@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label sharon cuneta. Show all posts
Showing posts with label sharon cuneta. Show all posts

Sunday, June 2, 2013

Marian at Juday, mag-aagawan sa lalake!

Written by  Alfie Lorenzo
Pinag-aagawan ang serbisyo ni Juday ngayon ng tatlong film outfits to do a movie for them para sa coming MMFF this December.
Nauna na sa pila sa tatlo si Mother Lily ng Regal Films who had a meeting already with Jun Lana na siyang magdidirek ng movie at handa nang i-submit ng Regal sa MMFF ang commitment nila.
Balak man ng Viva Films na gawing entry rin this year ang Magkakapatid nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo at Juday ay hanggang balak pa rin si Boss Vic since three years ago.
Ganoon din ang GMA Films na four years nang balak ni Joey Abacan na sundan ang nauna nilang Ouija, pero hanggang tsika lang at wala nang follow-up.
I am sure, manggugulo na naman ang Star Cinema by insisting na gawin na ang noon pang balak na Juday-Coco Martin movie na ang location shoot ay sa Las Vegas pa kuno. Kikilos na kaya ang Star Cinema ngayong nabasa na nila itong balak ng Regal Films?
The still untitled Regal Films will co-star Juday with Marian Rivera. Gaganap silang magkapatid na magkakaproblema sa iisang lalake. Si Dingdong kaya ‘yun o si Derek Ramsay?
Abangan po ninyo!

Tuesday, November 13, 2012

Naaawa na sa kaliwa’t kanang issue Judy Ann Santos, nakiusap na tigilan na ang pagtira kay Piolo Pascual




BALIK-KUSINA NA naman si Judy Ann Santos sa reality cooking show na Master Chef Pinoy Edition with chef judges na sina Fernando “Ferds”Aracama, Rolando “Lau” Laudico and JP “Jayps” Anglo. Ikinumpara ng actress/TV host sina Wowie De Guzman, Rico Yan at Piolo Pascual sa tatlong favorite dishes nito.
Ayon sa kanya, si Wowie ay parang lechon manok, ang loveteam kasi nila ay pang- masa, afforable. Samantala, si Rico Yan ay pizza dahil marami itong toppings sa ibabaw at masarap kainin, hindi mahirap abutin. At ang pangatlong pa-ngalang binanggit ni Juday ay si Mark Anthony Fernandez , na na-surprise kami. “Sige, si Piolo (Pascual), risotto, sosyal at mahirap basahin. Kasi, siya ‘yung tipo ng taong kailangang bantayan mong mabuti para makilala mo. Kailangang bantayan habang niluluto para tama ang timpla at masarap. Kasi, kapag hindi nabantayan magiging malata,” makahulugang sabi ni Juday.
Siyempre, ikinumpara naman ni Judy Ann si Ryan Agoncillo sa adobo. Ayon sa kanya, all-time favorite ito ng pamilya na puwedeng kainin sa umaga, tanghali at sa gabi. Naitanong rin kay Juday kung tuloy ‘yung project nila ni Piolo.
“Lagi namang naitatanong ‘yan, taun-taon na lang yata. Wala namang offer pa na magsama kami. Sa akin, walang problema. Kung mangyayari naman, mangyayari talaga,” simpleng sagot niya.
Nabanggit ni Juday na after ng one season ng Masterchef Pinoy Editon, balik-teleserye na naman siya with KC Concepcion, Jericho Rosales, Jessy Mendiola and Sam Milby. Katunayan nga, nakapag-taping na nga siya ng limang episode para sa Against All Odds. Hindi raw niya kakayaning pagsabayin ang taping ng dalawang show dahil mawawalan na siya ng time for her family.
Naging topic din ng tsikahan namin ni Judy Ann ang tungkol sa latest issue tungkol kina Sharon Cuneta at Piolo Pascual na nagsimula na naman sa twitter. Alam natin mag-BFF sina Juday at ang Megastar. Reaction ng actress about the issue? “Ang hirap magbigay ng komento, ‘di ba? Hayaan na nating lumiit ang butas. Deadma, ‘di ba? Ayokong makigulo pa, mag-move-on na lang. Sana sa pagkatapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. Palagi na lang ganu’n ang napag-uusapan,” wika nito.

Advice na puwedeng ibigay ni Juday sa kanyang Ate Shawie? “In general, wala tayong hold sa lahat ng nagtu-tweet, kasi it’s their prerogative. Deadma na lang. Sana, magpa-Pasko na, tama na, ‘di ba? Ako, wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng ilang araw, may news black-out ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap lately. Pero kung anuman ito, sana bilang Pasko, tama na. Masyado nang maraming nasasaktan, mag-move on na tayong lahat,” pakiusap ng actress/TV host.
Nabalita ring nakikipag-usap raw ang mag-asawang Judy Ann at Ryan kay Piolo para gumawa ng pelikula, pero tinanggihan daw sila ng actor.
“Ayokong sagutin ‘ yan, ayokong pag-usapan ‘yang mga ga-nyang klaseng ka-personal na ano. Kasi, unang-una, parang hindi siya tama na pag-usapan. Gaya ng nasabi ko kanina, let’s leave it at that na lang. Kung mangyari, mangyari… tama na, nakikiusap ako. Naaawa na rin ako ru’n sa tao, mas-yado na ring bombarded ng mga issues, so hayaan na natin. Patahimikin na muna natin siya.
“Let him think, let everybody think. Lahat ng mga taong naaapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people, pabayaan na natin. Matatapos na ang taon, magpa-Pasko na, tama na. Kung anu’t anuman ang mangyari, mangyayari naman. Positive naman ako sa part na ‘yun. Ang sa akin lang, siguro, masyadong lutung-luto na ‘yung issue, baka nga sagot ako nang sagot tapos wala na ring interesado,” aniya.

Thursday, November 8, 2012

Judy Ann not taking sides in Sharon-Piolo tiff


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/11/08/12/judy-ann-not-taking-sides-sharon-piolo-tiff


MANILA, Philippines -- Actress Judy Ann Santos said she's not taking sides in the conflict between her friend, veteran actress Sharon Cuneta, and her former leading man Piolo Pascual.
"Wala, nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, uupo lang ako," Santos said on Thursday during a press conference of "MasterChef Pinoy  Edition," which begins airing on Monday, November 12.
"Ang hirap magbigay ng komento lalo na ngayon. Hayaan na nating lumiit 'yung butas, ayaw ko nang makigulo pa. 'Yun lang sana, pagtapos ng taong ito at pagbukas ng 2013 ay tapos na, tama na. Parang bantilawan na 'yung isyu na nakakatawa na, na palaging ganoon na lang ang pinag-uusapan," Santos said.
Last week, Cuneta said Pascual should be thankful that she and her family have remained quiet about his controversial breakup with her daughter KC Concepcion as she defended herself on Twitter against bashers whom she suspects are supporters of the actor.
In the interview, Santos also reacted on reports that Pascual refused to work with her again in a movie even if she and husband Ryan Agoncillo made the first move to reach out to him.
"Ayaw ko nang sagutin 'yan, ayaw kong pag-usapan ang ganyang klaseng ka-personal na (bagay). Unang una hindi siya tamang pag-usapan para sa akin. At least for me, let's leave it at that. So kung mangyari ay mangyayari," she said.
"Nakikiusap na lang ako. Kasi naawa din ako sa tao na masyadong bombarded ng issues, so patahimikin muna natin. Let him think. Let everybody think. Lahat ng mga taong naapektuhan ngayong taong ito sa mga issues involving different people ay pabayaan na natin, matatapos na ang taon magpa-Pasko na, tama na. So kung ano man ang mangyayari ay positive naman ako sa pagkakataong 'yon. Sa akin lang siguro masyadong lutong luto na yung isyu, baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na ding interesado pala," she said.
Asked if she believes that the much-awaited reunion movie with Pascual is not pushing through because of her closeness to Cuneta, Santos said: "Hindi naman siguro. Ayaw kong isipin na ganoon. Iba 'yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is different . Kung ano man 'yung issues between them siyempre ayaw kong makisali doon. Ang sa akin lang ay tama na."
But Santos also said that as far as this issue is concerned, she knows where her heart is.
"Alam ko naman kung sino ang mas mahal ko so OK na ako doon," she said.

