http://www.push.com.ph/features/8043/ella-cruz-says-she-had-many-kontrabida-roles-before-aryana/
by: Bernie Franco
Ngayong nagkakapangalan na si Ella Cruz, alam niya na kailangan niyang maging conscious sa kanyang mga kilos. “Mas napapansin po ako ng mga tao ngayon. Bawat galaw ko nakikita ako ng mga tao at mas nagi-gain po ako ng maraming followers sa Twitter atsaka iba po kasi ‘pag lumabas ka sa mall, mas nakikilala ka po ngayon,” paliwanag ng teen actress at bida ng teleseryeng Aryana.
Hindi instant ang pagsikat ni Ella dahil anim na taon ang kanyang hinintay bago siya nabigyan ng launching project. Bago pa man nabigyan ng lead role ay naranasan na rin ni Ella ang magkaroon muna ng supporting roles. “Nakapagkontrabida na rin po ako sa kabilang istasyon. ‘Yun lagi ang role ko. Lagi po akong kontrabida ro’n. Gusto ko rin magkaroon ng parang action scenes,” dagdag niya.
Sa mga female celebrities ngayon, sinabi ng young actress na ang kanyang mga iniidolo ay sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Anne Curtis. “Si Miss Judy Ann, siyempre po, Primetime Queen po ‘yan. Gusto ko balang araw, marating ko ‘yung Primetime Queen.
“Si Ate Anne ‘yung confidence niya (ang gusto ko), tsaka ipinapakita niya kung sino talaga siya,” paglalarawan niya kay Anne.
Ang pagiging simple naman ni Angel sa kabila ng kanyang kasikatan ang nagustuhan ni Ella sa aktres. Kuwento pa ni Ella, “Si Ate Angel po kasi simula palang sobrang idolo ko na siya. Parang siya ‘yung pinakauna kong naging close na artista. Nung lumipat po ako [ng network] kasama ko pa rin siya. Wala pong nagbabago sa ugali niya, ganun pa rin siya. Mabait pa rin siya at sobrang mahal niya ang pamilya niya at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya sa lahat.”
Pagdating naman sa mga dramatic actors, si Coco Martin naman nag pinapangarap niyang makilala.
Dream ni Ella na makilala bilang aktres kaya marami pa siyang karakter na gustong gampanan. “Gusto ko po kasi ‘yung mga challenging [roles, kunwari] ‘yung baliw. Naging bulag na po ako once [sa isang project]. Gusto ko may adventure din po.”

No comments:
Post a Comment