Glen P. Sibonga
Sunday, March 18, 2012 @ 08:08PM
Aminado si Ryan Agoncillo na hindi siya umaasa na manalo mula sa nakuha niyang Best Actor nominations para sa pelikula nila ng asawa niyang si Judy Ann Santos, ang My Househusband: Ikaw Na.
Nominado si Ryan sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (EnPress).
Noong Marso 14 nga ay nag-tie para sa Best Actor sina Aga Muhlach at Governor ER Ejercito sa Star Awards for Movies.
Sa Marso 24 naman malalaman ang mga magwawagi sa Golden Screen Awards.
Bagamat hindi umaasa, nagpapasalamat pa rin si Ryan sa PMPC at EnPress dahil napansin nila na worthy of nomination ang ginawa niyang pag-arte sa pelikula ni Direk Joey Reyes.
Saad ni Ryan, "It always feels good to be noticed for the hard work that you put in. Kasi hindi biro yung trabaho namin bilang artista.
"And ako, kumbaga, hindi naman ako full-time actor. So, to be nominated pa lang, okay na; kung manalo, sobra-sobrang bonus na yun.
"Masarap yung ma-nominate kasi yung mga kaibigan natin sa EnPress at PMPC, these are the people who have been around the business longer than I am.
"So, 'pag sila ang nagsabi na okay ang ginawa mo, nakakatuwa.
"Kasi ako, laging may kaakibat na kaba yung pag-arte sa akin, e. Kasi rookie ako diyan, e, baguhan pa lang ako sa acting.
"So, magandang ma-recognize."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryan sa taping ng hinu-host niyang talent show sa TV5, ang Talentadong Pinoy.
Pero umaasa rin pala si Ryan na tanghalin ding Best Actor balang-araw para naman daw may maitabi siyang acting award sa maraming Best Actress trophies ni Juday.
Sa ngayon daw kasi ay awards mula sa pagiging mahusay niyang host ang meron siya.
Ani Ryan, "Masarap ding mag-wish na sana nga someday magka-award sa acting, di ba?
"Kasi ngayon, sa eskaparate namin, yung kay Juday, acting awards, e. Yung sa akin, awards sa hosting.
"So, okay din kung manalo ng acting award. Pero okay lang din kung hindi.
"Ang importante sa akin bilang artista, kumita yung producer at matuwa yung audience.
"Pero yung award, siguro bonus na lang 'pag nakadale."
TALENTADONG PINOY FINALE. Sa ngayon, abala si Ryan sa Talentadong Pinoy, lalo na't nalalapit na ang inaabangang pangatlong Battle of the Champions nito sa first week of May.
Kumpleto na ang Hall of Famers na maglalaban sa grand finals. Nasa proseso ngayon ang show ng pagpili ng wildcard contestant na mabibigyan ulit ng pagkakataon na makipaglaban para sa titulo.
Ano ang feeling na nalalapit na ang pangatlong grand finals ng Talentadong Pinoy?
"Ang sarap, napakasarap!" bulalas ni Ryan.
"Kasi after this, ang next naming ise-celebrate ay ang anibersaryo namin, pang-apat na taon.
"So, ang sarap. Kasi hindi rin naman naging madali yung biyahe namin, e."
Natutuwa rin daw si Ryan na tuluy-tuloy ang pag-ere ng Talentadong Pinoy lalo pa't kinikilala rin daw ito bilang pioneer ng makabagong talent shows sa Philippine television.
"At least for this generation, yes. Kaya mahal namin itong show na ito kasi pamilya kami talaga.
"Nakakatuwa kasi noong unang taon, halos hindi naman kami pinapansin, e. Not applicable nga kami sa rating dati, e.
"Halos isang taon yun bago kami napansin.
"Pero nung napansin naman, umakyat nang umakyat ang ratings hanggang naging double digits at nagna-number one pa kami sa weekend.
"'Tapos siyempre, sumulpot ang mga kalaban, mahusay din naman sila. Medyo bumaba kami 'tapos bumalik na naman.
"So, nakakatuwa dahil hindi naman kami talaga nawala, never kaming nagpahinga sa pag-ere tulad ng iba, di ba?"
Ina-acknowledge din ni Ryan ang mga nagawa ng Talentadong Pinoy para sa kanya.
"Marami akong utang sa show na ito, e.
"Binata pa ako nung nagsimula ito, ngayon may asawa na ako, dalawa na ang anak namin.
"I'm seeing everyone grow and everyone is seeing me grow," sabi ng mister ni Judy Ann Santos.
BIRTHDAY CELEBRATION. Sa Talentadong Pinoy rin daw pinakabongga ang selebrasyon kapag sumasapit ang birthday niya tuwing April 10. Kasama na nga rito ang sorpresang ibinibigay sa kanya ni Juday sa show.
Saad ni Ryan, "Hindi ko nga alam kung bakit laging hindi ko nalalaman ang sorpresa ni Juday. Lagi akong caught unaware talaga.
"For sure, this year, meron na naman. Pero as usual, hindi ko pa rin alam kung ano. I have no idea.
"And ang Talentadong Pinoy gives the best gifts. Wala pa silang gift na naisantabi ko.
"Lahat ng regalo, sapul na sapul sa pangangailangan ko."
Marami raw aabangan sa kanilang third season grand finals dahil maganda ang mix ng finalists na maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Talentado.
Tina-target nila ang Quezon Memorial Circle sa Quezon City para sa dalawang araw na grand finals nila sa Mayo 5 at 6.
source here

No comments:
Post a Comment