@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, February 19, 2012

Juday, may alam kay Piolo

NAPAG-USAPAN si Piolo Pascual sa interview namin kay Judy Ann Santos sa presscon ng Junior Master Chef. Natanong ang aktres kung updated ba siya sa mga nangayayri ngayon sa lovelife ng dati niyang ka-loveteam.

“Eh, alam ko ‘yun, ay ano ba ‘yung nasabi ko!” napabungisngis na sabi ni Juday. “Sa totoo lang, eh, una pa nga akong nakakaalam, eh. Pero wala, sinabi ko lang ‘yun. Pero updated naman ako sa lahat ng mga nangyayari sa paligid ko.
“Oo nga, may pagkakataon na una naming nalalaman kaysa inyo (press). Pero imbes na pagtsismisan ng mga tsismoso at tsismosa, eh, p’wede bang hindi makarating sa isang tao ‘yan? Bago nakalabas sa balita ‘yan o sa inyo, eh, meron na silang alam na mga isyu na hindi nga lang p’wedeng ilabas. Ganu’n din ako.
“At kahit alam ko na, pigain man nila ako, eh, balatan man nila ako ng buhay, eh, hindi ko pa rin naman sasabihin. Eh, hindi naman ako kikita riyan. Kung kikita siguro ako, eh, sasabihin ko,” natatawa pa ring banggit ni Juday.
Ano ang advice na maaari niyang maibigay kay Piolo lalung-lalo na sa dinaranas nito ngayon?
“Well, lahat naman tayo, eh, nakakaranas ng mga heartaches, hindi naman yata normal ang pagiging single mo kung hindi ka nasaktan, or what. Ako ang dasal ko lang, both kina Piolo and KC (Concepcion), eh, maging happy sila pareho as individuals. Siguro naman, kung hindi sila nag-work as a couple baka naman magwo-work na maging good friends sila.
“Maybe someday, maraming mangyari, ‘di naman tayo nagtatapos sa ganu’n-ganu’n na lang. Maliit naman ang mundo na ito. Parang kami, di ba? Parang kami daw, oh!” sabay bungisngis.


SOURCE HERE

No comments:

Post a Comment