@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, February 16, 2012

Bakit nga ba very choosy sa projects si Judy Ann Santos?


By Ceasar Pambid

Feb 16, 2012

Sobrang mapili raw ngayon si JudyAnn Santos sa mga projects being offered to her. Diva-divahan daw ang paepek niya. Sa totoo lang naman, kulang na lang talaga ng ilang paligo, superstar na rin si Juday, kaya bigyan na lang natin siya ng katuwirang mag-inarte.

 But just the same, very sane naman yung pagkaklaro niya about the issue, kung bakit may mga tinatanggihan siyang projects

“In fairness sa akin, ha, hindi ko tinatanggihan. Wala pa naman yata akong project na tinanggihan nang wala akong sapat na dahilan. Siyempre, mas magiging mapili ka lang ngayon sa mga project kasi hindi naman ibig sabihin, ’pag bagets ka, tira ka lang nang tira ng mga proyekto.

“Siyempre, kailangan mo ring pag-aralan. It’s not like before na kahit anong project ang gawin mo, mapamaganda, mapapangit, okay lang kasi andiyan ’yung pera. Ngayon, hindi. Kasi ang dami nang artistang dumarating.

Hindi lang ito basta sa pera. Kailangan gusto mo ’yung gagawin mo, gusto mo ’yung istorya, magugustuhan ng mga tao.

“Kasi after ng project mong ’yun, kailangan may papasok na kasunod. Eh, kung mag-flop ’yun, eh, ’di wala nang kasunod? So, kailangan talaga ngayon, pinag-iisipan lahat.

“Hindi naman po ako nagmamaldita or hindi ako nagpapaka-diva. Mahal ko kasi masyado ang trabaho ko, mahal ko ’tong sinimulan ko, dito ako lumaki. Siyempre, gusto mo ’yung slowly but surely and of course, malaking factor ’yung may family.

“Kasi hindi mo naman maire-rewind itong pagkabata nitong mga anak ko. So, natutuwa lang din ako at naa-appreciate ko nang sobra na nirerespeto naman ng mga producer ang hiling ko.

At saka, hindi naman ako humihindi ng ayoko, ine-explain ko naman nang maayos,” mahabang paliwanag ng aktres

O, di ba! Divang-diva talaga!


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment