@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label eugene domingo. Show all posts
Showing posts with label eugene domingo. Show all posts

Thursday, April 11, 2013

Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Coco Martin and others named as Dekada Awardees of Enpress












(From left) Judy Ann Santos, Maricel Soriano, and Coco Martin are among some of the celebrities named as Dekada Awardees of Enpress. The awarding ceremony will take place at Teatrino Greenhills on April 27.
The Entertainment Press Society is celebrating ten years as an award-giving body via the Golden Screen Awards.

The awarding ceremony will be held on April 27 at Teatrino,  Greenhills, San Juan City. As a fitting celebration, the Golden Screen Awards will honor those who have won the Golden Screen Awards trophy two times or more in the ten-year history by giving them the Gallery of Distinction trophy. 

The list of Dekada awardees is made up of seven actresses, five actors, a director and three film producers. Likewise, three awardees have won the Breakthrough Performance and went on to win the top acting honors as well. They are Iza Calzado, Dennis Trillo and Sid Lucero.

Judy Ann Santos and Cherry Pie Picache won a trophy each in different categories - Supporting Actress, Lead Role (Drama) and Lead Role (Comedy) while Maricel Soriano won in Drama and one in Comedy, same with Aga Muhlach who also won in Drama and in Comedy.

The Enpress Golden Screen Awards is proud to reveal its list of Dekada Awardees.


Dekada Awardees: Gallery of Distinction


Ara Mina – Best Performance by an Actress in a Leading Role Drama (Ang Huling Birhen sa Lupa-2003); Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Minsan Pa – 2004)

Judy Ann Santos – Best Performance by An Actress in a Supporting Role (Mano Po 2 – 2003); Best Performance by An Actress in a Leading Role - Drama (Sabel -2004); Best Performance by An Actress in a Leading Role - Musical or Comedy (Kasal Kasali Kasalo)

Cherry Pie Picache – Best Performance by an Actress in a Leading Role – Musical or Comedy (Bridal Shower – 2003), Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Twilight Dancers – 2006), Best Performance by an Actress in a Leading Role – Drama (Foster Child -2007)

Eugene Domingo – Best Performance by a Supporting Actress (Pisay – 2007); Best Performance by an Actress in a Leading Role – Musical or Comedy (Kimmy Dora – 2009), Best Performance by an Actress in a Leading Role –Musical or Comedy (Ang Babae sa Septic Tank -2010)

Maricel Soriano – Best Performance by an Actress in a Leading Role Musical or Comedy  (I Will Survive– 2004), Best Performance by an Actress in a Leading Role (Drama) – (Inang Yaya – 2006)

Iza Calzado – Breakthrough Performance by an Actress (Milan – 2004); Best Performance by an Actress Drama (Dukot – 2009)

Zsa Zsa Padilla - Best Performance by an Actress in a Leading Role (Musical or Comedy) for Ako Legal Wife in 2005 and Best Performance by an Actress in a Supporting Role for Sigwa in 2010.

Dennis Trillo – Breakthrough Performance by an Actor (Aishiete Imasu 1941 – 2004) and Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Mano Po 6: A Mother’s Love – 2009)

Tirso Cruz III - Best Performance by an Actor in a Supporting Role for The Debut in 2003 and Best Performance by an Actor in a Supporting Role for Sigwa in 2010.

Aga Muhlach - Best Performance by an Actor in a Leading Role (Musical or Comedy) for Kung Ako Na Lang Sana in 2003 and Best Performance by an Actor in a Leading Role (Drama) for In The Name of Love in 2011.

Coco Martin - Best Performance by an Actor in a Supporting Role for Jay in 2008 and Best Performance by an Actor in a Leading Role (Drama) for Kinatay in 2009.

Sid Lucero - Breakthrough Performance by an Actor for Donsol in 2006 and Best Performance by an Actor in a Leading Role (Drama) for Muli in 2010.

Jeffrey Jeturian -Best Director for Minsan Pa in 2004 and Best Director for Kubrador in 2006. 

Atty. Joji Alonso (Quantum Films) Best Picture Award:  Minsan Pa in 2004, Kubrador in 2006 and Ang Babae sa Septic Tank in 2011.

