@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Friday, February 17, 2012

Sa mga post ni Mommy Carol Santos sa Facebook ay sobra ang kasiyahan niya sa mga anak niya nitong nakaraang Valentine’s Day.


Lahat daw ay may mga sorpresa sa kanya.


‘Ika nga, ano pa ba ang mahihiling niya pagdating sa mga anak. Noong Valentine ay pinasundo raw siya ni Juday at doon sa bahay ng mag-asawa siya nag-dinner na si Juday bilang chef ang mismong nagluto.


Kaya sobra ang kasiyahan ng ina, at pag-uwi niya sa bahay nila ay may naghihintay na mga flowers galing sa pamilya ni Juday. Napakasuwerteng ina.


Ginamit talaga nang husto ni Juday ang pinag-aralan niya sa pagluluto.


Siya lang talaga ang nagluluto sa kanilang bahay lalo sa asawa at mga anak. Being a typical mother ay bumabangon siya ng maaga para ipaghanda ng almusal ang mga anak bago pumasok at sinisiguro niya na gising siya sa pag-alis ng mga bata.


Kasi nga naman sa trabaho niya bilang artista ay walang oras at madalas hindi na sila nagkikita sa maghapon. Kaya nga wish niya na Sunday is a family day although minsan hindi maiiwasan dahil sa tawag ng trabaho.


Maski sa programa sa TV ay pagluluto rin ang inuna ni Juday. Kaya siya naging host ng Junior MasterChef. Komo mga bata ay aliw si Juday sa mga batang contestants ng Junior MasterChef.


source here

No comments:

Post a Comment