Judy Ann Santos on Sharon Cuneta’s Twitter feud: ‘Mag-move on na tayo’


110912-juday_main.jpgAs her new show MasterChef Pinoy Edition premieres on Monday, November 12, Judy Ann Santos admitted she is excited to be part of an international franchise. “After Junior MasterChef hinahanap mo din yunghosting stint mo bilang baguhan sa field na ito. Ito kasi it’s a different take on MasterChef. Doon kasi siyempre nice ka, dito kailangan ilabas mo yung pagiging slightly impakta side mo para medyo matakot and at the same time iba, basta iba. Excitedako, happy ako pero kinakabahan pa rin. Kasi siyempre since nakikita nga ng mga tao yung ibangside ko when it comes to giving comments and praising. Iba ito eh kesa sa Junior MasterChef,” she shared during the MasterChef presscon held at the Renaissance Center in Marikina last November 8.

During the event, the media couldn’t help but ask Juday her opinion on the recent Twitter war between her good friend Sharon Cuneta and Piolo Pascual’s fans. The 34-year-old host said she prefers to stay out of the issue but gave her opinion on online feuds. “Well let’s make it general na lang. Unang-una, wala tayong hold sa lahat ng mga nag-ti-tweet kasi it’s their opinion, that’s their prerogative and deadma, deadma na lang. Mag-pa-pasko na kaya tama na di ba? Wala akong alam sa balita dahil bilang nagkasakit ako ng mga ilang araw, knockout ako sa bahay. Wala akong alam sa mga nagaganap dito pero kung ano man ito, basta bilang pasok tama na, masyado nang madaming naaapektuhang tao, masyadong marami ng taong nasasaktan. Mag-move on na tayo lahat. Tama na. Ang hirap kasi mag-komento. Lalo na ngayon pag-nag-komento ka, hayaan na natin yun, deadma na di ba? (laughs). Ayoko ng makigulo pa. Yun lang sana itong pagtapos ng taong ito, pagbukas ng 2013, tapos na, tama na. masyadong bantilawan masyado yung issue, naklakatawa na nga eh, palagi na ngang ganun yung napag-uusapan,” she said.

Juday said she feels that the issue has been saturated enough in different media outlets already. She also refused to take anyone’s side because she knows the two people directly involved. “Ang sa akin lang, siguro masyado na ring lutong-luto na yung issue. Baka nga sagot ako ng sagot tapos wala na rin namang interesado makinig. Iba yung relationship ko with Ate Sharon and my friendship with Piolo is very different. Kung ano man yung issues between them, siyempre ayokong makisali dun pero ang sa akin lang, tama na di ba? Tama na. alam ko naman kung sino yung mas mahal koso okay na ako dun,” she said.

The talented actress said she also wishes that the public would not hound her former love team partner Piolo with any more issues. “Naaawa naman ako dun sa tao na masyado na ring bombarded ng mga issues. Hayaan na natin, patahimikin na muna natin. Let him think, let everybody think. Lahat ng taong naapektuhan nitong taong ito sa mga issues involving different people. Pabayaan na natin, matatapos na yung taon eh. Tama na. kung ano man ang mangyari, mangyayari naman.Positive naman ako dun,” she said.

Although she did not want to comment on Sharon’s emotional tweets, Juday said she trusts in her AteShawie’s actions. “She knows it. She knows what to do. She’s a very smart girl. Kaya niya yan. Ngayon pa ba naman. Kaya niya yan,” she said.

Juday said she has learned a lot from the Megastar. “Sa lahat kasi ang dami mong matututunan sa kanya. Just like with food madami kang matututunan sa pagkain kapag  mag-e-explore ka. Si AteSharon habang patagal ng patagal ng pakikipagkaibigan ko sa kanya at sa patagal at patagal ko siyang nakakausap bawat araw, mas marami akong natututunan sa kanya. Mas marami akong nalalaman tungkol sa kanya. Masaya siyang tao eh. Masarap siyang kasama, masarap siyang kaibigan. Masarap siya magmahal,” she added.

Catch Judy Ann Santos in MasterChef Pinoy Edition this Monday, November 12 before Be Careful With My Heart on ABS-CBN’s Umaganda block.

Wednesday, September 12, 2012

Tribute concert for Dolphy set


http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/09/12/12/tribute-concert-dolphy-set

Posted at 09/12/2012 12:08 PM | Updated as of 09/12/2012 10:43 PM
King of Comedy Dolphy
MANILA, Philippines -- A tribute-benefit concert for the late King of Philippine Comedy Dolphy dubbed "Dolphy Alay Tawa" will be held on September 19 at SM Mall of Asia Arena.
For the first time, the country's top three networks will unite to celebrate the comedian's life and works.
The event will be spearheaded by Dolphy's long-time partner Zsa Zsa Padilla and his children.
Proceeds of the show will go to the Philippine Red Cross, Hope In A Bottle, Eyebank of the Philippines and Dolphy Aid Para Sa Pinoy Foundation, Inc.
The country's biggest stars such as Vilma Santos, Nora Aunor, Vic Sotto, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Ai Ai delas Alas, Judy Ann Santos, Gary Valenciano, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Michael V., Lorna Tolentino, Edu Manzano, Vhong Navarro, Toni Gonzaga, Angeline Quinto, Jolina Magdangal, Rachel Ann Go, Luis Manzano, Ryan Agoncillo, Wally and Jose, Derek Ramsay, Ruffa Gutierrez and many more will be part of the tribute show.
Dolphy, or Rodolfo Vera Quizon in real life, died last July 10 due to pneumonia and obstructive pulmonary disease and acute renal failure. He was 83.

Monday, July 9, 2012

Judai to Sarah: No perfect guy, only right guy

http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/07/09/12/judai-sarah-no-perfect-guy-only-right-guy


MANILA, Philippines -- Young superstar Judy Ann Santos advised singer and actress Sarah Geronimo about life and love when she guested on the ABS-CBN's musical show "Sarah G Live!" on Sunday.
"Sa love mare-realize mo hindi ka makakahanap ng perfect guy kasi walang perfect guy. Si Lord lang yata ang perfect. Ang perfect guy hindi 'yan darating pero ang right guy darating 'yan sa iyo sa tamang oras, sa tamang panahon kapag hinog na hinog na ang puso mo," Santos told the singer.
"Pero siyempre bago mo marating 'yon marami ka pang pains and hurt na mararamdaman. Part ng buhay 'yan at mas magiging maganda ang kalooban mo sa pagmamahal at perception mo sa love kapag nasaktan ka na," she added.
Santos, who considers Geronimo as her showbiz sister, hinted that the singer is in love.
"Noong tinawag mo siyang 'babe' naramdaman mo na 'yun ang dapat mong itawag sa kanya. Lumalabas lang naman kasi 'yong 'babe,' kapag masaya, kapag mahal mo," Santos said, referring to when Geromino called rumored boyfriend actor Gerald Anderson "babe" during a taping.
"Kapag masaya ka, at kumportable ka sa isang tao wala namang masama sa pagtawag ng ganoon. Walang ibig sabihin 'yon kung hindi espesyal siya sa iyo," Santos told Geronimo.
Geronimo and Santos started their friendship after doing the film "Hating Kapatid" in 2010.
Santos also shared her wishes for the Pop Star Princess, who is turning 24 later this month.
"Ang birthday wish ko sa iyo...I'm so happy for you, very proud of you alam mo 'yan. Gusto ko ma-experience mo ang life, experience life, experience love, experience everything because you are so young. Lahat ng tao ibibigay sa iyo ang gusto mo pero hindi lahat ng tao ipapakita sa iyo ang buong mundo. So nandito ako, nandito si Kuya Ryan mo, nandito kami lahat nang nagmamahal sa iyo, na ang mundo ay makulay at napapalibutan ng ibang bagay maliban sa pagkanta, pag-arte at pagmamahal," she said.

Dream project
In the interview, Santos also said her dream project is to do a film with Geronimo and actress Sharon Cuneta.
"'Yun 'yung isang dream project na magkakasama tayong tatlong magkakapatid. Mapapasabak ka sa kadaldalan so humanda ka kung matuloy 'yon. Sa amin palang (ni Ate Sharon) quota ka na," says Santos.
Like Santos, Cuneta is also a good friend of Geronimo.
Currently, Santos is preparing for the new series "Against All Odds" with Cuneta's daughter KC Concepcion.

Saturday, May 26, 2012

Judy Ann, Gladys Share Thoughts On Celebrity Twitter Issues

http://www.mb.com.ph/articles/360495/judy-ann-gladys-share-thoughts-on-celebrity-twitter-issues

By NR RAMOS

MANILA, Philippines - Judy Ann Santos says she perfectly understands her fellow celebrities who sometimes lose their cool when dealing with bashers on Twitter, noting Sharon Cuneta and how she reacted when an ABS-CBN executive supposedly posted seemingly malicious messages that alluded to the Megastar’s daughter, KC Concepcion, on the social networking site.
According to Santos, she might have done the same thing, if not more, given the situation.
“Baka maging halimaw ako, baka higit pa,” said she in an interview with push.com on May 26.
Santos said that people should learn to think twice before posting anything through the popular microblogging site.
“Kasi may mga bagay talaga na hindi na lang dapat tini-tweet... ngayon mag-tweet ka ng anything sa isang tao, siyempre ‘yung nang magre-react ang nanay. Lalo na’t siya ang naghirap diyan at siya ‘yung nakakakilala sa bata. Especially when you work for a major company. Wala na dapat ganyan dahil it’s a very sensitive topic to begin with,” she said.
The 33-year-old actress also told Push that she almost got into the same situation a few years back after hearing some not-so-pleasant comments about her son Lucho in the media.
“Merong kung anu-ano ding nagsabi. Sabi nga ng asawa ko sa akin,
‘Huwag ka na kasing magbasa ng comments,’ pero maiiwasan mo ba? Gusto mong pumatol pero naisip mo na lang itong mga ito, basta may masabi lang,” she related.
“Pero at the same time naisip ko din na it’s not worth my time, it’s not worth the effort dahil una hindi ko sila kilala and maybe it made them feel good to say those words about my kid. At saka mas masaya ang buhay ko eh. Bakit naman ako magpapaapekto pa sa kanilang hindi masasaya ang buhay?” she added.
Meanwhile, in a separate interview, Gladys Reyes, who counts Cuneta as Godmother in her marriage to actor Christopher Roxas, said she feels bad that the situation got out of hand.
“Nakakalungkot lang na kailangang humantong sa ganoon,” she said in an interview with PEP on May 25.
But just like Santos, she understands where Cuneta is coming from.
“Alam n'yo, kapag nanay ka, ang sakit naman talaga kapag may nang-bash sa mga anak mo,” she said.
“Minsan, ‘yung anak baka tatahimik na lang ‘yan. Pero ang nanay, baka
hindi talaga kayanin na tumahimik, she added.
She then went on to call for responsible “Tweeting.”
 “Siyempre, entitled naman ang bawat isa sa nararamdaman niya. At ‘yung Twitter, pampublikong networking site na rin ‘yan, ‘di ba?  Kahit sino puwedeng magpahayag sa nararamdaman niya. So, respeto lang talaga siguro. Importante rin na think before you tweet,” she said.

Judy Ann Santos shares her views on celebrity Twitter wars


by: Rhea Manila Santos


052612-juday-main.jpgAlthough Judy Ann Santos does not have a Twitter account, the talented actress said she can commiserate with celebrities like Sharon Cuneta who has become very vocal on the social messaging site by sending out tweets defending her daughter KC Concepcion. “Kasi may mga bagay talaga na hindi na lang dapat tini-tweet. I’m not referring to Ate Sharon kasi, kasi payapa na yung issue eh. Wala namang pumapansin. Ngayon mag-tweet ka ng anything sa isang tao, siyempre yung nang magre-react ang nanay. Lalo na’t siya ang naghirap diyan at siya yung nakakakilala sa bata. Especially when you work for a major company. Wala na dapat ganyan dahil it’s a very sensitive topic to begin with. Eh nanay ako di ba? Sinasabi ko nga kahit mangyari sa akin yan, baka maging halimaw ako, baka higit pa,” she said during her appearance as a Lactum endorser last May 19 at the SM Megamall activity center.

The 33-year-old actress said she has not yet been able to talk to Sharon since the online incident happened. “Hindi pa kasi nung isang araw lang ito nangyari di ba? Hindi pa, wala pa. Hindi mo talaga mapipigilan ang damdamin ng isang nanay pagka halimbawa may sinasabi na yung below-the-belt na yung paninira. Siyempre maglalabas ka na rin ng bala mo para matahimik yung mga taong involved. Kung ako man ay sabihan mo ng ganyan, para matahimik ka ilabas ko na kaya? Tapos na dapat, okay na eh. Tulog na lahat eh. Ginising mo pa eh (laughs). Yung ganun eh,” she stressed.

Juday said she herself also experienced the same thing after hearing some not-so-pleasant comments after giving birth to her son Lucho in 2010. “Nung lumabas si Lucho merong kung anu-ano ding nagsabi. Sabi nga ng asawa ko sa akin, ‘Huwag ka na kasing magbasa ng comments,’ pero maiiwasan mo ba? Gusto mong pumatol pero naisip mo na lang itong mga ito basta may masabi lang. Eh kung maglabas kaya sila ng picture ng anak nila, tingnan natin. Lahat naman ng bata di ba pag bagong silang mukhang magnifying glass? (laughs). Kasi siyempre pag bagong panganak ka, napaka-sensitive mo. Lahat ng bagay na puwedeng makasakit sa ‘yo lalo na kapag anak mo ang tinira, masasaktan ka talaga. Pero at the same time naisip ko din na it’s not worth my time, it’s not worth the effort dahil una hindi ko sila kilala and maybe it made them feel good to say those words about my kid. Masuwerte lang sila hindi nailabas ng unang araw yung anak nila. Kasi baka ako ang unang kumomento (laughs). At saka mas masaya ang buhay ko eh. Bakit naman ako magpapaapekto pa sa kanilang hindi masasaya ang buhay?” she recalled.

After just having come back from spending a week long birthday celebration in Singapore, Juday said she was very happy with husband Ryan Agoncillo’s birthday gift. “Nag-Singapore kami buong family tapos si Mommy kasama rin namin. Yun yung birthday gift niya, yung Singapore trip namin at sapatos na maganda. Kasi alam naman niya even before pa na palagi ko kasi siyang niyayaya na pumunta ng Singapore kasi si Yohan gustong mag-Universal Studios at saka yung Songs of the Sea, bata pa lang si Yohan memorize na niya yun. Eh ngayon kasing nakaka-appreciate na siya ng theme park tapos malapit lang naman, kaya dun na yung rinequest ko sa kanyang trip namin at saka ang sarap kasing kumain ng street food sa Singapore. So kumain ako ng kumain (laughs). Lahat yun kanya. Yun ang kanyang birthday present. Alam niya kasi na pagka-out-of-the-country, masarap kasi kapag kasama mo mga magulang mo eh. At saka minsan lang kasi kami, and tamang tama din Mothers Day kaya maganda rin na kasama namin ang mga mommies namin nung week na yun,” she shared.

Tuesday, May 22, 2012

Judy Ann no comment on issues vs Sharon, Claudine



Dahil nga panatag ang buhay ng Lactum endorser na si Judy Ann Santos at walang intriga sa kanya ngayon, ang isyu tuloy ng ibang artista ang natatanong sa kanya.

Bukod sa natanong siya tungkol sa Twitter war ni Sharon Cuneta, tinanong din sa kanya ang reaksyon niya sa away naman ng mag-asawang Raymart and Claudine Santiago at Mon Tulfo.

Ayon sa aktres, mahirap daw kasing magsalita since hindi naman niya nakita ang pangyayari.

“Ang hirap rumeak sa ganyang sitwasyon, lalo pa’t hindi mo maiiwasang magkaroon ng comparison, hindi ba?

“Mahirap pumosisyon sa isang side ng story because hindi naman natin nakita ’yung buong pangyayari.

“Ang sa akin lang, sana matapos nang maayos kasi, I’m sure, kahit naman sino sa atin, hindi gustong mapunta sa ganung sitwasyon na hindi maganda, hindi ba?” sey ni Juday.

Pero kapag mainit naman daw talaga ang ulo ng isang tao ay wala na itong naiisip at nakikita.

“So we really don’t know what really happened. Pero sa akin na lang, sana, wala tayong karapatan na mag-judge agad-agad kasi hindi natin alam kung sino ’yung unang prumoseso ng mga bagay-bagay.”

Na-shock ba siya nang mapanood niya ang video nina Claudine, Raymart and Mon?

“Lahat naman yata tayo, shocked. Lahat naman, ’di ba, lahat naman tayo?

Pero sa kabilang banda, may pinag-ugatan ang lahat. Hindi naman ’yan basta na lang nangyari siguro, ’di ba? May pinag-ugatan ‘yan at hindi natin alam kung saan nanggaling,” she said.

Kung sakaling mangyari sa kanya ang ganu’n, paano niya haharapin ang sitwasyon?

“Bago pa mag-init ang ulo ko, tumutulo na ang luha ko, eh,” natatawa niyang sabi.


http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/30358-judy-ann-no-comment-on-issues-vs-sharon-claudine

Tuesday, May 15, 2012

Judai in Sharon, Kasama Mo! (credit to the owner)

Judy Ann Santos comments on issues about Sharon Cuneta, Claudine Barretto, and Daiana Menezes


Demai G. Sunio-Granali
Friday, May 11, 2012 @ 10:10PM  |  104356 views
 74
 220
  0

Umaasa si Judy Ann Santos na sa huli ay mauwi rin sa pagkakaayos ang gulong kinasasangkutan ng kaibigang si Claudine Barretto sa ngayon. Hiling niya para sa kaibigan, "Sana maayos ng wala nang masaktan. Sana pagdating ng panahon, maayos ng magandang usapan."
Photo By: Noel Orsal


















Kasalukuyang nagbabakasyon sa Singapore ang aktres na si Judy Ann Santos at ang kanyang buong pamilya.

Ito na bale ang pinaghalong birthday (May 11, mismo ang kanyang ika-34th  na kaarawan) at Mother’s Day celebration ni Juday kasama ang asawa na si Ryan Agoncillo, mga anak nilang sina Yohan at Lucho, inang si Mommy Carol, at mga magulang ni Ryan.

Una nang naikuwento ni Juday sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang plano nilang bakasyon sa panayam sa kanya noong Miyerkules, Mayo 9, sa event ng Absolute Distilled Water sa M Café sa Greenbelt, Makati.

Ayon kay Juday, isang bagay na excited siyang gawin sa Singapore ay ang “kumain."

Dagdag niya, "Mahilig talaga akong kumain, e.

“Iyon talaga ako kapag nasa ibang bansa, walang diyeta-diyeta, walang ano.

"Wala akong sinusunod na kung ano man kasi time ko na iyon, di ba?

“Pambihira naman kung…ide-deprive ko pa ba iyong sarili ko sa pagkain, e, binayaran ko na iyong ticket?

“E, di bibili na rin ako ng masasarap na pagkain habang tutal buong buhay ko naman sa Pilipinas naka-diyeta na 'ko.

“So iyon lang, iyon na iyong pinaka-reward naming dalawang mag-asawa sa sarili namin kapag lumalabas kami ng bansa—kumain nang bonggang-bongga at parang walang katapusan.”

ON DAIANA MENEZES. Masayang-masaya kung titingnan si Juday noong araw na iyon at halos walang maibatong intriga sa kanya ang mga reporters—maliban sa isa na may kinalaman sa Brazilian TV personality na si Daiana Menezes.

Naging isyu noon na pinagseselosan daw ni Judy Ann si Daiana dahil sa pagiging malapit nito sa asawang si Ryan Agoncillo.

Co-hosts noon ng programang Eat Bulaga! sina Daiana at Ryan.

Nitong nakaraang Abril ay inanunsiyo ng Brazilian TV personality ang kanyang pag-alis sa naturang programa.


Bagamat hindi niya nilinaw ang tunay na dahilan ng kanyang pagre-resign, may ilang tao naman ang naghinala na baka may kinalaman ang diumano’y pagseselos ni Juday kung bakit siya umalis.

Bulalas naman ng aktres sa tanong ng mga reporters tungkol sa isyu, “Ha? Hindi pa rin natapos iyon? Ang dami nang isyung bago, nando'n pa rin tayo!

“Hindi naman. I think… hindi ko alam kung ano talaga iyong dahilan, pero 'pag nagkikita naman kami ni Daiana sa Eat Bulaga!, nagtatawanan nga kami kasi may mga ganyan pa ring issues.

“Hanggang sa dinaan ko na nga sa biro nung nag-[Talentadong Pinoy] kami na sinabi ko na, ‘Wala kaming issue ng babaeng ito, pero gusto ko siyang sugatan kasi ang kinis-kinis niya.’

“Wala, pambihira naman. Tama na.

"Patayin na natin iyang issue na iyan kasi kawawa naman iyong tao, e, di ba?

“Baka hindi na siya nakakatulog sa gabi kasi kung sinu-sino nagte-text sa kanya ng kung anu-ano.

“Iyong sinasabi sa kanya, parang hindi fair. Hayaan na natin siya. Andito iyong tao para magtrabaho.

“Wala po, walang nagaganap na selosan asa amin.

“We’re friends. Diana and I are friends. We’re not close, but we talk. We’re okay.

“Okay na iyon. Hayaan na natin baka naman isumpa na niya ang Pilipinas niyan, kawawa naman.”

