3/20/2012 10:28 AM
by: Rhea Manila Santos
After they first got to work together on the movie Hating Kapatid, Judy Ann Santos said that her friendship with Sarah Geronimo has continued even off-screen and has grown deeper despite the fact that they rarely get to see each other anymore. In fact, the PopStar Princess considers Juday as one of her closest friends in showbiz and is like a real “ate” to her. “Matagal na kami hindi nagkikita, palagi na lang text-an. Hindi na nga rin masyado yung texting kasi sobrang busy na rin siya ngayon. Last time ko siyang nakita, ganun na katagal kasi hindi ko na maaalala. Nung nag-guest pa ata ako sa ASAP. Pero dumadalaw naman sa akin yan sa bahay kung minsan kapag may time siya, nagkuwe-kuwentuhan kami. Pero ngayon nga siguro dahil sobrang busy, hindi na siya makadalaw. Nami-miss ko siya bilang siya as a whole. Lahat sa kanya nami-miss ko,” Juday admitted.
The 33-year-old host-actress also shared that Sarah has a different persona on and off camera. “Si Sarah kasi for some reason mahiyain siya. Mahiyain talaga siyang bata eh. At saka ang dami niyang insecurities sa maraming bagay na hindi naman dapat. Akala niya parang ang pangit ng ilong niya, palagi yan pag nagshu-shooting kami, ang tagal tagal niyang nakatingin sa salamin pag naghihintay kami ng set-up tapos tinitignan lang niya ilong niya. Tapos parang ang laki daw ng legs niya. Eh buntis na ako nun, sabi ko, ‘Babe kung malaki ang pata mo, paano pa ako? Eh di wala ng mas lalaki pa sa akin di ba?”’ she said jokingly.
Juday said that she knew Sarah was very talented even before they started working together. “Meron siyang talent na hindi niya alam meron siya. Pero kapag nakaharap siya sa camera, it just comes out naturally like with acting, ang tindi ng timing niya sa comedy. Hindi niya alam na may timing siya sa comedy. Pero pag hindi gumigiling yung camera, nakatabi lang yan sa akin. Pagka-nalulungkot sasandal lang. Same goes with singing, para siyang nag-mo-morph. Para siyang nagiging halimaw pagka-nasa stage pagka-nagco-concert, totally ibang tao. Nakaka-amaze kasi galing ito sa isang mahiyaing tao ah. Ayaw magpakita ng legs, ayaw magpakita ng braso, ayaw magpakita ng tiyan. Sabi ko nga, ‘Babe kung ano yung may ganyang katawan, hindi ako magdadamit! (laughs). Lagi akong naka-two piece.’ Ang kinis ng balat niya. Ang charming, mabait na bata,” she added.
As an “older sister,” Juday sadi she wants Sarah to also experience a normal kind of life as much as she can. “Ang gusto ko lang for Sarah is for her to do what she really wants. If she wants to study in a normal school, sana magawa niya in order for her to experience kung ano ba talaga ang buhay ng isang estudyante. Sabi ko sa kanya i-try niyang mag-travel. I-experience niya muna ang Asia ng kasama ang friends or barkada or siya lang. Kasi iba rin yun eh, yung meron kang time alone na nakakausap mo ang sarili mo na nakikita mo ang mundo sa ibang point of view. Sinabi ko sa kanya yun kasi yun yung hindi ko nagawa masyado nung dalaga ako na gusto kong ma-experience niya. Kasi iba yun eh, ibang pagkatao ang mai-mo-mold sa kanya nun,” she explained.
After hearing about all the controversies that her former co-star went through last year, Juday said she knew Sarah would be able to get through it because of her strong character. “Feeling ko kumukuha siya ng strength sa talent niya. Ito talaga yun eh, ito yung gusto niya. She wants to sing, she wants to act, and dito ko nakikita na she’s her own person kapag nakaharap siya sa camera. Walang nagdi-direct sa kanya kung anong gagawin niya, walang nagmamando kung anong diskarte kung kelan siya ngingiti, kung kelan siya tatawa, iiyak. Lahat yun kanya lang. At lahat yun kaya niya, hindi lang niya siguro napapansin na kaya niya pero kaya niya eh, mahusay siya,” she admitted.
source here
No comments:
Post a Comment