Ms. Malou Santos (Star Cinema) Best Picture Award:  Now That I Have You in 2004 and Kasal Kasali Kasalo in 2006.

Mr. Antonio P. Tuviera (APT Entertainment) Best Picture Award:  Fuschia and Urduja in 2008 andDed Na Si Lolo in 2009.

Tuesday, April 17, 2012

Indie actors in danger!

DARATING ang panahong nganga ang karamihan sa indie actors and actresses dahil base sa line-up ng entries ng Cinemalaya 2012, pawang de-kalidad na mainstream actors ang bida sa kalahok, huh!
Nangunguna na rito si Judy Ann Santos sa pelikulang Mga Mumunting Lihim na mula sa direksyon ni Joey Javier Reyes. Eh, kasama pa niya sa cast sina Janice de Belen at Iza Calzado, lalong tumingkad ang indie movie.
Ang ilan pa sa mainstream showbiz personalities na may entry sa Cinemalaya na magsisimula sa July ay sina Coco Martin sa Santa Nina; Eddie Garcia sa Bwakaw; Dawn Zulueta sa Ang Nawawala; Dennis Trillo sa Katiwala, Mylene Dizon and Jodi Santamaria sa Aparisyon, Zanjoe Marudo at Ananda Eviringham na Thai actor sa Kalayaan at Joel Torre sa Kamera Obscura at iba pa.
Ang Cinemalaya kasi ang masasabing prestigious indie filmfest kung saan lumutang ang kakayahan ni Eugene Domingo, hindi lang bilang aktres, kundi maging box-office attraction, huh!
Ito rin ang nagsisilbing guide ng ilang award-giving bodies sa pagpili ng mahuhusay na pelikula at pagganap.
Hindi man nakukuha ng malalaking artista ang totoong talent fee nila sa paggawa ng indie movies, still, nagagawa nilang gawin ang roles na hindi kayang sugalan ng mainstream producers.
Kapag nagpatuloy nga lang ang paglabas ng malalaking artista sa Cinemalaya entries, mababawasan ng trabaho ang ilang artistang ang tanging hanapbuhay ay maging bahagi ng independent films.


source here

Malalaking artista nakikipag-agawan na sa mga indie films


THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated April 17, 2012 12:00 AM 

Tama nga yata yung obserbasyon ng isang entertainment writer na lumiliit na ang tsansa ng mga hindi gaanong popular na mga artista na makuha sa mga indie films dahil pinasok na rin ng mga may pangalan at higit sa kasikatan na mga artista ng indie filmmaking.
It seems, lumaki na rin ang budget ng mga indie movies at kinakapitalan na ng mga may perang tao na hindi nangyayari nun kaya ‘yung maraming hindi kamahalang atista ang kinukuha na nananalo naman sa mga international filmfest.
‘Di ba naman dito nakilala sina Coco Martin, Sid Lucero, Neil Ryan Sese, at Mercedes Cabral? Ngayon makikita na sa mga marquee ng indie films ang mga pangalang tulad nina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Dawn Zulueta, Zanjoe Marudo bagaman at dati nang sumusuporta sa indie movies sina Lovi Poe, Jodi Santamaria, Mylene Dizon, Dennis Trillo, Janice de Belen, Jason Abalos, Eugene Domingo, at marami pang iba.
Mga malalaking artista ang tampok sa mga indie films na makakasali sa Cinemanila 2012.



source here

Sunday, March 25, 2012

Judy Ann Santos talks about her "kontrabida" role in Mga Mumunting Lihim

Allan Sancon



Judy Ann Santos clarifies that the Cinemalaya entry Mga Mumunting Lihim is not her first indie film. She considers the drama Ploning (2008) to be her first independently produced movie.

Isang blooming na Judy Ann Santos ang nakita ng lahat nang dumating siya sa presscon ng kanyang bagong endorsement na Eden Cheese na ginanap saEvents Placenoong nakaraang Miyerkules, Marso 22.


Maraming anggulo ang napag usapan sa nasabing presscon, hindi lamang ang tungkol sa produktong kanyang ini endorse kundi maging sa kanyang buhay pamilya. Napag usapan din kung ano ang sikreto niya sa patuloy niyang pagiging seksi at kung ano ang kanyang mga susunod na proyekto.