ON SHARON CUNETA. Samantala, hiningan din ng press si Judy Ann ng kanyang komento ukol sa mga isyung kinasasangkutan ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Una na nga rito ang malapit na kaibigan niyang si Sharon Cuenta.

Kamakailan kasi ay napabalitang nagkaayos na raw si Sharon at tiyahin na si Helen Gamboa matapos ang hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa political affinity ng kani-kanilang mga asawa.

Pahayag ni Juday, “Bongga! Parati namang masaya pagka gano’n ang balita, di ba?

“Masarap 'pag may natatapos na isang isyu sa pagitan ng dalawang tao, lalung-lalo na’t kamag-anak mo.

“Happy ako kasi at least nabawasan ang bumabagabag sa puso ni Ate Sharon ngayon and it’s always nice to know na lahat ng kamag-anak mo, e, okay kayo.

“Kasi minsan, iyan iyong dahilan kung bakit hindi ka nakakatulog nang maayos sa gabi, kasi alam mong may nakasamaan ka ng loob.

“I’m happy. Sana maging tuluy-tuloy na iyong magandang pagbabalik ng relasyon nila Ate Sharon at Tita Helen.”

ON CLAUDINE BARRETTO. Isa pa ring natanong kay Juday ang tungkol sa kinasasangkutang gulo ng kumare niyang si Claudine Barretto.

Hanggang ngayon ay mainit pa rin napag-uusapan ang Kapuso actress dahil sa nangyaring gulo sa NAIA Terminal 3 noong Linggo, Mayo 6, kung saan nakaengkuwentro ang asawang si Raymart Santiago at brodkaster na si Mon Tulfo.

Ayon sa news report na lumabas sa PEP,  nakita ni Mon na nagwawala si Claudine sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Naiwan ang mga bagahe ng mag-asawa sa Caticlan airport sa Boracay, dahil kinailangan itong i-offload "for safety purposes." Nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

(CLICK HERE to read related article.)

Ano ba ang reaksiyon ni Judy Ann tungkol dito?

“Alam n'yo kapatid, pasensiya. Ang hirap kasing kumumento.

“Actually, pinag-aaralan ko na iyan kagabi kasi alam kong matatanong ako, e!” natatawang paliwanag ng aktres.

“Unang una, ang hirap kumumento sa isang bagay na very, very, very, sensitive.

“Kumbaga, baka sabihin pa in bad taste iyong pagkakasabi ko.

“Pero sana lang maayos, di ba? Sana maayos nang wala nang masaktan."

"Sana pagdating ng panahon, maayos ng magandang usapan.

“Iyon pa lang sa ngayon iyong puwede kong sabihin, kasi masyadong mainit iyong topic, masyadong mainit iyong issue.

“I guess it’s something that will be settled na lang behind the camera, so lets just hope for the best na maayos lahat ito.”


source here


Tuesday, May 8, 2012

Singers sa ‘Talentadong Pinoy’ mapapakla


(ALFIE LORENZO)



 
ASTROBOY versus Sustantivo bilang kampeon sa Talentadong Pinoy. Tama na naman ako!
Puro mapakla ang singers. Nakatutok ako sa dalawang ito lang. Engrande ang opening number ni astroboy na nagkalat ang apoy sa buong venue.
Sabi ko, heto na nga ang kampeon! At tumama nga ako.
Grand winner nga ang gay-playing-with-fire. Sa Tagalog, ang bading na naglalaro ng apoy!
***
Nagkita ang Superstar Nora Aunor at Junior Superstar Judy Ann Santos sa finals ng Talentadong Pinoy where they were both guests. Nagyakapan onstage ang dalawa.
Una at huling nagkasama sina Ate Guy at Juday sa pelikulang Babae (1997).
Hindi na nasundan ng ikalawang movie ‘yun. Dapat sana ay sa Aguinaldo ni ER Ejercito muli silang magkakasama, Juday as the first wife at nang magkaedad ay si Nora na as the second wife.
Juday did not entertain the offer. Ibang movie na lang daw.
Deserving si Juday sa tawag na Junior Superstar dahil kay Nora at Sharon Cuneta lang siya gumawa ng movie together and never sa secondrate trying hard copycat of a star, ‘noh?!
Knows mo na kung sino, debah, Albert Su­nga?


source here

Monday, May 7, 2012

‘Talentadong Pinoy: Battle of the Champions’ Garners High Ratings


May 7, 2012 by  
The hoola hoop and fire dancing master Daniel Darwin, a.k.a Astroboy, became the 3rd “Ultimate Talentado.”

It was de ja vu all over again. Similar to its past two seasons, Talentadong Pinoy’s third Battle of the Champions held last Saturday (May 5) at the Quezon Memorial Circle reigned supreme over its competition. Based on the data from Nielsen Media Research, Talentadong Pinoy’s Battle of the Champion 3-hour special topped its 7:30-10:30pm timeslot in Mega Manila with 10.4% AMR (31.6% audience share)—beating rival programs on ABS-CBN and GMA. The much anticipated performance night of the eight finalists also put TV5 within the top ranking shows nationwide with 9.2% AMR (28.5% audience share).
For its Sunday episode, Talentadong Pinoy also received high ratings for the results night and the celebrity edition of the show with a 8.8% AMR (28.6% audience share) in Mega Manila and 7.9% AMR (26.5% audience share) nationwide.
Daniel Darwin, the hoola hoop and fire dancing master more popularly known as Astroboy, bested seven other Hall of Famers and was declared the “Ultimate Talentado”. He now joins the ranks of former Battle Champion winners Yo-yo Tricker Joshua Davis and Joseph the Sand Artist. Like the two before him, Astroboy will represent the Philippines to the prestigious World Championships of Performing Arts (WCOPA) in Hollywood, California. He also took home one million pesos and a brand new Chevrolet Cruze.
For the celebrity edition, Arnel Ignacio wowed the audience and the Talent Scouts with his piano skills and his heartfelt composition, earning him the title of Celebrity Talentado. The versatile host and comedian also won 100,000 pesos to be shared with Leah Patricio, a former Talentadong Pinoy Hall of Famer who sung and accompanied him during his performance.
Aside from the amazing talent acts, audiences were entertained by the inspiring and entertaining quips of celebrity Talent Scouts Audie Gemora, Tuesday Vargas, Jed Madela, John Lapus, K Brosas, Joey Reyes, Ruffa Gutierrez, Zoren Legaspi, Joey de Leon, Lucy Torres-Gomez, Judy Ann Santos, and the Superstar Ms. Nora Aunor. The Megastar Sharon Cuneta also graced the event for a special performance.
For its performance night, more than 11,000 people flocked the open grounds of Quezon Memorial Circle to watch the Hall of Famers battle it out one last time. On Sunday, a crowd of almost 14,000 came to the same venue to witness the momentous results of this year’s Battle of the Champions.

Wednesday, May 2, 2012

Enggrandeng "Talentadong Pinoy" Battle of the Champions nakakakasa na!




Ang pinaka-aabangang Talentadong Pinoy Battle of the Champions ay narito na! Magtatagisan ng galing ang mga Hall of Famers na sina Ayegee, Melbelline, Dancing is Fun, Craig and Samantha, Astroboy, Sustantivo, Monica at Rhyzza para sa makamit ang titulong 2012 Ultimate Talentado sa darating na na May 5 at 6.

