3/28/2012 10:34 AM
by: Krissa Donida
Ipinaliwanang din ni Judy Ann ang hindi niya pagtanggap sa naturang role. “Ayokong mapulaan ang trabaho ko, ayokong ang craft ko. Kasi mahal ko itong trabaho ko. Pero it’s an honor na kinonsider nila ang services ko para sa character. Baka lang may iba pang mas puedeng gumawa nun na mas maitatawid.”
Nalalagyan din ng kulay at pulitika ang naging desisyun ng batang superstar na kaya ayaw niyang tanggapin ang pelikula ay dahil kay Gov. ER Ejercito. Ngunit siniguro ni Juday na wala itong kinalaman sa kahit sinupaman na involved sa proyekto. “Hindi, hindi, hindi, hindi not at all. Please, hindi po totoo yan. Hindi po dahil kay ER o kahit sino pang cast. Ako lang po bilang artista, natatakot ako na baka hindi ko s’ya maitawid, hindi ko s’ya magampanan ng tama. Natatakot ako na hindi maging maganda kapag natapos ang pelikula.”
SOURCE HERE
No comments:
Post a Comment