng game show,” sabi ni Juday.
Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang  TV production head ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi, broadcast head na si Cory Vidanes, presidente at CEO na si Charo Santos-Concio, at talent manager na si Alfie Lorenzo.
Malapit nang mapanood ang Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Juday, kapamilya pa rin! (Project sa TV5, tuloy pa rin, GMA babu na)

http://www.hatawtabloid.com/2013/09/13/juday-kapamilya-pa-rin-project-sa-tv5-tuloy-pa-rin-gma-babu-na/

NAG-RENEW ng kontrata si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN noong Miyerkoles ng hapon kasama ang executives na sina TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes and ABS-CBN president Charo Santos-Concio at manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.
Kuwento ni Tito Alfie noong Miyerkoles ng hapon ay hindi na tiyak papayagan si Juday na gumawa ng project sa GMA-7 dahil pumirma na siya sa ABS-CBN, ”pero ‘yung sa TV5, tuloy ‘yun kasi pelikula naman ‘yun at hindi palang nakakapag-meeting kasi nagkasakit naman si Ryan (Agoncillo), eh, siya (Juday) ang nag-alaga.
“’Yung sa GMA, may offer, maganda sana rin ‘yun, eh, naunahan na, pumirma na sa ABS, eh, ‘di babu na GMA.
“Sabi ko nga kina Charo, masyadong loyal si Juday sa inyo, kita n’yo naman, maraming offers sa iba, pero kayo ang pinili kasi naman 25 years na si Juday sa ABS, magkakasama pa sila nina Charo kaya nga nagpapasalamat din si Charo kasi nga loyal si Juday sa kanila.”
Dalawang taon ang pinirmahan ng aktres na magtatapos sa taong 2015 at tatlong programa ang nakatakda niyang gawin at mauuna ang reality shows na Bet On Your Baby at I Do bilang host at teleserye naman ang huli mula sa  Dreamscape Unit ni Deo T. Endrinal.
Ayon kay Tito Alfie ay guaranteed ang kontrata ng alaga niya sa Dos, ibig sabihin, maski na wala siyang project ay makatatanggap siya ng buwan-buwan niyang suweldo.
“Eh, maganda nga ang kontrata ni Juday kasi isipin mo maski na wala siyang gagawin  o natapos na ang tatlong programa ng wala pang dalawang taon, diretso ang suweldo niya.
“Sabi ko nga, magandang career din ‘yan, kasi isipin mo, kung hindi ka busy, mag-aalaga ka lang kay Ryan o sa mga bata, may suweldo ka, malamang baka nga mas gusto na ni Juday ang mag-alaga na lang,” birong sabi sa amin.

Juday: ABS-CBN will always be my first choice


Actress Judy Ann Santos-Agoncillo puts an end to speculations that she is transferring to another network as she renewed her contract with ABS-CBN this Wednesday (September 11) afternoon.

“Regarding talks about possible offers from the other networks, we were willing to listen. But since I am a Kapamilya, I can’t deny the fact that ABS-CBN will always be my first option,” Juday said after signing a two-year contract.
She also confirmed that she will be hosting the newest Kapamilya game show, “Bet On Your Baby.”
“It’s a reality game show for toddlers with ages two to three and a half years old. I am very excited that from drama, ABS-CBN gave me the chance to host a game show,” she said.

Present during the signing were (L-R) ABS-CBN TV production head Laurenti Dyogi, broadcast head Cory Vidanes, president and CEO Charo Santos-Concio, and talent manager Alfie Lorenzo.
“Bet On Your Baby” will air soon in ABS-CBN.