Isang malaking selebrasyon ang magaganap sa Quezon Memorial Cirle dahil bukod sa mga constestants dapat ding abangan ang mga celebrity Talent Scouts na kinabibilangan ng Superstar na si Nora Aunor, Judy Ann Santos, Ruffa Gutierrez, Joey De Leon, Richard Gomez, Lucy Torres, Audie Gemora, Joey Reyes, Tueday Vargas, John “Sweet” Lapus, K Brosas, and Jed Madela. Tunay na star-studded talaga ang event dahil may special performance ang Megastar na si Sharon Cuneta sa May 6!   
Ang hihiranging Ultimate Talentado ay magwawagi ng grand prize package na P1 M cash, isang brand new car, at ang pagkakataong magtanghal at irepresenta ang bansa sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA) na gaganapin sa Hollywood, California. Ang kapana-panabik na Talentadong Pinoy Battle of the Champions ay mapapanood ng live sa TV5 mula sa Quezon Memorial Cirle sa magkasunod na gabi ng May 5 at 6. Wag pahuli sa usapan ng buong bayan at tumutok para malaman kung sino ang hihiranging 2012 Ultimate Talentado.
 
 
 
Ipinagmamalaki ni Ryan Agoncillo ang walong finalists na maglalaban sa finale ng Talentadong Pinoy sa May 5-6 sa Quezon Memorial Circle.
Sabi nito, kahit sino ang manalo kina Ayegee, Mhelbelline, Dancing is Fun, Astroboy, Craig and Samantha, Rhyzza, Sus-tantivo at Monica ay may karapatan maging Ultimate Talentado Champion dahil magagaling at iba-iba ang talents.
Bukod sa P1 million cash, may brand-new car and the right to represent sa World Championships of Performing Arts o WCOPA ang mananalo. Naniniwala rin siyang magkaka-career ang winner pati ang finalists.
Binanggit sina Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Cong. Lucy Torres-Gomez, pati si Judy Ann Santos sa guests sa finale at umaasa si Ryan na makarating din si Nora Aunor. Hindi pa nito alam kung sino ang inimbita ng TV5 na 12 talent scouts kung saan manggagaling ang 50 percent ng boto.
Isa sa finalist ang 15-year-old na si Melbelline Caluag na kundiman ang kinakanta. Sa presscon, kinanta nito ang Kalesa ni Sylvia Latorre, kung saan, ikinukumpara siya. Nagustuhan siya ng press dahil hindi birit ang panlaban sa contest.
Medyo tumaba si Ryan dahil siguro sa ilang araw na bakasyon nila ni Judy Ann sa Maldives na sabi ni Ryan maraming sexy, pero ang misis pa rin ang pinakaseksi.


source here

Ryan fresh na fresh pagkatapos ng honeymoon sa Maldives


ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) Updated May 02, 2012

Pinakabonggang grand finalé ng Talentadong Pinoy Battle of the Champions ang magaganap this year dahil bukod sa ibinalik sa dalawang gabi ang finalé, ngayong taon din ang biggest prizes na mapapanalunan.
Tatanggap ang mana­nalo kina Ayegee, Mhelbelline, Dancing is Fun, Craig and Samantha, As­troboy, Susantivo, Mo­nica, at Rhyzza ng P1 million, brand new car, at karapatang mag-represent sa World Championships of Performing Arts o WCOPA.
Gagawin sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City ang finalé sa May 5, (performance night) at May 6, ang announcement ng mga winners. Umaasa ang host na si Ryan Agon­cillo na darating si Nora Aunor at ang asawa niyang si Judy Ann Santos. Narinig naming ini-anounce ang pagdating din nina Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Cong. Lucy Torres-Gomez, at marami pang iba.
Samantala, kahit puyat sa pag-aalaga sa baby nilang si Lucho, mukhang presko si Ryan dahil kagagaling lang nila ni Judy Ann sa Maldives para mag-honeymoon. Umalis sila noong April 23 at bumalik noong April 28, na 3rd wedding anniversary din nila.  


source here

Tuesday, March 27, 2012

Juday backs Sharon vs haters


By NITZ MIRALLES

Manila, Philippines – ANG kaseksihan ang unang pinuna ng press kay Judy Ann Santos nang dumating ito sa presscon niya bilang first celebrity mom endorser ng Eden Cheese kasama ang anak na si Yohan. Inalam namin ang kanyang vital statistics, pero hindi niya alam.
“Hindi ko talaga alam, di ako nagmi-measure ng alindog ng katawan. Si Paul Cabral lang ang nakakaalam ng exact measurement ko,” sagot ni Judy Ann.
Ang ganda-ganda naman talaga ni Judy Ann sa blue Herve Leger dress at ibinagay niya yata sa kulay ng damit sa publicity photo ng Eden Cheese. Nagpasalamat ito sa maker ng Eden Cheese sa pagkuha sa kanila ni Yohan bilang mother-daughter endorsers.
Samantala, hiningi namin ang reaction ni Judy Ann sa tweet ni Sharon Cuneta na “JUDAI MY SISTER I THINK YOU ARE RIGHT TO NOT JOIN TWITTER” dahil sa naranasang cyber bullying nito sa Twitter.
Sabi ni Judy Ann: “Napagkuwentuhan namin ang tungkol d’yan at nabanggit ko sa kanya ang opinion kong ayokong mag-Twitter dahil magulo. Ang daming issue sa mga artista ang lumalabas dahil sa Twitter. May kani-kanyang opinion at hindi nasasala. Nangyari na nga kay ate at nalulungkot ako dahil ang daming umaaway sa kanya at nahusgahan agad siya at kung anu-ano ang sinasabi sa kanya at kay KC (Concepcion).”
“Nabasa ko ang mga tweet sa kanya, anak niya ‘yun at kahit naman ako magagalit at hahanapin ko ang naninira sa anak ko. Nine months mong dinala ang anak mo, tapos sisiraan lang ng ‘di naman kayo kilala. Naiintindihan ko si ate at walang sinumang tao ang may karapatang humusga sa pagde-defend niya sa kanyang anak. Hindi nila alam ang saloobin niya, nanay ‘yun at nasasaktan sa mga paninira sa kanyang anak.”
Ganu’n din ang reaction ni Judy Ann sa naging kaso ni Regine Velasquez-Alcasid na ipinagtanggol ang anak na si Baby Nate sa mga basher.
“Kung mangyari ‘yun kay Lucho, hahanapin ko siya. Okey lang ako ang kinanti dahil sanay na ako, pero ‘pag anak mo na kahit naman sinong santa, lalabas ang sungay.”
Natatawang binanggit ni Judy Ann na tiyak siyang paglabas ng interview sa kanya tungkol sa Twitter issue, mamasamain siya.
“Sana isipin lang nila na hindi mga robot ang mga artista at nasasaktan din kami at walang may karapatang pagsalitaan kami ng masasama,” dagdag na pahayag ni Judy Ann.
Samantala, third wedding anniversary nina Judy Ann at Ryan Agoncillo sa April 28, pero wala pa silang plano kung paano isi-celebrate ang special occasion sa buhay nila. Last year, nag-ihaw-ihaw lang sila kasama ang mga kaibigan at pamilya at one week lang silang naghanda.
“Mahilig kami sa last minute preparation at napapansin namin, habang patagal nang patagal, wala ka nang maisip kung paano magsi-celebrate,” pagtatapos ni Judy Ann.



 source here

JUDY ANN SANTOS STANDS BY MEGASTAR SHARON CUNETA

 By JUSTIN JOHN MATA

22/03/2012 13:42:28
Judy Ann Santos seems to have lost her innocence in marriage and having “a picnic in Eden” to qoute Irish novelist and short story writer Elizabeth Bowen. TODO! ENTERTAINMENT (FOLLOW THAT SUPERSTAR!) interviewed Judy Ann during her launch as the image model of the new Eden Cheese campaign. As this transcript will show, she has matured beautifully as a woman.

