@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, February 26, 2012

Maraming insecurities si Sarah na ‘di naman dapat –Judy Ann



Ni Jimi Escala

TULAD ni Judy Ann Santos, paborito ring alaga ng ABS-CBN network si Sarah Geronimo. Nagkasama sila sa pelikulang Hating Kapatid at nagturingan nang parang tunay na nang magkapatid.
“Medyo mahiyain talagang bata si Sarah,” kuwento ni Juday, “at saka ang dami niyang insecurities sa maraming bagay na hindi naman dapat.
“Tutal naibuko ko na rin naman ito sa mga talk shows before nu’ng nag-promote kami ng pelikula. Akala yata ni Sarah, pangit ang ilong niya. Palagi ‘yan, ang tagal tagal niyang nakatingin sa salamin ‘pag naghihintay kami ng shoot. Kung ilang beses niyang tinitingnan sa salamin ang ilong niya.
“Tinatanong ko nga siya kung bakit. Kasi sabi niya parang ang pangit daw ng ilong niya ‘tapos ang laki-laki daw ng legs niya. Eh, nagkatong buntis na ako noon, sabi ko, kung malaki ang pata mo, eh, paano na ako, eh, di wala nang lalaki pa kaysa pata ko,” napabungingis na banggit ni Juday.
“At saka si Sarah, meron siyang talent na hindi niya alam na meron siya. Pero ‘pag nasa harap siya sa kamera, nailalabas niya ‘yun. May timing siya sa comedy na talagang naipapakita niya ‘pag nasa harap na ng kamera na akala natin, eh, wala siyang ganu’ng talent.
“Kami naman ni Sarah, ‘pag wala kami sa harap ng kamera, nakatabi lang ‘yan sa akin, ‘pag medyo nalulungkot, eh, sasandal lang sa akin ‘yan. Kaya nagugulat ka lang ‘pag take na, para siyang isang halimaw ‘pag nasa stage na, nagko-concert, totally parang ibang tao siya na nakakagulat talaga.
“Kumbaga, sa isang mahiyaing tao na ayaw magpakita ng legs, ayaw niyang magpakita ng braso, ayaw magpakita ng tiyan, ‘tapos ‘pag nasa stage niya, ibang-iba talaga siya.
“Sabi ko nga sa kanya, kung ako ang may ganyang katawan, eh, hindi na ako magdadamit,” natatawa pang kuwento ni Juday.
“Kumbaga, kung ako ‘yan, eh, lagi akong naka-two piece, ang kinis ng balat. Si Sarah naman, eh, mabait na bata ‘yan. Ang gusto ko lang sana kay Sarah, eh, matapos niya ang pag-aaral niya o studies in a normal school.
“Sana magawa niya for her to experience kung ano ba talaga ang buhay ng isang normal na estudyante. Gusto ko rin sa kanya na i-try niya ang mag-travel, like Asia na ang mga kasama niya, eh, mga friends lang niya, barkada, o siya lang.
“Iba rin kasi, ‘yung may time siya alone at nakakausap niya ang sarili. Sinabi ko sa kanya ‘yun, kasi ‘yun ang hindi ko nagawa nu’ng dalaga ako. Gusto kong ma-experience ‘yan, kasi iba talaga ‘yun,” pagtatapog ng magandang aktres.



source here

No comments:

Post a Comment