Bongga ang bagong kontrata sa ABS, kaya dedma na ang GMA JUDY ANN susuweldo ng milyones kahit nag-aalaga lang kay RYAN at sa 2 ANAK

http://bandera.inquirer.net/30039/judy-ann-susuweldo-ng-milyones-kahit-nag-aalaga-lang-kay-ryan-at-sa-2-anak

By 

NAG-RENEW ng kontrata si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN noong Miyerkules ng hapon kasama sina TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes, President Charo Santos-Concio at manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.
Kuwento ni tito Alfie hindi na tiyak papayagan si Juday na gumawa ng project sa GMA 7 dahil pumirma na siya sa ABS-CBN ng exclusive contract, “Pero ‘yung sa TV5, tuloy ‘yun, kasi pelikula naman ‘yun at hindi pa lang nakakapag-meeting kasi nagkasakit naman si Ryan (Agoncillo), e, siya ang nag-alaga.
“Yung sa GMA, may offer, maganda sana rin ‘yun, e, naunahan na, pumirma na sa ABS, e, di babu na GMA.  “Sabi ko nga kina Charo, masyadong loyal si Juday sa inyo, kita n’yo naman, maraming offers sa iba, pero kayo ang pinili kasi naman 25 years na si Juday sa ABS, magkakasama pa sila nina Charo kaya nga nagpapasalamat din si Charo kasi nga loyal si Juday sa kanila,” sabi ni tito Alfie.
Dalawang taon ang pinirmahang contract ng aktres na magtatapos sa taong 2015 at tatlong programa ang nakatakda niyang gawin, mauuna ang reality shows na Bet On Your Baby at susundan ng I Do bilang host at isang teleserye mula pa rin sa Dreamscape Productions ni Deo Endrinal.
Ayon kay tito Alfie ay guaranteed ang kontrata ng alaga niya sa Dos, ibig sabihin maski na wala siyang project ay makakatanggap siya ng buwan-buwan niyang suweldo.
“E, maganda nga ang kontrata ni Juday kasi isipin mo maski na wala siyang gagawin o natapos na ang tatlong programa ng wala pang dalawang taon, diretso ang suweldo niya.
“Sabi ko nga, magandang career din ‘yan, kasi isipin mo, kung hindi ka busy, mag-aalaga ka lang kay Ryan o sa mga bata, may suweldo ka, malamang baka nga mas gusto na ni Juday ang mag-alaga na lang!” birong sabi sa amin ng manager.

Tuesday, September 10, 2013

Judy Ann Santos renews contract with ABS-CBN

Kapamilya pa rin! Judy Ann Santos renews contract with Abs-cbn for 2 more years.

Kapamilya pa rin si Judy Ann Santos-Agoncillo. Kanina at pumirma so officialjuday ng kontrata sa…


Judy Ann Santos signed two year exclusive contract with ABSCBN. She's set to host soon on ABSCBN!


Angry Adobo of officialjuday na napakasarap! Cook niya and bring niya sa lunch ng kanyang…

laurentidyogi and officialjuday @ 9501 resto abs cbn

officialjuday and director Rory Quintos @ ELJ Communications Building…

patpdaza and officialjuday @ 9501 resto abs cbn

officialjuday with Tito Alfie Lorenzo, Mam Charo Santos Concio and cvvidanes …

officialjuday with Mam Charo Sabtos Concio and cvvidanes @ 9501 resto…

Mam Charo Santos-Concio and officialjuday @ 9501 resto abs cbn

cvvidanes and Kapamilya officialjuday @ ABS-CBN Broadcast Center

Monday, September 9, 2013

Manager pinayuhan ang mag-asawa: Juday at Ryan may nakapaligid daw na malas kaya hindi matuluy-tuloy ang pag-renew ng kontrata

Hanggang ngayon ay hindi pa pala pumipirma si Judy Ann Santos ng bagong kontrata sa ABS-CBN. Ayon sa kanyang manager na si Alfie Lorenzo, pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala teleserye ng aktres ay humi­ngi muna ito ng isang linggong bakasyon. Supposedly ay pupunta nga ang mag-anak sa isang beach.
Kaso ay nagkasakit daw si Ryan Agoncillo kinabukasan matapos iere ang last episode ng teleserye ni Juday. Mataas daw ang lagnat ng actor/TV host at nang ipa-check up ay may dengue pala.
So, humingi ng extension si Juday since nagkasakit nga ang asawa at kagagaling lang, heto’t nadale naman ng pneumonia.
Kaya hayun at patuloy daw na nade-delay ang contract-signing session nila sa ABS-CBN.
Natawa na lang kami sa sinabi ni Tito Alfie na may malas daw na nakapaligid sa mag-asawang Juday at Ryan na siyempre ay hindi na namin babanggitin kung sino.
Pinayuhan nga raw niya ang mag-asawa na layuan ang malas na ito habang hindi pa huli ang lahat.
“Tinatawanan lang nila ako, eh di sige, magsama-sama sila!” say ng manager.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1“Tinatawanan lang nila ako, eh di sige, magsama-sama sila!” say ng manager.
Hahaha!

