HINAMON ng ilang kritiko pati mga ‘biktima’ si Beth Tamayo at ang mister nito na lumutang na at harapin ang isinampang multimillion-pesong kaso laban sa kanila. Ito’y bunsod ng pahayag ni Elizabeth Jill Tamayo, aka Beth Tamayo, sa isang tabloid na diumano siya daw ay biktima din at inosente sa kasong kinasasangkutan kasama ang asawang si Johnny Wong.
Samantala, sinabi ng dalawa umanong biktima na direktang nakipag-usap sa kanila ang aktres upang ibenta ang pag-aaring bahay at lupa nito sa Quezon City.
“The burden of proof is in the court now. She should come out and face the charges against her. Kung inosente man siya katulad ng kanyang pahayag, dapat sa korte na siya magpaliwanag at harapin niya ito nang bukal sa kanyang kalooban para naman luminis ang kanyang pangalan,” ani isang biktima.
Nitong nakaraang araw, naghihimutok pang nagpaliwanag si Tamayo sa naglabasang isyu hinggil sa kaso nitong estafa. Mariin din nitong pinabulaanan ang kanyang partisipasyon dahil wala naman diumano siyang kinalaman sa transaksyon ng kanyang mister sa bentahan ng pekeng titulo.
Napag-alaman na ang naturang kaso ay ilan lamang sa kinakasangkutan ng mag-asawa. Ayon pa sa impormasyon, sangkot din diumano si Wong sa sindikato ng pekeng titulo at gamit umano nito bilang ‘decoy’ si Tamayo upang maka-engganyo ng mayayamang buyer.
“Malakas kasi ang loob nitong si Beth Tamayo dahil ipinagmamalaki nito na suportado siya ng industriya. At malimit pa nga nitong binabanggit na kaibigan diumano niyang matalik si Judy Ann Santos na madalas din daw niyang hingan ng payo. Nagpa-plano na nga kaming lumapit kay Judy Ann Santos para matulungan na maayos itong kaso,” ayon sa isang biktima.
Noong April 2008, kasama diumano ni Tamayo si Wong upang ialok kina Romeo M. Castro at Conrado Fernandez ang bahay at lupang pag-aari ng mag-asawa sa halagang P20 milyon. Ayon kina Castro at Fernandez, nagkita diumano sila noong April 18 sa Edsa Plaza Hotel sa Mandaluyong City upang ibigay ang naturang halaga.
“Nakiusap pa nga ang mag-asawa sa amin na kung maaari ay huwag muna naming ipalipat sa aming pangalan ang titulo dahil baka bilhin nila sa amin ang kanilang bahay at lupa. Saka na lang namin nadiskubre ang kanilang panloloko nang maisipan namin na ipa-check ang property,” ayon sa affidavit of complaint ng dalawa.
Dagdag pa nila Castro at Fernandez na nag-alala diumano sila matapos ang ilang buwan nang hindi na sumasagot sa kanilang tawag ang mag-asawa sa planong bibilhin nilang muli ang naturang property. At nang kanilang ipasuri ang titulo, kanilang napag-alaman na nagkaroon din pala ng bentahan para sa iisang property.
“There was no buying back. And after verification, we discovered that the couple executed in favor of one Gerard C. Legaspi sometime in July 2008 a Deed of Absolute Sale for the same subject property and they had a clear intention to defraud us. There were several demands for them to return the money but they failed,” ayon sa isinumiteng reklamo ni Castro at Fernandez.
Agad namang naglabas ng warrant of arrest ang Mandaluyong RTC Branch 215 laban kina Johnny Wong at Elizabeth Jill Tamayo, aka Beth Tamayo, para sa kasong paglabag sa Article 915, paragraph 2 (a) or estafa ng Revised Penal Code.
SOURCE HERE
No comments:
Post a Comment