Juday, what is your secret of your hot, sexy figure?
Happy life and siguro yung commitment ko na gusto talagang pumayat at pagpupursigi. As long as nagagwa ko pa rin yung duties ko as a mom and wife. Every morning fresh juice, veggies and yogurt. Pero kinakain ko pa rin yung gusto kong kainin pero following morning may kapalit yang exercise, like pagtakbo takbo ko sa bahay o di kaya kargahin ko si Lucio ng ilang oras o di kaya akyat panaog ako sa hagdanan. Maraming ways ang pwede mong gawin na hindi ka gumastos ng pera.

Yohan started doing commercials. Any plan to let her enter showbiz?
Siguro commercial lang muna. Pero gusto niya maging singer sabi niya. Kung gusto niya mag-voice lesson pero pinapipili namin kung ano gusto niya kasi mahilig ding sumayaw.

Mana sa iyo. Maganda ang boses?
Tama! Alam mo na, Pang-Araneta (Coliseum)!

This summer what does she likes to enroll in?
Voice lesson. Sinabi na niya sa amin.

Most of the celebrities now have a Twitter account. Do you have one?
Wala po.

Any reason you don’t have one?
Hindi ako sumali sa Twitter siguro kasi alam ko na sa panahon ngayon lahat ng tao may opinion, lahat ng tao may kapasidad na magsaslita ng mga masasakit. At hindi naman ito nasasala, at hindi naman ito dumadaan sa MTRCB. Gusto ko kasi ng payapa na araw; ayaw ko na na i-stress; ayaw ko yung maiinis ka at saka sanay naman siguro ako sa mga alipusta. Parang okay na ako dun; quota na ako dun.

What can you say to other celebrities who had been attacked maliciously in Twitter and in return fight back with bashers and haters?
Ang masasabi ko lang may mga pagkakataon na kasi bilang isang ina, di ba? Kung ikaw lang naman ang aalipustahin, ako okay lang kasi kaya ko pero pag-anak mo na yung kinansi kahit sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay kasi anak mo yun. Dinala mo yan ng siyam na buwan sa sinapupunan mo, niluwal mo, pinalaki mo tapos andyan lang yung mga tao para alipustahin lang yung anak mo at husgahan agad-agad.

Sharon Cuneta is one of your closest friends. What can you say about all those irresponsible attacks she got from bashers? Kay Ate Sharon, nanay siya. Sa akin man sabihin yun siguro masasaktan naman ako ng bonggang-bongga. Parang hindi na yata makatao yung mga sinasabi. Siguro sinasabi with their own reasons pero siguro darating ang panahon pagnaging magulang na sila kung mga bata man ito o mga dalaga’t binata ang gumagawa ng ganitong mga ito, pag maging magulang sila mararamdaman nila.

Piolo is also being attacked on Twitter. As your former leading man, what can you say about those negative things they say about Piolo?
Sa totoo lang, it’s a personal thing and ito siguro ang dapat hindi natin pinakikialaman. Kasi dalawa lang naman talaga na tao ang involved kaya hindi tayo kasama diyan. Naiintindihan ko na may mga tao na gustong protektahan ang mga idolo nila pero sa ginagawa nilang pagprotekta napasama din pati yung mga iniidolo nila. Kung ano man yung naging isyu about KC )Concepcion) and Piolo, wala namang hindi nadadaan sa matagal na panahong pagpapahinga di ba? Bigyan natin ng time, bigyan natin ng espasyo silang dalawa, relax lang hayaan na natin. I guess silang dalawa iare trying to move on pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go.

When is your next movie project?
I have a movie with Coco (Martin) sana sisimulan namin early this year. Pero kasi madami ring ginagawa si bagets (Coco), tapos nag-finals din ako ng Junior Master Chef, relax muna. Kaya siguro bago mag-school year ulit baka magawa na namin. Now I’m doing a movie of direk Joey (Reyes). May isang araw pa ako sa kanya. May talks about doing a movie with John Lloyd (Cruz) pero hindi ko alam kung mangyayari ang lahat ng yan sa isang taon.

What is the reason you prefer not to accept the offer of E.R Ejercito to star in his next movie project?
Malaking pelikula ito, ha? Malaking proyekto ito parang hindi ito ma-take ng ibang tao na tumanggi ako. Sa totoo lang hindi ko kayang maitawid ang character ko sa pelikula at isa pamagampanan ng maayos. Bayani itong pinag-uusapan natin di ba? Hindi kung sinu-sinong tao lang na gagampanan mo yung buhay at pwede mo yung gagampanan agad. Gusto ko kasi siyang pag-aralan at isapuso pero kung ako mismo nararamdaman ko kasi ngayon na hindi ko siya maitatawid at hindi ako makakarelate kasi malayo sa personality ko. Ayaw ko makulangan ang trabaho ko at profession ko dahil naging katawa-tawa yung pagganap ko. Pero it’s an honor that they considered me for the role.

Do you set limitations now of doing projects now that you are a mother of two kids and wife to Ryan?
Hindi na kasi pupwede ng katulad noong ako’y dalaga pa na pwede sa kalsada na lang ako natutulog, sa set na ako naliligo. Okay lang yun ngayon kasi ibang istorya na kasi chapter na ito ng buhay ko na pagwala ka sa bahay araw-araw, may mga bagay ka na hindi nakikita at mababantayan sa mga bata.

Plans for this Holy Week with the family?
Ang hirap lumabas ng Maynila. Ang traffic at saka kung mag-beach ka magkita-kita rin kayong mga magkakaibigan kaya pag-Holy Week nasa bahay lang din naman kami: nagba-bonding kami sa bahay, dun kami nagdadasal; si Mommy talaga pag-Holy Week nagbi-Bisita Iglesia; kami naman nagrorosaryo.


source here

Sunday, March 25, 2012

Judy Ann, may mensahe sa bashers ni Sharon sa Twitter


--------------------------------------------------------------------------------


Ni Reggee Bonoan


SA intimate interview ng press kay Judy Ann Santos sa launching ng kanyang endorsement sa Eden Cheese, napunta ang usapan sa Twitter, ang hot topic ngayon sa sa showbiz dahil sa malaya nang nabibira ng publiko ang mga artista, tulad nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

`Magkapatid’ ang turingan nina Sharon at Juday, kaya hiningan ng pahayag ang huli kung ano ang masasabi niya sa mga nambabastos sa `ate’ niya at kung ano ang payo niya sa bashers?


“May mga pagkakataon kasi na bilang isang ina, hindi ba, kung ikaw lang naman ang aalipustahin, ako, okay lang kasi kaya ko. Pero `pag anak mo na `yung kinanti, kahit naman sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay,“ pahayag ni Juday.


Nagugulat at hindi raw siya makapaniwala sa mga nababasa niya dahil ganu’n na raw pala kalala ngayon.


“Parang hindi na `ata makatao `yung mga sinasabi. Siguro, they have their own reason, but siguro darating din ang panahon na kapag naging magulang na sila, kung mga bata man ito or mga dalaga’t binata ang gumagawa ng ganitong salita, `pag naging magulang sila, mararamdaman nila `yung pinanggagalingan ng magulang ngayon.“


Tungkol kasi ang isyu kay KC Concepcion na may kinalaman sa ex-boyfriend na si Piolo Pascual (dating loveteam ni Juday).


