@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, March 4, 2012

Ryan Agoncillo on being nominated Best Actor at PMPC Star Awards for Movies: "Masaya ako sa nomination and kung mabigyan ng award, e di okay."

Ryan Agoncillo on being nominated Best Actor at PMPC Star Awards for Movies: "Masaya ako sa nomination and kung mabigyan ng award, e di okay."

Ryan Agoncillo (above) and real-life wife Judy Ann Santos star in the movie, My Househusband: Ikaw Na, an OctoArts Film entry at the Metro Manila Film Festival 2011. He has been nominated Best Actor at the Star Awards for Movies of the Philippine Movie Press Club (PMPC).



Bagama't natutuwa at nagpapasalamat si Ryan Agoncillo sa Best Actor nomination na nakuha niya mula sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa pelikulang My Househusband: Ikaw Na, hindi naman umaasa nang todo ang TV host-actor na mananalo.

Ito nga ang inihayag ni Ryan sa panayam sa kanya ng Paparazzi Showbiz Exposed na napanood sa TV5 kahapon, Marso 3.

Aniya, "Masaya ako sa nomination and kung mabigyan ng award, e di okay.

"Kasi pinaghirapan ko naman talaga yung role sa My Househusband.

"But kung hindi man din, ayos lang. Kasi ano naman e... kumbaga yung lahat ng gusto kong makuha doon sa pelikula nakuha ko na.

"Dahil unang-una, kumita yung producer. Pangalawa, natuwa naman yung mga nanood.

"I guess bonus na lang talaga kung madale yung award.

"Pero ang daming magagaling, e. Kaya dehins [hindi] na tayo umasa diyan."

Ang My Househusband ang entry ng OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival 2011. Kasama ni Ryan sa cast ang kanyang asawa sa totoong buhay na si Judy Ann Santos at ang magaling na komedyanang si Eugene Domingo.

Ang nominasyong ito na kaya ang daan para pagtuunan niya ng pansin ang paggawa ng mas maraming pelikula?

"May mga nakapila na project. Parang ang kapal naman ng mukha ko na sabihin kong namimili, ano," biro ni Ryan.

"Hindi naman sa namimili pero ano kasi ako e medyo full-time host, medyo part-time actor lang sa ngayon.

"So, namimili ako yung tama talaga, yung kaya ko namang gampanan nang hindi naman ako kalog-kalog sa pelikula.

"So, nag-aabang kami ng tamang project."

TALENTADONG PINOY. Habang wala pang definite na pelikulang gagawin si Ryan sa ngayon, abalang-abala naman siya sa kanyang high-rating Kapatid show, ang Talentadong Pinoy, lalo na't nalalapit na ang inaabangang grand finals nito o Battle of the Champions sa Abril.

"We'll take one wildcard contestant for the finals.

"Although mahaba yung prosesong pagdadaanan bago mapili yung isang wildcard contestant.

"Each wildcard episode will have six contestants. And from six each that's a total of eighteen (for three episodes), we'll get two from each episode.

"And then from there, narrow down to six yan, mamimili tayo ng isa. And then yung isang yun ang mapupunta sa ultimate challenge," paliwanag ni Ryan.



source here

No comments:

Post a Comment