@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Sunday, February 19, 2012

Juday at Ryan nag-second honeymoon sa Japan ng 8 days


SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) 

Sa bahay lamang nag-celeb­rate ng Valentine’s Day ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ang ka­nilang mga anak na sina Yohan ay Lucho. Naghanda si Juday ng four-course dinner para sa kanyang pamilya.
“Nagde-date naman kami ni Rye (Ryan) kahit hindi Valentine’s. So kapag Valentine’s nasa bahay lang kami kasi ma-traffic tapos ang hirap kumuha ng reservations. Si Ryan naman binigyan niya kami ng flowers, kami ni Yohan.
“Si Yohan tuwang-tuwa kasi may flowers siya. Talagang niyakap niya ’yung tatay niya kasi hindi niya ini-expect na kasama siya. Nag-dinner kami, nag-salad ako ’tapos roast beef na may mashed potatoes and grilled corn. Hindi na nga namin nakain ’yung dessert eh, gumawa ako ng chocolate-covered strawberries at saka champagne, pero ang tanda na eh kaya natulog na kami kaagad. Hindi na kami umabot doon sa dessert. Nakatulog na kami,” natatawang kwento ni Judy Ann.
Naikuwento rin ng aktres na nagbakasyon silang dalawa ni Ryan kamakailan sa Japan.
“Nag-Japan kami noong last week ng January. Umalis kami for eight days na kaming dalawa lang so, nanahimik na lang kami sa bahay kasi lahat ng card namin napagod. Wala kaming gastos na gagawin for the next year,” biro pa ni Juday.
Nag-second honeymoon nga ba ang mag-asawa para sundan na ang kanilang bunsong anak na si Lucho?
“Hindi rin eh kasi alis kami nang alis. Para lang kaming dalaga’t binata na nag-shopping lang, ’yung ganun. Hindi namin isinama ’yung mga bagets kasi unang-una, kailangan ng visa, pangalawa winter, kaya hirap mag-travel na may bagets na kasama kapag winter kasi ang dami mong bibihisan kasi malamig,” paliwanag pa ng aktres.
Samantala, ngayong tapos na ang kanyang programang Junior Master Chef Pinoy Edition ay nangangarap naman si Juday na makapagpatayo ng isang fine dining restaurant.


source here

No comments:

Post a Comment