@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Thursday, February 9, 2012

JUDAY, TINANGGIHAN ANG MMK

Hindi naman siguro dahil lumagapak ang mataas na ratings ng MMK dahil sa itinampok ang may dala ng kamalasang sobrang OA sa pagpapatawa na ginawang dramatic wannabe kaya gustong itampok si Juday sa isang natatanging kuwento.

Umayaw si Juday dahil hindi raw niya type ang istorya. Buhket, ano ba ‘yung istorya?



Nag-text sa akin ang EP ng MMK na si Judy Anne (Kapareho pa ng pangalan ni Juday, huh!) checking the availability of Juday for Feb. 16 & 20 taping.




Ang role ni Juday as Jane (Asus! Pangalan na naman ni Jane dela Cruz Buencamino na sekretarya ni Juday and acting as road manager! Ilang beses nang ginamit ni Juday ang pangalang Jane, the last one was in Habang May Buhay), na lumaking ‘di naramdaman na mahal ng ina.

Nang maging guro ay nagkaroon ng desire maging madre dahil sa kagustuhang makatulong sa kapwa, pero ‘di nakayanan ang rules sa loob ng kumbento, nang lumabas sa kumbento ay na­ging guro at nakapag-asawa. Pero nakipaghiwalay din dahil sa babaero ang napangasawa niya. Bumalik sa kanyang pamilya, tumulong sa mga tao sa kanyang maliit na paraan.




Touching nga indeed ang istorya pero umiiwas lang si­guro si Juday sa past, present and future - uhum, parang Yesterday, Today and Tomorrow, huh!


It’s already public knowledge ang malungkot na childhood ni Juday since 5-years old pa lang siya nu’ng maghiwalay ang tatay at nanay niya and at the age of eight ay nagsimula na siyang magtrabaho sa TV and movies.


At ang nanay niya ay nagpunta ng Canada to be a caregiver. Hindi lang siya si Ula, ang batang gubat, siya pa rin ‘yung batang umaawat sa mga bato sa pagbabato sa sirenang si Alice Dixson as Dyesebel.


Deboto si Juday ng Sto. NiƱo at kaibigan niya ang mga Carmelite Sisters na tumutulong din sa panga­gailangan ng mga ito at ng simbahan. If she does portray a novice na lumabas ng kumbento ay baka magdamdam sa kanya ang mga kaibigang mga madre.


And despite her loving son Lucho, patuloy pa rin ang honeymoon stage nila ni Ryan (na kagaga­ling pa lang sa Japan, perhaps to do another Lucho! He! He! He! He!), so it’s hard for Juday to even think na babaero si Ryan at mauuwi ang relasyon nila sa hiwalayan like most showbiz marriages!


‘Yun lang siguro ang puwedeng maging dahilan kung bakit umayaw si Juday to do the MMK story, hindi dahil sa ayaw niya sa MMK kundi ayaw niya roon sa istorya! Baka kasi kung anu-ano na namang mga intriga ang lumabas at ibato sa alaga ko at sabi­hing nag-iinarte na rin!







source here

No comments:

Post a Comment