Saturday, August 31, 2013

TV5 at GMA-7, parehong maganda ang offer kay Judy Ann

http://www.balita.net.ph/2013/08/10/tv5-at-gma-7-parehong-maganda-ang-offer-kay-judy-ann/#.UiOfUTtlKcc

Ni Reggee Bonoan
JUDY Ann SantosFOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa panibagong offer ng Dreamscape Production kay Judy Ann Santos pagkatapos ng seryeng Kung Mawawala Ka.
Nabanggit ng AdProm head ng Dreamscape Productions na si Biboy Arboleda na may offer sila sa aktres, pero hindi pa sila sure kung tatanggapin ito dahil hindi pa sila nagmi-meeting ulit kasama ang manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo.

Ayon pa kay Biboy, may pakiramdam siya na magre-renew ng kontrata sa ABS-CBN ang Teleserye Queen.
Pero nang magkita kami ni Tito Alfie sa album launch ng alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan sa Zirkoh Morato noong Huwebes ay umiling siya sa tanong namin kung kailan sila magre-renew ng kontrata sa Dos.
“Depende pa sa offer nila, hindi pa kami nagkakausap,“ sabi ni Tito Alfie. “Maganda rin kasi ang offer ni MVP (Manny V. Pangilinan, TV5 CEO). At ang GMA, napakaganda rin, plus nandoon ang asawa niyang si Ryan (Agoncillo).
“May offer sa mag-asawa sa GMA na serye at sila ang coproducer, so mas lalaki ang kita nila, di ba?
“Eh, sa ABS naman hindi naman puwedeng ganu’n na co-producer ka sa soap drama mo, di ba? Kaya depende sa offer ng ABS kung mas maganda, eh, di tuloy pa rin, kung hindi, eh, di alam mo na…“ makahulugang sabi sa amin ng manager ni Budaday.
Sa madaling salita, hindi pa 100% sure kung magre-renew uli ng kontrata si Judy Ann sa ABS-CBN. Sabagay, hindi rin naman ito sinigurado ng staff ni Deo T. Endrinal.
Eh, ikaw, Bossing DMB, ano’ng pakiramdam mo, tutal kabisado mo na si Tito Alfie?
(Interbyuhin muna uli natin siya para sure ako sa magiging komento ko, ha-ha-ha! Pero sobrang protective `yan si Tito Alfie kay Juday. Aling network ba ang may pinakamagandang offer, siyempre doon sila!-DMB)

Thursday, August 8, 2013

JUDY ANN SANTOS, WALANG BALAK LUMIPAT SA CINCO!

Aware naman pala si Mother Biboy Arboleda na may mga offers coming from different networks ang lead actress ng kanilang Huwag Ka Lang Mawawala soap but he says he is most confident that knowing how sane and level-headed Judy Ann Santos has become, she is not going to exchange her present situation at ABS CBN with all the money in the world.
To be truthful, may apat na movie offers nga raw ito na handsomely compensated naman siya but she is taking her sweet honest time and is not committing herself to any project yet.
Honestly speaking, tapos na raw si Juday sa pagbi-bread trip. Mas gusto niya ang magagandang movie projects na magdaragdag ng glitter sa kanyang career more than anything else.
Basta at the moment, nakatutok daw ang buong panahon ng mahusay na aktres sa soap niya sa Dreamscape Productions na magtatapos na this coming August 23, barring some hitches.
Kay Juday pa rin, super impressed si Mother Biboy sa pagiging method actress ng alaga ni Mother Alfie Lorenzo. Aral na aral daw nito ang kanyang acting to the point na alam niya kung kailan patutuluin ang kanyang luha sa bawat eksena.
Bravo!
For the parting shot, Mother Biboy has adamantly stressed na never naman daw natalbugan ng My Husband’s Lover ang soap nilang Huwag Ka Lang Mawawala particularly sa national ratings kung saan ang layo ng agwat nito sa kalaban.
Period!
Abangan nga pala ang surprise twist sa character ni Tirso Cruz III sa soap na ‘to bago sa penultimate scene. Hahahahahahahahahaha!
You guys are going to be enormously surprised.
Promise!

