Wala rin daw problema pagdating sa dalawa nilang anak na si Yohan at Lucho. Alam naman ng panganay nila na baby pa lang ang kaniyang kapatid kung kaya kailangan ito ng atensyon. Iba raw ang ligayang naihahatid ni Lucho sa kanilang pamilya kung kaya masasabi nilang ang bunso ang life of the party ng kanilang pamilya. Hindi na rin daw nararamdaman ng panganay nina Ryan Agoncillo na si Yohan ang selos dahil naiintindihan na nito ang sitwasyon.
Kahit na nasa dugo ng mga bata ang pag-aartista ay mas gusto pa rin daw ni Ryan at Juday na makapagtapos ang kanilang mga anak. Handa naman daw sila sumuporta sa mga bata pero mas mahalaga pa rin daw na makapagtapos muna ang mga ito ng pag-aaral. Masayang-masaya ngayon si Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa dalawa nilang makukulit na supling pero hindi pa rin daw nila sinasara ang pinto para sa bagong baby.
source here
No comments:
Post a Comment