Matapos ang kanyang presscon ay nagkaroon ang PEP.ph at ilang press na makausap si Judy Ann tungkol sa kanyang unang pelikulang gagawin para sa 8th Cinemalaya na tatakbo mula July 20-29, 2012.


Pinamagatang Mga Mumunting Lihim, ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Joey Reyes. Isa ito sa 5 entries na magko compete sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.


Nabalitaan naming bahagi ka ng isang pelikula sa Cinemalaya ngayong taon?


“Yes, first time kong gumawa ng movie sa Cinemalaya. Kailangan kong i-correct ang sarili ko kasi nabanggit ko sa ibang interview ko na first time kong mga indie film. Hindi pala kasi gumawa na pala ako ng Ploning noon [which was released in 2008]. Not first time na indie film pero first time sa Cinemalaya, kaya very excited ako to do this project. As far as I know na sa Cinemalaya ay talagang ini-screen ang mga istorya na isasalang nila dito sa entry, pati mga artista ini screen nila. Nakakatuwa dahil mainstream director naman ang bibigyan nila ng pagkakataon na gumawa ng mula sa puso na mga pelikula, talagang lalabas ang kanilang pagiging artist sa Cinemalaya. Hindi siya yung parang pelikula na kailangan mong alagaan yung istorya, kasi may mga batang manonood ka na dapat isipin. Hindi ko naman sinasabi na walang value yung gagawin naming pelikula dito sa Cinemalaya. Pero minsan may mga pagkakataon gusto mong gumawa ng isang istorya na out of the box, isang istorya na parangHollywood lang yung story na iisipin mo na…ay ganun pala ang nangyari hindi mo expected yung mangyayari.”


Tungkol saan po ba ang Mga Mumunting Lihim?


“Kuwento siya ng apat na magkakaibigan. Noong namatay ako, dun sa pagkamatay ko, may mga nilabas akong sikreto ng mga kaibigan ko. Kumbaga, sinulat ko sa diary yung mga naiisip ko tungkol sa kanila nung nabubuhay pa ako. Parang, kung susumahin mo, akala mo mabait ako dun, yun pala hindi. Meron siyang mga pananaw sa mga kaibigan niya na di niya masabi kaya isinusulat nya nalang. Dun nagsimula ang anggulo ng gulo sa bawat isa.”


Nanibago ka ba bilang kontrabida sa pelikulang ito?


“Hindi naman, hindi naman ako yung kontrabida dito na pumapatay ng tao or nananakit. Hindi naman ako rito yung kontrabida na nagpapasabog ng kotse. Masyado kasing totoo yung istoryang ginawa ni Direk Joey Reyes sa pelikulang ito. Yung pagiging kontrabida ko rito ay totoong nangyayari sa tunay buhay ng mga magkakaibigan, may ganung ugali talaga. Parang sinasabi mo at the back of your mind, may iniisip ka dun sa kaibigan na hindi maganda. Dahil hindi mo masabi in person dahil mahal mo siya, isinusulat mo na lang sa diary.”


Sino po ang mga makakasama mo rito?


“Makakasama ko rito si Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen. Kaming apat yung magkakaibigan dito.”


Totoo po bang originally si Eugene Domingo ang lalabas sa papel n’yo dapat dito?


“Oo, si Uge dapat yun, pero dahil sa sobrang kabisihan ng babaeng ito, parang sa salitang busy mas busy pa siya sa salitang busy.”

Humingi ka ba ng advise kay Uge sa pag gawa ng indie film na ito?


“Kanya-kanya kasi kami ng atake pagdating sa paggawa ng indie film, kasi hindi naman kasi kami pare pareho ng emosyon, e. Iba iba kami ng pag e-express or pagkakaintindi sa mga karakter na ginagampanan namin. Si Uge, ang nakikita ko naman sa kanya, lahat ng karakter na ginagawa niya, isinasapuso niya, lahat ng ginagawa nya mapa indie film man ‘yan or mainstream, isinasapuso niya ‘yan, kaya napaka effective niyang artista. Kasi lahat ng ginagawa niya ay gusto niya at kinakarir niya talaga, at makikita mo yun sa trabaho niya bilang artista.”


Hindi ba naging isyu sa inyo ang talent fee sa katulad ninyong may malaki ng pangalan sa industriya? Alam naman po nating hindi ganun kalaki ang budget ng Cinemalaya?

