@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, February 26, 2012

Richard Poon, na-torture sa b-day party ng mommy ni Juday


Ni ALLAN DIONES




 
SI Judy Ann Santos ang punong-abala sa 65th birthday party ni Mommy Carol Santos kamakalawa ng gabi sa 55 Events Place sa Scout Rallos, QC.
Katuwang ni Juday sa pag-o-organize ng party na ‘yon ang mga kapatid niyang sina Ate Jackie at Kuya Jeffrey Santos. Nandu’n din siyempre ang mister ni Juday na si Ryan Agoncillo.
May live band na tumugtog at merong dance floor na may dancing lights ang ilalim.
Inabutan naming sumasayaw roon ang madir ni Piolo Pascual na si Mommy Amelia Pascual.
Malapit na kaibigan ni Mommy Carol si Mommy Amy, na nandito ngayon sa ‘Pinas (sa Amerika ito nakatira kasama ng ibang kapatid ni Piolo).
Present din ang Mommy Rowena at Daddy Chito ni Ryan. 7 years old na ang adopted daughter nina Juday at Ryan na si Yohan, na parang unti-unti nang nagiging dalagita.
Pumayat ang bagets at mukhang lalaki itong matangkad.
Na-touch si Mommy Carol sa surprise sa kanya ni Juday. Inimbita nito si Richard Poon para pa­kantahin sa party. Isa pala si Richard sa paboritong singers ng birthday girl.
Tuwang-tuwa si Mommy Carol nang handugan siya ng ilang awitin ng tsinitong crooner. Parang kinikilig-kilig siya habang kumakanta si Richard.
Naaliw kami kay Richard dahil nakikipagkulitan ito sa mga batang bisita ni Mommy Carol. Dahil sa mga apo ni mommy at sa mga kaibigan ng mga ito ay parang may children’s party rin na nagaganap.
Nang biruin ni Richard ang mga bagets kung gusto nila ng Justin Bieber song ay nagsigawan sa tuwa ang mga ito.
Pero panay luma ang songs ni Richard, so dismayado ang mga bagets at hindi sila maka-relate.
Panay ang react ng mga ito at nag-iingay habang umaawit si Ri­chard. Natatawang sey tuloy ng Chinese singer, noon lang niya naranasan na ma-bash at ma-torture nang gano’n ng kanyang audience. Ha! Ha! Ha!
Gandang-ganda kami kay Juday that night, na dalagang-dalaga ang da­ting sa kanyang off-shoulder outfit na lambut-lambutan ang tela.
Kalurkie ‘yung ibang mga naninira sa mag-asawang Juday at Ryan. Habang nandu’n kami sa party ay may mga natanggap kaming tweets na kesyo hindi man lang daw dumaan si Ryan sa birthday ng biyenan nito, pero nakita itong nasa isang bar at umiinom na may ibang kasama.
Maliwanag na imbento ang nasabing mga tweet dahil habang binabasa namin ‘yon ay ka-table namin si Ryan at nagsasaya sa party ni Mommy Carol kasama ng mga kaibigan nilang mag-asawa.



source here

No comments:

Post a Comment