“Feeling ko lahat naman ng ito nanggaling doon sa naganap na hiwalayan (nina Piolo at KC), di ba? It’s a personal thing, ito ang isang bagay na hindi natin dapat pakialaman kasi dalawang tao lang naman ang talagang involved dito, hindi tayo kasama.


“Naiintindihan ko na may mga taong gustong protektahan ang mga idolo nila. Pero sa ginagawa nilang pagpoprotekta, napapasama rin pati mga idolo nila.


“So, kung anuman ang naging issue with KC and Piolo, wala namang hindi nadadaan sa matagal , na panahong pagpapahinga, hindi ba? Bigyan natin ng time, bigyan , natin ng espasyo silang dalawa. Relax na, hayaan na natin. Kasi silang dalawa are trying to move on pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go.


“Hayaan na lang natin silang maging masaya. Naku, ito’ng mahirap, paglabas ng interview na ito, I’m sure ako naman ang may mga bashers,“ natawang pahayag ng aktres.

Samantala, nagbanggit na raw sa kanya si Yohan, kasama niya sa Kraft Eden Cheese TVC, na gusto nitong pumasok sa showbiz.


“Gusto niyang maging singer, sabi niya. Hindi naman namin siya pinipigilan, kung gusto niyang mag-voice lessons, pinapipili namin siya kung ano ang gusto niyang gawin this summer, so we’ll see.


Mapatapos ng pag-aaral sina Yohan at Lucho ang main goal nila ni Ryan Agoncillo.


“As long as nakatapos sila at they can provide na for the own family and the same time they can raise their own children as well, `yun lang naman. With regards to their profession, whatever they want okay lang. Hindi kami `yung tipo ng magulang na ngayon pa lang planado na, hindi kami ganu’n.


“Pero ako sana gusto ko kay Yohan dermatologist kasi malaking pera ro’n, eh,“ natawang sabi pa ng nanay ng dalawang bagets.


Ano naman ang gusto niya para kay Lucho paglaki?


“Dermatologist din o cosmetic surgeon,“ tumawa uling sabi ni Budaday.



source here

Thursday, March 22, 2012

Judy Ann Santos, naiintindihan si Sharon Cuneta sa ipinagsisintir sa Twitter!



SUPER SEXY si Judy Ann Santos nang rumampa ito sa presscon ng bago niyang endorsement na Eden Cheese. Ikinagulat ng media ang mabilis na pagpayat ng asawa ni Ryan Agoncillo. “Siguro nabibigla lang kayo kapag naka-outfit ako nang ganito. Kasi, sanay kayong makitang maluwag ang damit ko. Nasa bahay lang ako, pahabul-habol sa bagets kapag naglalaro kaming mag-iina. So, nandu’n na ‘yung nai-exercise ka at saka nasanay na rin ako small amount ‘yung kinakain. Hindi ko rin napapansin kung naglu-lose ako or kung ano, happy naman ako,” tsika niya.
Sabi ni Judy Ann, malaking factor si Ryan sa pagiging sexy niya. May secret formula kaya ang magaling na actress for being sexy? “Happy life. Commitment na gusto mong ta-lagang pumayat. Disiplina sa sarili na gusto mo itong gagawin mong ‘to at hindi ito inutos ng ibang tao. At saka ‘yung pagpupursigi na hindi ka kahit kailan mada-down ng kahit sino dahil dini-discourage kang magpapayat. Basta gusto mo, go as long as nakakaga mo ‘yung duties mo as housewife. And at the sametime, nagagawa mo pa rin ‘yung duties mo para sa sarili mo kasi, papaano mo itatawid lahat ‘yung responsibilities mo, kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka confident. It’s always come from your heart. It’s always come from yourself, ‘di ba?
“Malaking bagay mayroon kang support group. Hindi ito ‘yung support grupo na pinilit mong suportahan ka. With Ryan kasi, sa asawa ko, walang halong pambobola. Hindi niya napansin kung gaano ako kalaki noong lumaki ako. Araw-araw rin kaming magkasama. Mahal na mahal niya ako para hindi niya makita, itong asawa ko pa-balyena factor. Ngayon lang niya uli napapansin kapag tumitingin kami ng mga pictures last year. Kapag nag-compliment si Ryan, ang sarap naman pakinggan lalo’t English ‘yung compliment like, you’re so beautiful!”
Hangga’t maari ayaw ni Judy magtrabaho ng Saturday and Sunday. Inilalaan niya ang araw na ‘ yun sa kanyang pamilya. “Kasi, ‘yun lang ‘yung time na walang pasok si Yohan. Kung mayroon mang trabaho, hanggang tanghali lang, hanggang 3 p.m. lang. Saturday naglalaro kami, larong-kalye. Gusto kasi naming i-introduce kay Yohan kung ano ‘yung mga ginawa namin ni Ryan noong mga bata pa kami. Patintero, agawan base, mga habulan kasi, kulang na lang maglagay ka ng patintero sa iPad.”
Alam natin kung gaano ka-close sina Judy Ann at Sharon Cuneta. Sa nangyayari ngayon sa twitter account ng Megastar, anong masasabi niya tungkol dito? “Ang masasabi ko lang, may mga pagkakataon kasi, bilang isang ina… kung ikaw lang naman ang aalipustahin, ako, okay lang, kasi kaya ko. Pero kapag anak mo na ang kinanti, kahit naman siguro sinong santa, lalabas at lalabas ang sungay kasi, anak ‘yun. Dinala mo ‘yun nang siyam na buwan sa sinapupunan, iniluwal mo, pinalaki mo tapos nand’yan lang ‘yung mga tao para alipustahin at husgahan agad-agad. In general, bilang isang ina, ‘yun talaga ang nature ng isang nanay, protektahan. Inakay mo ‘yan, ‘di ba? Inalagaan mo ‘yan buong buhay mo. Walang sinumang tao may karapatan na saktan, alipustahin ang anak mo. Sa kaso ni Ate Sharon, nanay siya. Sana’y maintindihan din siya. Kagabi ko lang yata nabasa (Tuesday, March 20) ang nagaganap kasi, nasa trabaho ako rin ako kagabi. Sa akin man sabihin ‘yun masasaktan ako nang bonggang-bongga. Hindi na yata makatao ‘yung mga sinasabi rin. Siguro, they have their own reason. Siguro, darating din ‘yung panahon kapag naging magulang na sila kung mga bata man itong gumawa ng ganitong salita. Kapag naging magulang sila, mararamdaman nila ‘yung pinanggagalingan ng mga magulang ngayon kapag sinaktan ang anak mo,” paliwanag niya.
Comment ni Juday sa mga personal na tira sa Megastar. “Sa totoo lang, feeling ko, lahat ng ito nanggaling  mula doon sa naganap na hiwalayan, ‘di ba? It’s a personal thing. Ito ‘yung isang bagay na hindi dapat pakialaman kasi, dalawang tao lang ang involved dito. Naiintindihan ko na may mga taong gustong protektahan ang mga idolo nila. Pero sa ginagawa nilang pagpoproteksiyon, napapasama rin pati ‘yung iniidolo nila. Kung anuman ‘yung naging issue between KC (Concepcion) and Piolo (Pascual), wala namang hindi nadadaan sa matagal na panahong pagpapahinga. Bigyan natin ng time. Bigyan natin ng space silang dalawa. Relax lang, hayaan na natin. I’ve guess, silang dalawa, their trying to move- on. Pero may mga tao sa paligid nila na hindi maka-let go. Hayaan na lang natin silang maging masaya. Naku! Baka paglabas ng interview ito, I’m sure,  ako naman ang may mga bashers,” aniya.
AYAW Paawat!


source here