Judy Ann is up for grabs


http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/55734-judy-ann-is-up-for-grabs


HINDI na mai-extend ang Huwag Ka Lang Mawawala teleserye ni Judy Ann Santos na hiling ng Queen of Pinoy Teleserye ng showbiz.

After all, umani na rin naman ito ng papuri at wala na ring dapat pang patunayan si Juday bilang reyna.

Siyempre, tuwang-tuwa ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil masasalang na ang na-delay nilang Got to Believe.

For sure, at the back of Juday’s mind, gusto rin niyang pagbigyan ang mga kabataang artista.

Eh, hindi naman puwedeng late ang telecast ng GTB. So, ito ang isusunod marahil sa Juan de la Cruz ni Coco Martin.

Tutal, malakas sa TV ang aktor, kaya dapat lang nilang samantalahin ang kasikatan niyang ito, huh!

Alam naman natin kung ano ang kapalaran ng movies na nagawa ni Coco.

Anyway, sa sinulat ng manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo, may meeting daw sila ni Judy Ann kasama ang TV5 boss na si Manny Pangilinan.

Eh, may narinig din kaming makikipag-meeting din daw ang GMA bosses sa dalawa, huh!

Puwes, unahan ang GMA at TV5 kay Juday na, ayon kay Tito Alfie, ay last July pa nag-expire ang kontrata sa ABS-CBN.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, may gagawing project sa Singko?!

http://www.pinoyparazzi.com/judy-ann-santos-at-ryan-agoncillo-may-gagawing-project-sa-singko/

TOTOO KAYA ang balita na after ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ni Juday Ann Santos sa Kapamilya Network na magtatapos na sa itong August, tulad ng napapagusapan, may niluluto diumano si Tito Alfie Lorenzo na manager ni Juday na isang project with Ryan Agoncillo for TV 5?
Not a bad idea, pero ang problema ay ang creative team pa rin ng Singko na until now, pang #Throwback Thursday pa rin ang mga palabas from the Derek Ramsey (aksyun-aksyonan series) and  Cassandra , Angel Warrior (tele-pantasyahan).
Pero between Singko at Siyete, p’wede kaya, Tito Alfie, na sa Kapuso Network na lang?

Will Judy Ann move to TV5?

http://ph.omg.yahoo.com/news/will-judy-ann-santos-move-to-tv5--115331288.html

After Ogie Alcasid, is Judy Ann Santos the next big star to transfer to TV5?

The actress’ long-time manager Alfie Lorenzo told Yahoo! Philippines OMG! that after Judy Ann’s contract with ABS-CBN expired in July (2013), the Kapamilya network has not yet finished the draft of her new contract.

“So tinanong ko kung draft nga ba yon or drop,” Alfie explained. “Ang kailangan lang naman nilang palitan ay yung petsa.”

He also lamented how the timeslot of Judy Ann’s teleserye “Huwag Ka Lang Mawawala” has been moved to accommodate Julia Montes' "Muling Buksan Ang Puso."

Now, “Huwag Ka Lang Mawawala” is again poised to change its timeslot to give way to Daniel Padilla and Kathryn Bernardo’s “Got to Believe.” Reports also say “Huwag Ka Lang Mawawala” will soon go off the air.

“Si Judy Ann hindi nagrereklamo,” Alfie added.  “Kahit saang location siya dalhin, okay lang.  Hindi rin siya nagpapa-package deal gaya ng iba diyan.”

He revealed  that GMA 7 and TV5  have tempting offers for Judy Ann – like an episode in “Magpakailanman” and a project for TV5’s movie arm.

Alfie said he is slated to meet with TV5 big boss Manny V. Pangilinan  next week.

“Hindi ko na hihintayin ang draft (of the ABS contract),”  he added.


Judy Ann has been posting cryptic messages on Twitter recently. Is this her way of expressing her dismay? You be the judge.


Yahoo! Philippines OMG! is still waiting for ABS-CBN's official statement on the issue.

Thursday, May 30, 2013

Juday, ratsada ulit sa trabaho


Ratsada na naman sa trabaho si Judy Ann Santos. Nakabakasyon na naman kasi siya kaya kailangan niyang harapin ang kanyang mga commitment.

Una na riyan ang bagong drama series niyang Huwag Ka Lang Mawawala sa Channel 2.
Matagal na rin ‘yung huli niyang serye na Habang May Buhay kung saan reunited sila ng friend at number one nemesis niya sa drama na si Gladys Reyes.

Then, si Juday ang gusto ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na magbida sa Metro Manila Filmfest entry ng Regal. Ayaw pang sabihin ni Tito Alfie Lorenzo ang konsepto ng festival movie ng alaga.

Basta hands on ang manager sa kuwento pati na ang makakasama niya. Ang award-winning director na si Jun Lana ang director ng movie.

Tuesday, January 22, 2013

Juday, magreregalo ng van


SA Sabado (Enero 26) ang birthday ni Tito Alfie Lorenzo pero bukas ay bibigyan na siya ng party ni Mother Lily Monteverde sa poolside ng Imperial Palace Suites.

Syempre, imbitado ang mga alaga at mga kaibigan ni Tito Alfie sa kanyang birthday party.

Kabilin-bilinan ni Tito Alfie na kailangang hindi mawala ang lechon-Cebu ni Annabelle Rama sa kanyang birthday party, kaya kahapon pa lang ay kinulit ko na tungkol doon ang nanay ni Richard Gutierrez.

Nasa Cebu kasi si Bisaya kaya malamang na hindi siya makaluwas, kaya ang lechon-Cebu na lang na type na type ni Tito Alfie ang siguradong makakarating sa birthday party ng manager ni Judy Ann Santos.

Nakatsikahan ko si Tito Alfie at naikuwento niya sa akin na ‘yung van niya na nabaha ay malamang na palitan ni Juday.
Nagsabi si Juday na reregaluhan niya ng van ang kanyang manager, kaya natuwa si Tito Alfie.

Natural lang na maging generous si Juday sa ma­nager dahil bata pa lang ang young superstar ay si Tito Alfie na ang tumutulong sa kanya at pati sa kanyang Kuya Jeffrey.

74-years old na si Tito Alfie sa kanyang birthday at wala pa siyang kabalak-balak na magretiro dahil malakas pa rin siya.

Thursday, September 13, 2012

Judy Ann Santos, ayaw makasama si Vilma Santos!




NOW IT can be told! Naka-usap namin ang veteran writer-talent manager at former TV host na si Tito Alfie Lorenzo at sinabi nitong ilang pelikula na pala ni Judy Ann Santos ang sana’y nakatakda nilang pagsamahan ni Vilma Santos sa Star Cinema ang hindi natuloy.
Una ay ang Anak na tinanggihan ni Tito Alfie dahil ayaw niya nu’ng role na sumasagot sa ina at matanda. No, no raw kay Tito Alfie ‘yun since wholesome ang image ni Juday at baka gayahin ng mga fans nito. Eh, napakarami pa naman ng mga fans ng young Superstar. Tinanggihan din niya ang team-up sana ni Juday with Aga Muhlach, kung saan kailangang mag-braless ito. Naloka si Tito Alfie na kailangan ‘yun sa isang eksena at mababasa pa, eh ‘di babakat ang dibdib sana ni Juday at makikita du’n, ‘di ba?
Sa dalawang pelikula, si Claudine Barretto ang pumalit kay Juday, asan na ngayon si Claudine?
May bagong offer sana kay Juday again with Vilma pero diniretso na ni Tito Alfie ang SC, Noranian sila kaya hindi siya papayag na makasama ni Juday si Vilma!
Kalokah!
Dagdag pa ni Tito Alfie, si Nora Aunor ang gustong makasama ni Juday na unang nagkasama noon sa pelikulangBabae. Sa maraming pagkakataon ay nagkasama rin ang Superstar at si Juday sa mga shows sa Amerika para sa mga Filipino community du’n. Maging ang mga fans daw ni Juday ay si Ate Guy ang gustong makasama kaya paano niya tatanggihan ang mga ito?
Naku, dami pang kuwento ni Tito Alfie na ikinaloka namin. ‘Yung tungkol sa isang sikat na aktres na ang unang award palang napanalunan ay “bayad”? Naloka kami du’n, huh! Im sure hindi ito alam ng mga fans niya lalo na ‘yung matatapang sa kanila na wala nang ginawa kundi abangan at bantayan ang bawat kilos ni Ate Guy! I-blind item pa ba kung sino ‘yun? Given na, ‘noh!
Hahahaha!

