@Officialjuday (Twitter)

@officialjuday

@officialjuday
Instagram: @officialjuday
>

BET ON YOUR BABY EVERY SATURDAY NIGHTS ON ABS-CBN!....... .... .........

Showing posts with label ella cruz. Show all posts
Showing posts with label ella cruz. Show all posts

Thursday, June 21, 2012

Ella Cruz says she had many kontrabida roles before ‘Aryana’

http://www.push.com.ph/features/8043/ella-cruz-says-she-had-many-kontrabida-roles-before-aryana/


by: Bernie Franco


062212-ella_main.jpgNgayong nagkakapangalan na si Ella Cruz, alam niya na kailangan niyang maging conscious sa kanyang mga kilos. “Mas napapansin po ako ng mga tao ngayon. Bawat galaw ko nakikita ako ng mga tao at mas nagi-gain po ako ng maraming followers sa Twitter atsaka iba po kasi ‘pag lumabas ka sa mall, mas nakikilala ka po ngayon,” paliwanag ng teen actress at bida ng teleseryeng Aryana.

Hindi instant ang pagsikat ni Ella dahil anim na taon ang kanyang hinintay bago siya nabigyan ng launching project. Bago pa man nabigyan ng lead role ay naranasan na rin ni Ella ang magkaroon muna ng supporting roles. “Nakapagkontrabida na rin po ako sa kabilang istasyon. ‘Yun lagi ang role ko. Lagi po akong kontrabida ro’n. Gusto ko rin magkaroon ng parang action scenes,” dagdag niya.

Sa mga female celebrities ngayon, sinabi ng young actress na ang kanyang mga iniidolo ay sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Anne Curtis. “Si Miss Judy Ann, siyempre po, Primetime Queen po ‘yan. Gusto ko balang araw, marating ko ‘yung Primetime Queen.

“Si Ate Anne ‘yung confidence niya (ang gusto ko), tsaka ipinapakita niya kung sino talaga siya,” paglalarawan niya kay Anne.

Ang pagiging simple naman ni Angel sa kabila ng kanyang kasikatan ang nagustuhan ni Ella sa aktres. Kuwento pa ni Ella, “Si Ate Angel po kasi simula palang sobrang idolo ko na siya. Parang siya ‘yung pinakauna kong naging close na artista. Nung lumipat po ako [ng network] kasama ko pa rin siya. Wala pong nagbabago sa ugali niya, ganun pa rin siya. Mabait pa rin siya at sobrang mahal niya ang pamilya niya at ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya sa lahat.”

Pagdating naman sa mga dramatic actors, si Coco Martin naman nag pinapangarap niyang makilala.

Dream ni Ella na makilala bilang aktres kaya marami pa siyang karakter na gustong gampanan. “Gusto ko po kasi ‘yung mga challenging [roles, kunwari] ‘yung baliw. Naging bulag na po ako once [sa isang project]. Gusto ko may adventure din po.”


Wednesday, May 2, 2012

Ella Cruz as Aryana


Ipinakikilala ang tambalan ng mga bagets na sina Ella Cruz at Paul Salas sa Aryana, ang cute dahil nahihiya pa ang mga bagets na amining crush nila ang isa’t isa.         Sabi ni Ella, bawal pa siyang magka-BF at 15 years old, kaya ayaw pa niyang magka-crush.

Career muna ang focus niya, lalo’t title roler siya sa Aryana.

Kailangan galingan niya ang acting para matupad ang dream na magkaroon ng house sa Manila, sariling car at makapag-travel sa buong mundo.

Gusto niyang sundan ang career path ng idols niyang sina Anne Curtis, Angel Locsin at Judy Ann Santos.

“Napi-pressure ako dahil lahat ng mermaid project naging successful at kinakabahan ako dahil biggest project ko ito. Matagal ko itong hinintay, dumating din, kaya gagawin ko ang lahat,” pangako ni Ella.

Si Paul, open sa pag-aming crush niya sina Anne Curtis at Cristine Reyes at gaya ni Ella, marami rin siyang dream para sa kanyang pamilya. Ginaya ni Paul ang Tito Dingdong Dantes niya na nakalagay sa wallet ang list ng dreams and wishes.

“Top sa list ko ang magkaroon kami ng sariling bahay, maibili ng house ang grandparents ko, makabili ng Porsche, gusto kong dalhin ang dad ko sa Staples Center sa LA para makapanood ng NBA. Gusto ko paghirapan ang lahat ng ’yan bago ko makuham,” sabi ni Paul.


source here

Ella reveals crush on Xian; Bianca’s take on transgender issue


By ALEX VALENTIN BROSAS
May 3, 2012, 8:25am
 
MANILA, Philippines — Teen star Ella Cruz is not about playing coy when it comes to answering showbiz questions.

“Crush ko po si Xian Lim,” the 15-year-old declared on “TV Patrol,” May 2. “Gusto ko po siyang makatrabaho.

“Saka si Kim Chiu po, gusto ko po siyang makatrabaho,” she noted from her wish list that also included Anne Curtis and Judy Ann Santos.

Ella’s biggest break to date is her lead role in the TV series “Aryana.” But the young actress didn’t just land the job like it fell from the sky. Paying her dues, she toiled long and hard for a crack at stardom, beginning with—not surprisingly—joining kiddie pageants.

“Talagang lahat po ng contest na puwede kong salihan sinasalihan ko po,” she unabashedly admitted. She didn’t complain if her roles then were minors like “padaan-daan lang sa likod, best friend lang nu’ng bida, okay lang po.”

Ella is at a promising stage in her career now, so when asked what role would give her the ultimate challenge, she quipped, “Gusto ko po ‘yung kakaiba, eh, kunwari baliw.”


Meanwhile, former beauty queen Bianca Manalo, Ella’s co-star in “Aryana,” was ased to give her stand on the controversial issue of transgenders being considered to join the Miss Universe pageant.

“Ako po personally, meron naman pong sariling pageant for them (transgenders),” she pointed out.


As for Miriam Quiambao’s rants about homosexuals, Bianca opted to steer clear of the issue, noting, “Opinion na niya po ‘yon, eh. ‘Yun po ang stand niya [so] rirerespeto ko na lang po ‘yon.”



source here