|
Noong una ay hindi kaagad pinayagan si Judy Ann Santos ng kanyang talent manager na si Alfie Lorenzo para muling gumawa ng teleserye ang aktres. Makakasama ni Juday sa bagong seryeng Against All Odds si Sam Milby.
“With Tito Alfie naman he is really like that. May mga ganun talaga, may mga bagay naman na kapag ini-explain niya sa iyo ay maiintindihan mo rin pero nakikinig naman na siya ngayon sa akin. May mga times na mahaba ang pag-uusap, explanations, and everything.
“Kaya grateful din ako kay Tito Alfie. Grateful din ako na pinagbigyan niya rin kami, pinagbigyan niya ako with this soap not just because of Sam pero nakinig naman. ’Yun ang pinaka-importante sa lahat, hindi ’yung basta lang ayaw ’tapos sarado ’yung utak,” paliwanag ni Judy Ann.
Matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng soap opera ang aktres kaya medyo kinakabahan si Juday sa kanyang pagbabalik. “Excited pero nandun din ’yung kaba pero I am grateful finally nandito na, matutuloy na. Siyempre matagal kang napahinga sa mahabang taping ’di ba? And at the same time, iba na rin ang televiewers ngayon. Hindi mo na rin alam kung saan ka poposisyon. Makukuha mo ba ’yung kiliti nila sa ganitong klaseng eksena?
“Pero what’s nice with this group now ay matapang lahat. We are all willing to take the risk of making different stories and come up with different characters. Masustansiya masyado ’yung teleserye. Ang daming puwedeng mangyari. Sana mapagwagian namin,” sabi pa ng aktres na napangiti.
No comments:
Post a Comment