Saturday, August 18, 2012

Judy Ann Santos and Joey Reyes speaks out on rift with Alfie Lorenzo


http://www.push.com.ph/features/8282/judy-ann-santos-and-joey-reyes-speaks-out-on-rift-with-alfie-lorenzo/

8/18/2012 1:02 AM

by: Krissa Donida

081812-juday-main.jpgSa thanksgiving na ginanap para sa pagkapanalo ng Cinemalaya Entry na Mumunting Lihim sa apat na major awards kasama na dito ang pagkapanalo ni Judy Ann Santos bilang Best Actress, nakapanayam ang Queen of Teleserye tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo. Unang napabalita ang away diumano nina Alfie at Judy Ann dahil sa hindi nito pagpayag na makatambal si Sam Milby. At ngayon ngang sinisimulan na ang shooting ng kanilang teleserye, naitanong namin kung kamusta na ang relasyon nila ng manager at ayon kay Judai, “Kami naman ni Tito Alfie parati namang ganun, hindi naman lingid sa kaalaman niyo yan. May mga moments at napapadalas angmoments na yan na may mga tampuhan sohindi naiiwasan at hindi ko naman din gustong iwasan yung mga ganyan kasi sa ganung mga paraan matututo ka rin. I am sure one way or another si Tito Alfie may natutunan din.”

Ngunit idiniin naman ni Judai na kahit napapadalas ang mga pinagdadaanan nilang hindi pagkakaintindihan ng kanyang manager, nag-uusap pa rin sila at bukas ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa lalo pa at nung mga panahong nanalasa ang Habagat. “Tinawagan ko siya nung panahon na may Habagat kasi sa may Panay (Quezon City, isa sa mga lugar na apektado ng baha) siya nakatiraso nag-alala ako baka nabaha na siya eh si Tito Alfie naman parang may pagsa-lili pong ayaw niyang magpa-rescue, dun lang siya sa bahay niya so kinamusta ko.”

Isa din sa mga itinuturong dahilan din ng kanilang hindi pagkakasundo ng talent manager ay dahil sa pagpayag at paggawa ni Judai ng indie film ngunit ayon kay Judai masasabing maayos na sila ng talent manager. “Okay naman, nagtext siya sa akin. Tinanong niya kung nanalo ako ng Best Actress,sabi ko, opo.”

At sa panayam ng programang Cinemanews tungkol sa isyung ito sa direktor ng Mumunting Lihim na si Joey Reyes umamin ito na naipit din siya hindi pagkakaintindihan nina Judai at ng kanyang manager. “Ako nag-apologize, dahil inaamin ko naman pagkukulang ko yun. It was an oversight on my part, miscommunication and I apologized kasi inaamin ko naman na ako may mali doon. I know nagalit si Alfie with a reason, tinatanggap ko kung anong mga batikos niya sa akin dahil sa pangyayari na yun.”

Nais na din ng award-winning director na matapos na ang kaguluhang namamagitan sa kanila. “I hope at this point after all that is said and done, na tapos na, matagal din naman ang pagkakakilala sa akin ni Alfie at matagal ko na rin kilala si Alfie. Wala namang samahan na hindi merong kaunting hindi pagkakaintindihan, pero para sa akin tapos na yun, sana tapos na rin sa kanya kasi malaki ang respeto ko sa kanya.”

Natanong din kung nagkaroon na ba sila ng pagkakaton na magkausap ng manager at ang sagot ni Direk Joey, “Hindi pa. Wala pa namang pagkakataon na mag-usap kami pero I think when we bump into each other it will still be the same na magtatawanan kami, I hope so.”