“Alam mo, may mga pagkakataon na, pag kayo kayong magkakaibigan ang nag usap para gumawa ng isang magandang project, hindi naman lahat nang ito ay usapang pera, di ba? Pero, oo, aminin na nating kailangan mo talagang mag trabaho, kailangan mong kumita ng pera, pero may mga pagkakataon na kailangan mo ring isipin yung puso pagdating sa pag arte. Yung passion mo sa pag arte, hindi naman ito nabibili sa department store, hindi siya nagiging buy one take one sa mga groceries, kumbaga, malaking bagay kadalasan yung makaarte ka nang galing talaga sa puso mo. Gusto mo yung istorya, gusto mo yung proyekto, hindi naman lahat, pera pera lang.”


Nabalitaan n’yo po ba yung nangyayari sa Cinemalaya kunsaan may mga nagku question tungkol sa pagpapalakad ng naturang film festival?


“Talaga? Hindi ko alam yan! Alam mo hindi ako makapag komento talaga diyan kasi hindi ko alam yung talagang nangyari. Pagkakaalam ko lang, sa simula pa lang, mga batikang director at producers ang talagang nag screen ng mga pelikulang ilalabas. Pero personally, sa ibang isyu naman ng Cinemalaya, happy ako na may Cinemalaya, kaya nga tinawag na Cinemalaya kasi “malaya” ang mga director at mga artista na i-express kung ano ang gusto nilang maiparating sa mga manonood. Sa panahong ito, kailangan ‘yan ng mga nasa industriya, yung gumawa ng isang pelikula na hindi masyadong pinupuna, hindi masyadong sine censor, kasi pag sinabi mong ito lang yung edad na pwedeng manuod, ito lang edad talaga yung pwedeng manuod, para magawa ng director yung gusto nyang ihatid sa pelikulang ginagawa niya. Pero about the issue, hindi ako makapag comment talaga, kasi di ko talaga alam ang tunay na nangyari, mamaya sabihin nila sumasabat ako ko di naman alam yung talagang isyu. Pero kung anu’t ano man yung isyusanama address talaga ng mga batikang organizer ng Cinemalaya, kasi ito ay para sa mga director, artista at writers na bago, para mailabas nila ang kanilang mga talento.”


After hosting Junior MasterChef, ano ang mga susunod na projects ninyo?


“May teleserye in the works pero hinihintay ko pa ang ABS-CBN na i-present yung istorya sa akin. Movie, meron with Coco Martin, pero hinihintay ko pa rin ang schedule nung bata, hindi pa rin naman sure kung matutuloy yun kasi mag depende pa rin kung anong araw at anong buwan pwedeng mag roll na pwede pareho schedule namin.”


SOURCE HERE

Friday, December 9, 2011

EUGENE DOMINGGO to RYAN and JUDAY





RYAN AND JUDAY. Hindi naman naitago ni Uge ang paghanga sa relationship nina Ryan at Juday.

Para sa kanya ay ideal daw ang samahan ng mag-asawa.

Kuwento niya, “In fact nung nagpunta kami kina Ryan at Juday, kasi nag-celebrate kami dahil nakatapos kami ng pelikula, tuwing nakikita ko kung paano sila gumalaw, ang sarap tingnan.

“Sabi ko nga, ‘Ang sarap naman ng ganito. Sana ako rin.’ Ganun.

“I think, for me, dahil magkakalapit lang naman ang edad namin somehow, napaka-ideal. ‘

“I hope someday or very soon ako naman.”

Bukod sa pagiging ideal couple nina Ryan at Juday, ano pa ang ibang discoveries niya sa mag-asawa?

“Alam mo, naghahanapbuhay lang sila talaga. Hindi sila mga showbiz na tao.

“Kaya yung friendship na inaalagaan namin sa kanila, kami nila Direk Joey, kaming apat, panghabang buhay din.

“Ke sikat ka, ke hit or not, kung anuman, panghabang buhay ito. Hindi ito natatapos sa ganito lang.

“There are no pretensions, they are genuine, not showbiz.

“So, yun ang makikita mo sa kanila ‘pag naging close talaga kayo kahit gaano sila kasikat.”